Chapter 28: The offer

1K 21 4
                                    

Kiera's Point Of View

Maraming namangha sa akin matapos kong ginawa ang dapat kong gawin kahapon at yun yung ipakita ko sa kanila lahat na hindi ako nangloloko sa kapangyarihan kong taglay. Ginawa ko lang ang gusto nilang makita, ang i-perform ang lahat ng kapangyarihang taglay ng aking mga alphas at dahil mabait ang lola niyo ginawa ko yun lahat, I even perform some elements others have.

Kaya ngayon? Papunta ako sa kung saan nagpa-feeling prinsesa ang impostor na si Kendra, ipinatawag niya daw kasi ako sabi ni Prof, ako pa na ang tunay na prinsesa ang ipinatawag ng demonyong tulad niya.

At dahil kailangan muna akong magpanggap, magpapakabait muna ako sa kanya ngayon, at sa dumating na ang tamang panahon, kukunin ko na mula sayo ang kung ano ang pagmamay-ari ko, at dun mo matitikman ang aking makamandag na lason.

Hindi ako ang kontrabida dito guys ah, mabait kaya ako. Anyways, kumatok muna ako sa pinto ng opisina niya, well opisina ko pala to, ginagamit lang niya. Nakishare kasi eh.

"Pasok" Sabi niya sa loob, well alam kong si Kendra talaga ang may sabi non, kabisadong-kabisado ko na ang boses niya.

Hindi ako makapaniwalang makakasalamuha ko na naman ang babaeng pumatay sa akin 3 years ago, well ang tanging masasabi ko sa kanya ay wala parin siyang pinagbago. Pinapatawag parin niya ako lalo na't nasa biting na siya ng kamatayan o di kaya'y sa pagkatalo.

"Pinapatawag niyo raw po ako." I'm saying Nonsense! I tell you.

"You know who I am don't you? I mean the real me?" Sarcastic niyang pagkakasabi. Well I can't let my guards down, my plans will be ruined.

"Bakit po mahal na reyna, may dapat po ba akong malaman?" I'm also good at pretending you know.

"I guess you don't know me at all." She said. What a fool.

"Bakit niyo po ako pinatawag rito?" I asked as if hindi ko alam ang plano niya.

"I almost forgot about that. Well, gusto kong sumali ka sa alphas at pagsilbihan ako, ang kapangyarihang tinataglay mo ay di dapat sinasayang." Sabi niya. How dare she!

"Handa ko pong pagsilbihan kayo" tugon ko. Handa kong isakripisyo ang sarili ko dahil ito na ang magiging daan para masimulan ko ang plano ko, at ito rin ang magiging hudyat ng pagkawagi.

Well, siya na mismo ang nagpasok sa akin sa kanyang sariling kweba, kung saan pwede ko na itong simulang sirain hanggang sa gumuho.

"Good. Pumunta ka sa Headquarters this afternoon at 2, ipapakilala kita sa ibang kasapi ng grupo dahil simula sa araw na ito parte kana sa kanila. Maaari kanang makakaalis." Sabi niya. Fyi, ako ang kanilang reyna kaya't isali mo man ako o hindi sa grupo ng mga Alphas, matagal na akong isa sa kanila.

"Yes, Your Highness, it would be an honor." Haysss. Wala man lang akong magawa.





Clock strikes 2'.

Papunta na pala ako sa headquarters to meet with my alphas again, and this time to be with them. Nandito na ako para tulungan at gabayan sila sa bawat nilang misyon, and that's my responsibility as their princess. I mean as their queen soon. Since I didn't do any coronations yet, except nalang sa ginawa ng impostor, kinuha yung moment ko, na para sa akin naman sana.

Hayss, bahala na nga. Matapos lang lahat ng to......

"Baguhan pa naman, late na naman agad." Sabi ni Kaila.

Hindi ko na pala talaga namalayan na habang nag-iisip ako ngayon, binubuksan ko na pala ang pinto dito sa headquarters ng hindi man lang kumatok. At bumungad sakin ang lahat ng alphas, nandito na pala sila lahat, pati si Kendra. And wait, isa narin sa mga alphas tong bestfriend ko? Seriously Tot, di mo man lang sinabi. -_-

The Nerd Princess behind her SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon