Chapter 36: The PlayBoy

1K 22 9
                                    

Gael's Point Of View

Flashback~

Hi! I bet you all know me already. Yes! You're right ako si Gael, ang pinakagwapo sa campus, wag kang mag-alala babe kung sakaling mahulog ka sa akin, hindi kita hahayaang masaktan, sasaluhin kita.

Paglalaruan ko lang ang puso mo? Ah, oo tama yun, paglalaruan lang naman talaga kita, pero diba at least hindi kana nasaktan sa iba at ako nalang ang iisipin mo hanngang sa mamatay ka sa kakaisip sakin, pero at least sa maliit na panahon nakasama at minahal kita. 1 month, isang buwan ang tagal ko sa isang relasyon. Maari kang magrequest sa akin na maging boyfriend mo ako, at go ako don. 1 month? And were done. Iyan ang nag-iisang rule ko sa buhay ko, kaso halos lahat ng babaeng nakakarelasyon ko, nahulog ng tuluyan sakin, pinagsiksikan ang sarili nila na parang sardinas makasama lang ako, kaso walang effect sakin yun. May iba pa ngang gustong ma extend ang 1 month nila kasama ako kaso, ayaw kong labagin ang kaisa isang patakaran ko sa buhay. 1 month and were done. Yun lang napakadaling salita, ayaw pang sundin ng iba.

Nandito pala kami sa mall, particulary nasa supermarket, nagro-grocery. Tssk. Para talaga akong na out of place dito kasi sila lang yung nasisiyahan sa pagpili at bumili ng pagkain, lalo na itong si Roselle, excited na excited. Isa pa, agaw pansin masyado tung apat na mga ugok na ito, si Alexander, Ash, Lian, at  Theodor Temothi, masyadong halata na nag-aagawan na makuha ang atensiyon ni Roselle, samantalang si Roselle naman si Nathaniel Hyung lang yung kinakausap muna niya, habang ako tahimik lang na nakasunod sa kanila habang bored na bored ako.

Patuloy lang akong nakasunod sa kanila ng may babaeng lumapit sa akin, "Ahh, Gael pwede bang maging boyfriend kita, yung 1 month and were done mo? Kahit isang buwan lang, crush kasi talaga kita eh." Tapos pilit niyang ibinigay sakin yung juice at chocolates na binili niya para sakin.

Haysss.... babae na talaga ang nanliligaw sakin ngayon. Wala naman akong magawa kundi sagutin sila, patakaran ko kasi ang 1 month and were done. Hahaha.

Ngumiti ako sa kanya, yung pang killer smile na ngiti ko, at sa ngiti kong ito namula na parang kamatis ang mukha ng babaeng yun. Sa ngiti ko palang namula kana, pano na kaya kung kasama mo na ako sa isang buwan baka mamatay kana.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya at inakbayan ko siya.

"Ako si Loisa." Sabi niya.

"What a nice name babe. Remember, 1 month and were done, kaya't isipin mong mabuti kung ano ang gagawin mo sakin. See you later." At saka hinalikan ko siya sa forehead niya.

"Boyfriend na kita?" Tanong niya.

"Yes naman. 1 month and were done." Sana maintindihan niya yun sigurado namang patay na patay sa kin ang babaeng yun, baka nga pagkatapos ng isang buwan di niya ako pakawalan. Tssk.

Iniwan ko siya kung saan siya nakatayo. Pero pinigilan niya ako.

"What now Loyda?" Sabi ko.

"Babe, Loisa yung pangalan ko hindi Loyda." Oh! Wala naman talaga akong pakialam sa pangalan nila. "Heto number ko babe." Patay na patay talaga sakin tong babaeng to, makatawag ng babe parang wala ng bukas. Tssk. Tinanggap ko yung papel na ibinigay niya sakin kung saan nakasulat yung number niya tapos sinave ko nalang sa contacts ko.

Isinauli ko sa kanya ang papel, sabay sabi ng "I'll call you. I'm busy today." At saka umalis na ako, at sa ikalawang pagkakataon pinigilan na naman niya ako, hayysss nakakairita na ang babeng to.

"What now Loyda?" Sabi ko na naman.

"Loisa kasi yung yung pangalan ko eh. Loisa!" Napaka.O.A niyang banggit. Ng hindi ako magsalita at nakita niyang seryoso ang mukha ko, nagpatuloy siya sa kanyang nais sabihin. "Can I have your number?" Sabay abot niya sakin ng cellphone niya at kinuha ko naman at kaagad na sinave ang number ko, at ibinalik ko ito kaagad sa kanya.

The Nerd Princess behind her SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon