Chapter 29: Alexander's POV

1K 18 0
                                    

Alexander's Point Of View

"Pangako." Pabulong niyang sambit pero rinig na rinig ko.

May nagbabagabag ba sa isipan niya ngayon, tungkol sa pagpunta sa mundo ng mga tao?

"May kausap ka?" Tanong ko nalang sa kanya para makausap siya.

"Wala." Tipid naman niyang sagot na para bang iniiwasan niya ako.

Well, simula nung una palang naming kita ito na ang pakikitungo niya sa akin, ang iwasan ako. Bakit naman niya yun ginagawa, eh halos lahat nga ng babae sa eskwelahang ito ay hinahabol ako, nagkakandarapa pa nga sa kagwapuhan kong taglay, well I don't give a damn care. At bakit ko ba pinoproblema ang pakikitungo niya eh hindi naman siya maganda at hindi naman siya yung tipong gusto ko sa babae.

Psssh! Asarin ko nga ang babaeng ito.

"Akala ko ignorante kalang, baliw ka rin pala?" Saglit lang niya akong tinignan at saka akma na sanang aalis,  kailangan ko siyang pigilan, may kailangan pa akong malaman.

"Kakaiba ka talaga." Tugon ko.

"It's none of your business." Pagtataray na naman niya.

"Let's date." Ang tanging masabi ko para matigilan ko siya sa pag-alis.

"Hmmph! If you think na isa ako sa mga babaeng naghahabol sayo, better not dear, cause I'm not. Go date yourself, I'm not even intrested and you're definitely not my type." Sagot niya. As if namang type rin kita, you wish. Well, sa huli wala parin akong magawa dahil ngayon umalis na siya ng tuluyan hanggang sa hindi ko na siya matanaw.

Hindi ko alam pero parang may kulang. Hindi ko alam pero nagseselos ako sa kung anong turing nila Theodor Temothi sa isa't isa kanina, hindi ko alam pero gusto kong makasama siya dahil may gusto akong malaman.

It's time to play with her heart.







Nasa bahay ako ngayon, walang pasok dahil sabado, but then I don't feel the presence of staying at my house today. Parang walang magawa kahit kasalukuyan akong naglalaro ng video games ngayon, it's just boring.

Hindi ko na rin kailangan pang mag-impake ng gamit para sa misyon bukas dahil nakahanda na raw ang gamit ko lahat, sabi pa nga ng butler ko.

Napagdesisyonan ko nalang na lumabas ng bahay ngayon at maglakad-lakad sa parke, maki-langhap sa sariwang hangin na masarap sa pakiramdam.



Same as ever, pinagkakaguluhan talaga ako ng mga babae kahit saan man ako pumunta, kahit saan mang lugar ako mapadpad, dahil sa gwapo kong mukha. Sa kagwapuhan kong taglay mula ulo hanggang paa.

Mukha lang ba ang habol ng mga babae ngayong henerasyon na ito? Hindi ba sila aware na sa likod ng gwapong mukha, ay ang pangit na ugaling tinatago nito? Pero hindi ako ha? Hayys ang hirap intindihin ng mga babae ngayon, kaya nga iniiwasan ko silang lahat, puro walang katinuan. Nakakairita nadin minsan.

"Ang gwapo niya." G1

"Sino yan girl, pakikuha ng number yan ite-text mate ko dali!" G2

"Omo! Di mo yan kilala, like duh siya si Alexander, Top 2 sa Elite Schoool. Makapangyarihan yan at magaling. Pangalawa kaya yan ng prinsesa" G3

"Really? Sasabihan ko sila Mommy na gusto kong lilipat kaagad sa school na yan, makita lang siya muli." G2

"Ikaw talaga. Hindi naman yan tumitingin ng babae eh." G3

"So you mean, lalaki bet niya?" G1

"Of course not! What I mean is....." G3

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nung babaeng halatang may maraming alam sa akin. Nakakairita sila pakinggan, ano bang pakialam nila sa buhay ko?

The Nerd Princess behind her SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon