Chapter 38: Theodor Temothi

665 11 5
                                    

Theodor Temothi's POV

Ilang taon na ang nakalipas, matapos kong iwan ang taong naging parte ng buhay ko. Naiwan ko siyang malungkot, luhaan, at mag-isang kinakaharap ang kanyang mga problema. Ngayon sa aking pagbabalik nais kong gamutin ang kanyang mga sugat at tulungan siya, gusto kong mabigyan ulit ng kulay ang kanyang buhay at makita muli ang kanyang mga ngiti sa kanyang labi. Gusto kong maging masaya siya.

"Hoy Tot! Tulala ka na naman?" Panay kuhit nitong katabi ko ngayon na partner ko pala sa larong newspaper dance. Eh sino pa ba, edi ang tanging Prinsesa ko si Kiera. "Ano ba kasing iniisip mo?" Dugtong niya.

"Kie kie do you love me?" Pakanta kong sambit. Damn bakit sa lahat ng pwedeng lumabas sa bibig ko eh yun pa ang sinabi ko.

"Baliw!" Sabi niya sabay hampas ng likod ko. Kinurot pa niya braso ko.

"Ouch naman! Nakakadami natong prinsesa ko oh, baka madagdagan na naman muscles ko nito." Sambit ko.

"Feeler ka rin eh no? Pwede ba mag focus tayo rito tot! Gusto ko talagang manalo sa larong ito." Sabi niya sabay lingon sa mga kinalalagyan ng mga prize at nilingon  ko rin yon. Makapang-asar nga.

"Bakit mo ba gustong manalo Kie?"  Tinumbasan ko yung height niya at binulong ko ito sa tenga niya.

Tapos bumulong rin siya pabalik, " Rinig ko kasi madaming pagkain ang magiging prize nito. Ayun oh" tapos tinuro niya yung table kung saan nakalagay ang mga prizes. "Kita mo yun? Yun ang magiging prize sa larong ito. Kaya kailangan nating manalo tot! Gusto kong kumain non!" Parang bata niyang sambit sabay puppy eyes.

"Hahahaha! Yun lang pala? Eh puro lang naman yan chocolates tapos dalawang ice cream, at junkfoods nayung iba." Natatawa kong sabi.

"Kaya nga eh. Alam mo namang favorite ko ang ice cream diba?" Bulyaw niya na parang bata.

"Pwede lang naman kitang bilhan, kahit marami payang kung gusto mo." Pang-aasar ko sa kanya tapos pinikit ko yung mga mata ko at pini-feel ang hangin ng aircon. Yung mga ginagawa ng mga lalaki sa ilang mga movies kung saan nafa-fall ang mga babae sa kanila kasi ang cool nila tignan.

Pero imbis na ma-fall si Kie ay hinampas niya ako sa braso ko, ang lagi lang naman niyang ginagawa."Huwag nalang kung ayaw mo. Ang tagal mong nawala tapos..." nakasimangot niyang sambit. Ang cute niya talaga. Hindi ka parin nagbago Kie, ikaw parin yung dati.

"Uy.... walang ganyan."Putol ko sa sinabi niya.

"Eh, ba't ba kasi ayaw mo?" Padabog parin niyang sambit.

"May sinabi ba akong ayaw ko? Kahit lahat pa ng games ang ipapanalo natin, makuha mo lang yang mga pagkain mong gusto mong kainin." Sabi ko sa kanya sabay kindat.

"Ohhhhhh! Yeaheyyyy!" Napasigaw niyang sambit at may pa thumbs up pa sa kanyang dalawang kamay at may pakindat-kindat pang nalalaman.

Tumingin naman ang lahat sa amin. Napasigaw kasi siya eh. At ito namang si Alexander kanina pa pasulyap-sulyap tapos kanina parin itong wala sa mood.

"Sorry" sabay peace sign na sambit ni Kie. "Excited na ako Tot!" Dugtong niyang sabi sakin.

"Ang problema nga lang, kahit ubusin mo man yang mga pagkain dyan. Hinding-hindi ka tataba." Sabi ko sa kanya. Sabay kurot ko sa kanyang mga pisngi niya at saka tinapik ko rin yung forehead niya. Malaki eh.

"Wag ka nga." Pag-rereklamo niya at saka inalis yung kamay ko.

"Nag-iinarte pa eh." Sabi ko.

"Eh wala lang. I miss you Tot." At nabigla nalang ako ng bigla niya akong niyakap. "I miss you a lot. I'm happy nagbalik kana. 'Wag mo na akong iiwan ulit ha." Dugtong niya. Hinding-hindi ko na iiwan ang babaeng pinakamahalaga sa buhay ko at niyakap ko na rin siya pabalik.

The Nerd Princess behind her SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon