Chapter 23: Coronation Day

1.1K 22 4
                                    

Kiera's Point Of View

"My Baby Girl...." tawag sakin ng tila pamilyar na boses na kay tagal ko nang gustong marinig muli.

"Darling, are you awake already?" Biglang naluha ang mga mata ko kahit nakapikit pa ang mga ito, biglang tumibok ng napakalas ang puso ko, at unti-unti ko namang iminulat ang aking mga mata at tama ang hinala ko at hindi ako makapaniwala na sila Mommy at Daddy ang nasa tabi ko ngayon.

Kay tagal na ng panahon na gusto ko na silang makasama muli, and it's been 3 years now since I left earth and live here in the Goddess Paradise, Oo, 3 years na akong nagpursigeng matuto at nagsasanay dito para mabawi ang kinuhang kahariang pagmamay-ari ko at ang ipaglaban ang aking mga tauhan laban sa kasamaan.

Kasama na don ang tatlong taong hindi ko nakasama ang mga alphas, ang bestfriend ko na si Lian na ang taong unang nakaalam sa totoong pagkatao ko, si Samarah at Ash, na may alam din sa identity ko, ang mga kapatid at buong pamilya ko, ang dakila kong trainor na si Professor Arthur, si Mrs. Charlette, at higit sa lahat si Alexander, ang taong nagpapasaya sa bawat araw ko, ang unang nagpatibok sa puso ko, ang taong minahal ko, at higit sa lahat ang kahinaan ko.

Sa tatlong taon na ito, nakalimutan nila ako, hindi nila ako maalala, at hindi ako nag-exist sa buhay nila. Na tanging ako lang ay may hawak sa mga alaalang hindi maaring ibaon sa lupa. Masakit mang tanggapin ang katotohanan pero kailangan, sa muling pagbalik ko, sisiguraduhin kong maaalala ninyu ako.

"Darling how are you?" Tanong ni Daddy na may halong pag-alala.

"Im fine Dad, but where's Kean and Kurt, where's my brothers, bakit wala po sila dito?" Tanong ko. Bakit nga ba wala sila Kean at Kurt dito, kung nandito sila Mommy at Daddy ibig sabihin, ...... No! This can't be.....  it means their dead?

"Don't you dare tell me..." hindi ko na natapos ang nais kong sabihin dahil pinutol na ni Mommy yon.

"You're right Dear." She said.

"That's Impossible..... How? Sinong may gawa sa inyu nito, sino ang may responsibilidad sa pagpatay sa inyu?! Tell me! I'm going to kill them all!" No! How?! Bakit nila nagawa ito, nanginginig ang buong katawan ko, hindi ko na kayang itayo pa ang mga paa ko, nawalan na ako ng pag-asa, namamaga narin ang mga mata ko sa luha at pag-iyak.

Hindi! Hinding-hindi ko talaga tanggap ang wala ng buhay sila Mommy at Daddy, and their gone for good. Kung babalik na ako sa Earth, alam ko doon hinding-hindi ko na sila makakasama ulit.

"Shhhh..... tama na yan anak, nandito na kami." Pagpapatahan ni ama sa pag-iyak ko. Talagang mamimiss ko talaga ito.

"Anong na pong nangyari kay Kean at Kurt?" Tanong ko. Kahit papaano nag-alala na ako sa kalagayan nila ngayon dahil sila nalang ang mayroon ko sa mundong ginagalawan ko noon.

"Sana nakaligtas na sila ngayon anak. Sana ligtas sila." Ng dahil sa sinabi ni ama hindi ko mapigilan ang aking mga luhang patuloy na pumapatak sa aking mga mata.

Kasalanan ko ang lahat ng ito, kasalanan ko kung bakit namatay sila Mommy at Daddy, kung bakit nasa kapahamakan ngayon ang mga kapatid ko, kung bakit nasa kapahamakan din ang buong kaharian. Kasalanan ko ang lahat dahil iniwan ko silang wala man lang alam at kalaban-laban.

"Kasalan ko ang lahat! Kasalan ko!" Napasigaw nalang ako sa sakit, hindi ko na kaya. "Ahhhhh! Wala akong kwentang Prinsesa! Walang kwentang anak! Wala!" Ang pag-iyak nalang ang magagawa ko sa mga panahong ito.

"Wala kang kasalan anak, wala kang kasalan. Gawin mong leksyon ang iyong pagkakamali at gawing iyong lakas para lumaban, at labanan ang kasamaan." Sabi ni Daddy. I realized it now, sa mga salitang binitawan niya, ay alam kong napakahalaga.

The Nerd Princess behind her SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon