Chapter 6: Meet Your Disciples

1.8K 47 0
                                    

Kiera's POV

"Where the hell did the four of you went? You are 15 minutes late of time!" Bungad kaagad niya nang pagdating naming apat sa office ni Mrs. Charlette. Hala! Halatang galit at naiinip na talaga siya! Patay ka Kiera, ginalit mo na ang Leon na si Alexander. 0_0

"Making friends?" Ang nasabi ko na lang sa galit niyang mga tanong. Eh? Ngayon ko lang nakikita si Alexander magalit at tila parang mangagain talaga siya nang tao.

"Making friends? Yan lang ang masasagot mo! It's not even an acceptable reason Kiera! Alam mo namang na late na si Mrs. Reyes diba? Kaya kulang na talaga tayo nang oras sa araw na ito at sumisingit-singit kapang mag-aksaya! 15 minutes! 15 minutes ang nawala at kanina pa kaming naiinip sa kahihintay sayo! At may oras kapag makipagkaibigan sa panahon ngayon?!" Wow! Looks like ako lang talaga ang may kasalanan. Pinakamumukha niya talaga sakin na ako lang ang may kasalanan dito, bakit ba? Dahil lang ba baguhan ako! Okay fine.

"Alexander naman? Hindi naman lahat kasalanan ni Kiera eh. Kami talaga ang mismong lumapit sa kanya para makipagkaibigan, kaya ayon matagal-tagal din ang usapan namin. Hindi naman niya kasalanan lahat kaya wag lang siya ang pagalitan at pag-initan mo nang ulo mo, kasali din naman kami ah." Ang sabi ni Lian. Buti pa siya eh. Ito namang si Alexander hindi muna nialam ang kwento, alam ba niyang importante ang magkaroon nang kaibigan dito?

"Wala akong pakialam....." Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil sa sumingit na talaga ako, eh sa parang pinamukha niya talaga sakin na ako ang may kasalanan rito, at dahil sa baguhan lang ako, tinatrato na niya, ako nang ganito. Bagay talaga sila sa Kaila na yun, eh! Magsama kaya sila!

"Tama na nga! Oo, tinatanggap ko nang ako ang may kasalanan kaya please wag kanang magalit. At thank you din sa paghintay mo kahit na naiinip kana. Salamat ha! At pasensiya nadin dahil nawala sayo ang 15 minutes mo sa araw na ito, dahil sa mabagal akong kumilos. Pero sana nga lang hindi mo ipagbabawal sa akin ang mga taong gusto akong kaibiganin, dahil hindi kaya masaya pag nag-iisa kalang tumira dito sa mundong kinabibilangan mo! Palibhasa ikaw sanay kana! At alam mo ako? Hindi ako sanay! Dahil ba sa baguhan ako dito at kayo mga sikat na? Eh bawal ko nang gawin ang mga gusto ko? O kaibiganin ang mga kaibigan mo? ... Alam mo? Parehas lang kayo ni Kaila eh! Kaya pwede ba hayaan niyo nalang ako at magkanya kanya tayong buhay! O di kaya'y magsama nalang kayong dalawa para happy. Mind your own businees as I do mine." Sabi ko sa kanya. Tama lang na malaman niya ang mga yon. Para matauhan naman siya kahit papaano. Nagulat naman ang lahat sa pagsagot ko ni Alexander nang ganon ganon nalang.

Sa gitna nang katahimikan, sumingit na si Mrs. Charlette pagkatapos kong masabi ang mga nasabi ko, at kung tinatanong niyo kung napano na si Alexander? Well nandoon, as usual nanahimik na naman, kung saan siya nakaupo kanina. "Tama na yan. Let's just start introducing ourselves." Sabi ni Mrs. Charlette. Sumang ayon naman ang lahat. Tumango nalang ako.

Sa ilang minutong naglipas habang nagsasalita si Mrs. Charlette, ay bigla nalang nag-iba ang pakiramdam ko, Ugh! This feeling again. Ang pakiramdam na palagi kong nararamdaman kapag sa tingin koy malapit na talaga kaming magtutuos ni Janice sa darating na labanan. My eyes went blue again! Ugh! Parang, parang papalapit na talaga siya! Bigla nalang akong lumuhod at umupo sa sahig galing sa kinauupuan ko kanina at bigla bigla nalang akong sumigaw sa sakit.

"Ugh! Ugh! Ugh!" Nagulat naman silang lahat at naalerto si Mrs. Charlette, alam na niya ang kalagayan ko ngayon. She knows the reasons behind all of these. My eyes keep changing it's color from brown to blue, which is the original one. My powers are summoning me! It's coming for me! Giving me those signs na papalapit na talaga si Janice. I don't have much time. "Ugh! Ugh! Ugh!" Sigaw ko na naman sa sakit. Nanatiling nakayuko lang ang ulo ko dahil sa ayaw kong makita nila ang mga mata ko. "Ugh! Ugh! Ugh!" Sigaw ko na naman.

The Nerd Princess behind her SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon