Chapter 1: Unexpected

6K 96 4
                                    

Kiera's POV

Matapos kong magpaalam kina Mama at Papa tungkol sa gusto kong mag-aral sa Ellite School ay pag-iisipan muna nila kaya nagpaalam nalang akong lumabas nang palasyo para mamasyal bilang isang ordinaryong tao. Pinasama naman sakin ang tatlong bodyguards ko para safe daw. Hayss I will never be free to be on my own alone. Pumunta ako sa isa sa mga flower shop dito sa plaza para pumili nang mga bulaklak, as expected hindi ako kilala nang mga tao ni isa dito dahil hindi pa nila ako nakikita sa personal bilang prinsesa nila, sarap kaya maging normal lalo na't wala kang atutupagin na responsibilidad pero hindi ibig sabihin non abnormal na ako. Nanakaw nang mata ko ang Blue Roses, hopefully one boquet nalang ang natira kaya bibilhin ko na.

Kukunin ko na sana nang may ibang kamay ang humawak nito at sabay pa kami umabot sa bulalak. Nabigla siya at pati narin ako, dahil sa magkahawak na ang kamay namin ngayon. Bumitaw na ako sa pagkakahawak sa bulaklak. Nakatulala parin siya. "Hey!" Sigaw ko. "Those Blue Roses are mine." Pasigaw kong dugtong. Ako naman ang nauna niyan eh.

"May pangalan mo ba?" Mayabang niyang tanong. "Nabayaran mo na ba?" Sunod sunod niyang tanong.

"Hindi, pero..." Hindi na niya ako pinatapos nang magsalita siya ulit.

"Eh hindi naman pala eh, pano naging sayo? Tsaka ako naman talaga ang naunang kumuha nito eh? Binitawan mo na din kaya akin ito." Mayabang pa din niyang sabi. "Ate magkano po?" Tanong niya ni Ate, ang may-ari sa flower shop. Nakakainis talaga.

"Edi sayo na!" Naiininis kong sabi. "Wala naman akong magagawa diba? Hawak-hawak mo na?! Maghahanap nalang ako nang iba, kasi sa ating dalawa ako ang gentleman." Dugtong ko sabay walk out. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Nakakainis! Nasira tuloy ang beauty at araw ko ngayon. Hindi naman ako masungit sadyang nainis lang talaga, edi kainin niya bulaklak niya, perfect na sana yon sa kwarto ko. Hayss! Makakauwi na nga, siguradong hinihintay na nila ako ni Papa.

Bago ako makahakbang, may kamay na humawak sa akin, naalerto naman ang mga bodyguards ko kaya tumingin ako sa may-ari ng kamay, nabigla naman ako, sinundan pala ako sa ugok, kaya nag sign ako sa mga bodyguards ko ng 'ok-lang-ako' look. Nakuha naman nila. I sigh.

"Hindi mo ba ako kilala? Kung makaasal ka parang ka level kita!." Maangas niyang sabi. Yabang naman nito, mas hindi niya ako kilala. At talagang hindi niya ako ka level.

"Bakit? Sino ka ba para kilalanin kita?" Pang-aasar kong tanong.

"Well I guess you dont know me at all.... So..." Hindi ko na siya pinatapos.

" Go ahead, introduce yourself. Makikinig ako as if I'm interested." Sabi ko para maasar siya.

Umipekto nga "Ako lang naman si Marco Ace Alexander Lopez, top leader gang ng ZEA gang group, top achiever among all elemental students in Ellite School maliban sa prinsesa, pangalawa niya ako. Pinagkakahulugan at hinahabol nang mga babae! Kaya mag-ingat ka sa inaasal mo babe. Hindi mo alam kung sino ako." Pagmamayabang niya. "Fake nalang kung ikaw ang prinsesa! Para mahigitan ako." Diin pa niya. Nagpapatawa ba siya?, eh pangalawa lang naman pala siya sa akin eh, hindi ba niya alam na ako ang prinsesa? Sayang hindi. Kaya tumango-tango nalang ako. Hahaha.

"Mas hindi mo alam kung sino ang kinakausap mo. At wag mo akong tawaging babe, wala kang karapatan!" Diin kong sabi bago ako pumasok sa loob nang kotse leaving a question mark inside his mind. Siya naman ngayon ang nainis ko. Then I head home. Na sakin din ang huling halakhak.

Pagdating ko sa palasyo, bumungad sa akin si Ate Kai, ang personal maid ko sa palasyo. "Pinapatawag ka nila Hari at Reyna, mahal na prinsesa, kaya kailangan mo nang magbihis." Naka jeans at shirt lang pala ako, kaya I need to wear dress now! Hayss.

Dumiretso na ako sa Closet ko, kung saan bumungad sakin ang libo libo kong damit. Inalalayan naman ako ni Ate Kai kaya, no problem for me. Sinuot ko lang ang mala Cinderella kong damit, royal blue ang kulay at may light blue na diamond sa gitna nito. Pagkatapos nito pumunta na ako sa RDH (Royal Dining Hall) dito sa palasyo.

Bumungad sakin ang kambal na sina Kurt Kenneth JF A. Mendoza at Kean Kenneth JF A. Mendoza. Infairness pareho silang Kenneth JF kambal nga naman, 2 years lang ang gap ko sa kanila. Nandoon nadin sina Mama Kiela Elyza Mae A. Mendoza at si Papa Kyle Kevin JF Mendoza. Sa pagkakaalam ko puro K ang start nang names namin halatang pinagplanohan talaga. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti. "Ano ningiti-ngiti nang prinsesa ko? Ang tanong ni Papa.

"Natawa lang ako sa mga pangalan natin, yun lang po." Sabi ko

"Hindi naman katatawa pangalan natin ate ah? Baka sayo lang." Depensa ni Kean. Kahit kailangan talaga siya talaga ang isip bata at pilosopo sa aming tatlo. Habang si Kurt naman ang makulit medyo seryoso din. Naisip ko nga na magkapatid ba talaga kami.

"Sinabi ko ba? Ang ibig kong sabihin puro K ang simula nang mga pangalan natin. Kiera, Kurt, Kean, Kyle, Kiela? Handang pinagplanohan nila mama, yun lang." Depensa ko din. ^_^

"Ah, edi okay na yun, ako parin ang pinakagwapo sa ating tatlo." Dugtong ni Kean. Emotionless lang ang mukha ni Kurt.

"Baka ang ibig mong sabihin sa inyung dalawa? Hindi naman ako lalake para gwapo ang tawag mo sakin, babae kaya ako kaya isa akong dyosa, hindi lang maganda, DYOSA talaga!" Sarcastico kong sabi, kaya natawa naman silang lahat. Luh! Totoo naman ah, ano nakakatawa don? Sumimangot ako.

"Libre lang mangarap ate." Diin ni Kurt. Sige pagtulungan niyo ako. Sumingit naman si papa at nag change topic.

"Pinapayagan na kita anak na mag-aral sa Ellite School, labag man sa kalooban namin ng mama mo" Sabi ni Papa, kaya kumikislap na ngayon ang mga mata ko.

"Paano naman kami Papa? Pangarap rin kaya namin Kurt ang makapunta don at mag-aral!" Pagmamaktol ni Kean.

Natawa nalang ako. Tapos nagsalita ulit si Papa. "Kaya nga kayong tatlo ang mag-aaral don." Sabi niya. "Nakahanda na ang gamit niyo at bukas nadin ang alis ninyung tatlo." Dugtong ni Papa na seryoso ang mukha.

"Salamat po Papa at Mama" ang alam ko parang hindi sila ang Hari at Reyna sa Genovia, ang Mama at Papa ko nalang. "It will be one of my unforgettable moments there and memories that I can keep before I become the Queen, I will perform my studies well, I won't let you down both." Sabi ko. Dili ko tuluyang mapigilang maexcite.

"I know you wont sweetie." Sabi ni mama. "Sige magpahinga na kayo, tomorrow will be the three of you's big day." Dugtong pa niya.

Happy naman ang kambal, sabay namin nakamtan ang pangarap namin. "Salamat po, Mama at Papa." Sabay na sabi ni Kean at Kurt. Tinapos namin ang aming pagkain at pumunta sa kanya kanya naming kwarto upang magpahinga para sa malaking araw namin bukas. Hindi pa pala ako nakapagpapakilala sa inyu, so ito na.

Ako si Kiera Elizabeth Jane A. Mendoza, 17 years of existence. Crown Princess of Genovia, I have the ability in performing all the elemental powers, Top of all top Goddesses, Gods, and students among all, kilala akong Goddess of Creation and Destruction pati narin sa Life and Death, oo kaya kong sumira, lumikha, pumatay, at bumuhay. Of course nabuo ako sa pagmamahalan nila Mama at Papa, as the Strongest God and Goddess among all, is that make me stronger among them and the strongest among all. Kahit kapatid ko ang kambal malakas padin ako sa kanila bilang unang anak nila Mama at Papa, dahil inherited ko almost lahat nang powers nila. Pero malakas padin kahit papaano sila Ken at Kurt. Ang tanging kahinaan ko lang ay ang pag ibig kung saan handa akong ipaglaban siya at nakagagawa ako nang mga kalokohan. Pero sa ngayon wala pa naman. Mula daw pagkabata ko may kaaway na ako na hanggang ngayon hindi ko pa nakikilala at nakita ni minsan, sa pagkakaalam nila Mama, anak siya sa namumuno sa underworld, si Janice Maricyl D. Kim bilang anak sa kabilang side malakas din ang kapangyarihan niya, pero mas malakas ang sakin. Kaya kahit papaano hindi ko mapigilang mangamba kahit ako pa ang makapangyarihan sa lahat, dahil hindi ko pa gaano kacontrol ang kapangyarihan ko pero I know I will soon, when I get there. Hindi din ako masama, mayabang at masungit, I never abused my powers nor used them in bad ways and never will be. Umaayaw din ako sa popularity at gulo. Hindi ako bossy at rumerespeto ako sa nakakatanda, anuman ang ranks nila.

Umiinis ako sa mga tao lalo na sa Alexander na sumira sa araw ko ngayon, pasalamat siya napalitan agad yun. Humanda talaga yun sa akin pag nakita ko ulit yun sa Ellite School. Dito lang po. Salamat.

"GoodNight readers" pasigaw ko. Nagpray ako tsaka ko pinikit ang mga mata ko. Bukas ulit.

The Nerd Princess behind her SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon