Chapter 27: Day #1 to school

1K 21 1
                                    

Kiera's Point Of View

Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang gagawin, litong-lito na talaga ako at napakasakit na nga ng ulo ko sa kaka-iisip kung sino ang aking uunahin sa misyong ito at kung sino ang pipiliin ko na siyang tinitibok ng puso ko, lalo na ngayong nandito na yung taong siya ang unang nagpatibok ng puso ko noon.

Pero paano na yan, nakabaon na yun sa nakaraan at dumating na din yung taong kasalukuyang tinitibok ng puso ko na siyang nagmahal at nandiyan sa tabi ko nung wala si Theodor Temothi, at ang naging kanang kamay ko sa kapangyarihan.

Ahhhh! Hindi ko na alam, papasok nalang kaya ako sa kumbento at tuluyang maging madre, para wala man lang akong masaktan sa kanilang dalawa at ayaw ko ring may may masaktan sa kanila kung sakaling pipili ako sa kanilang dalawa.

Tuluyan na nga akong nag-absent kahapon sa klase at napagdesisyonan ko nalang pumasok ngayon, kasi napagod talaga ako.

Well masyadong maaga pa naman ngayon pero gising na lola niyo, of course ayaw ko na ngang malate sa klase tapos baka umabsent pa naman ako ulit nito, hayss masyado na talagang complicated ang buhay ko, hindi ko na nga alam kung mapapatuloy ko pa ba ang mga kabanata ng sarili kong libro. Pero anyways, sabi nga nila na sa bawat pagsubok may naghihintay na ginhawa, kaya patuloy akong magpapakatatag, like Theodor Temothi always says.

Sa araw na ito, magsisimula ang bagong kabanata ng sarili kong libro at buhay, bilang si Roselle Wilde, ang pangalang napag-isipan ko munang gamitin para matago ang aking tunay na katauhan.












Pinuntahan na ako ni Tot, sa sarili kong condominium, para sabay na kaming pumunta sa school, well kinuha niya ako doon gamit ang kanyang brand new car na Ferari, sosyal din itong bestfriend ko eh, may ibubuga din, kaya hindi na ako mabibigla kung maraming mga babae ang nahulog at humahabol sa kanya. Dahil bukod sa gwapo, charming, at mayaman siya, isa rin siyang mabait, matulungin, maalalahanin, mapagmahal na bestfriend, at bilang isang lalaki, may respeto din siya sa mga babae. Kaya nga umibig ako sa kanya noon.

10 minutes lang ang itinagal sa pagbibiyahe namin, at ipinark niya agad ang kotse niya pagdating namin sa school. As I expected, masyado nang common ang ganitong scenario, at of course bulong-bulongan na naman ang nanaig sa paligid, lalo na yung mga estudyanteng nasa paligid lang namin.

Pero iba na ang bulong-bulongang narinig ko ngayon, kasi halos lahat ng mga ito ay puro positive, wala man lang negative kompara noon. Maybe it's because of my different looks.

"Siya ba ang girlfriend ni Theodor Temothi? Ganda naman niya." G1

"Omo! Kinikilig ako, bagay sila." G2

"Dyosa naman ang kagandahan niya."G3

"Napakaganda niya sobra."G1

"Siya yung transfer student diba? Pormahan mo na dude." B1

"Patay ako pag niligawan ko yan, eh taken na yan eh." B2

"Mukha ka lang tae pag katabi mo yan, hahaha!" B3

"Sabagay, may point ka dude." B1



Sarap naman sa feeling ng pinupuri ka, at hindi yung nilalait. Ito pala yung pakiramdam nun? Ang saya talaga.

"Bakit nakangiti ka?" Tanong ni Tot, kung kaya't namalayan kong nakatulala na pala ako sa kawalan.

"Ha? Ah, eh, uhm! Wala. Tara pasok na tayo?" Tanong ko.

"Hahaha! Wala ka paring pinagbago Kie. Ikaw parin yung dati." Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"Shhh! Wag ka nga. By the way Roselle yung ginagamit kong pangalan dito at hindi Kiera, Tot. Para matago ko muna yung identity ko. Roselle Wilde." Tugon ko.

The Nerd Princess behind her SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon