*Aena Castro*
Hindi ko na alam kung anong klaseng pagiipon ang gagawin ko para sa next game ng DLSU sa UAAP. Napaka-damig gastusin ba naman! Meron sa pagpapa-xerox ng mga lesson, pagpapaxerox ng instrument namin para sa thesis. Haist problemado na ngayon ang inday ninyo mga bes. Napatingin na lang tuloy ako sa poster ng aking bibe loves.
"Kailan kaya ulit tayo magkikita bibe ko?" Nagulat ako ng may lumanding na unan sa mukha ko.
"Nako ate! Tumigil ka na ha. Ang OA na. Parang last week lang nagpapicture ka kay Ricci mo tapos hindi mo man lang ako naalala na ipa-video greet kay Aljun." Pagtatampo ng aking sisterets.
"E' diba nga kasi? Nag practice ka sa walang katapusang practice sa cheerdance? At hindi na kita naalala kasi alam mo 'yon? Ang bagal ng pangyayari pero in reality split seconds lang nangyari ang lahat ng iyon. So tell me paano pa kita maalala? Tyaka kasalanan mo yan, ikaw kasi." Hanggang ngayon fresh pa din sakin ang mga nangyari. I feel like I'm living in my own fantasy.
"Grabe ka ha! Bahala ka! Magpapaalam ako kay mamsh mamaya na manonood ako ng game ng La Salle against Ateneo!" Napabalikawas ako ng bangon dahil sa sinabi niya.
"As if naman na payagan ka." Mapang-asar kong sabi sa kanya. At nakita kong napangisi siya sa sinabi ko.
"Bakit naman hindi? Sabihin ko kasama ko si ate Drei." Napatayo ako sa kama.
"Aba Amber! Baka nakakalimutan mo na ako ang ate mo at hindi si Drei." Kalimutan man daw ang ate niya.
"Alam mo ate napagisipan ko na din yan. Na magpapalit na ko ng ate." Aba talaga naman.
"Ah gano'n? Sige! Do'n ka na! Do'n ka na sa bagong mong ate!" Ipagpalit daw ba ko? Pangit ba ko? Kapalit-palit ba ko?
"Sige sabi mo yan ate ha? Magpapaalam na ko kay mamsh mamaya. Tyaka bibili na din ako ng ticket bukas. Tatlo! Isasama ko ung isa kong kaibigan tapos si ate Drei." Hindi ko alam pero ung bibig ko talaga nag-letter-O talaga at ung mata ko hindi makapaniwala na ipinagpalit ako ni Amber sa friendship niya na. Imbis na ako ang isama ung ka-friendship niya ang inilibre niya.
"Ganyan ka naman e'. Lagi mong iniiwan ang ate. Wala kang konsensya!"
"Huwaw ate! Sino kaya ang walang konsensya satin? Yung iniwan ung kapatid sa bahay na pinagligpit ng pinagkainan habang ung mas matanda ayon nagsasaya sa panonood ng game nila." Hindi ka pwedeng mag-sungit ngayon Aena. Tandaan mo nakasalalay ang lovelife mo ngayon sa kapatid mong sobrang matampuhin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Bakit ba naman kasi walang akong ipon e'. Estudyante Problems: Ang mag-ipon.
"Amber. Sorry na. Pinagsisisihan na ni ate na hindi ka niya isinama. Baka naman Amber. Baka lang naman. Baka lang naman na gusto mong isama ang pinaka-maganda mong ate." Nagpumiglas siya sa yakap ko.
"Ano ba ate! Kilabutan ka nga! May payakap yakap ka pang nalalaman. Pero sige na nga ibibigay ko na sa'yo 'tong isang ticket pero babayaran mo 'to ah! Ng hulugan!" Hulugan?
"Ano namang hulugan Amber? Naman! Ilibre mo na 'to!" Nag-cross arm pa ang ineng.
"Anong libre ka dyan! Wala ng libre ngayon! Tyaka matapos mo kong iwan? Hah! Hindi ko talaga makakalimutan 'yon. I feel so sad that time." Napabuntong hininga na lang ako sa kadramahan niya at na-realize ko din na kailangang kailangan ko siya ngayon dahil nafifeel ko din na sa pagkakataong ito. Ito na talaga ang chance ko na mapalapit kay Ricci. Tarush! Assumerang loka talaga ang inday ninyo.
BINABASA MO ANG
Reality of Fate ( Ricci Rivero)
FanfictionSa tuwing nakikita ko siyang naglalaro ng basketball nabilis ang puso ko. Sa tuwing nakaka-puntos siya umaandar na naman ang pagiging taga-hanga ko. Pag may nali-link sa kanya daig ko pa pinagbagsakan ng sampung daang sako ng semento. Grabe kung mah...