Chapter 31: The Metal Manipulator

959 19 4
                                    

Ash Justine's Point Of View

Kahit kailan talaga itong si Kaila, hindi tumatanaw ng utang na loob kung ang taong ito ay pinapakulo ang dugo niya, kahit may nagawa man itong kabutihan sa kanya.

Flaskback~

Nasa kwarto ako noon habang nanonood ng t.v. pero bigla nalang nag-ring ang phone ko at kasalukuyang tumatawag sakin si Roselle, agad ko namang sinagot tawag niya.

"Hello?" Sabi ng nasa kabilang telepono.

"Oh?" Tssk, wala man lang akong masagot sa babaeng to.

"Si Kaila nasa hospital, bigla kasi siyang nag-collapse." Sambit niya sa kabilang linya.

"Saang hospital?" Tsssk ano na naman bang pinasok ni Kaila at bigla nalang siyang hinimatay?

"Dominican Blue Dragon's Hospital"  sagot niya.

Matapos kong marinig ang sinabi ni Roselle kaagad ko namang pinindot yung end button sa tawag at mabilis na tinakbo yung garage ko at kaagad pinaandar ang motorbike ko at mablis kong pinatakbo ito patungong hospital.









Pagdating ko sa Dominican Blue Dragon's hospital,.patakbo kong tinahak ito papasok at pumunta kaagad sa Information Center para matanong ang nurse kung anong kwarto na confined si Kaila. Haysss.

"Room 176, nasa fifth floor po ito sir." Sabi sakin ng nurse.

"Salamat." At saka tinakbo ko na naman ang daan patungo sa elevator.

Pinindot ko yung button sa elevator kung saan patungo ito pataas. Kanina pa akong naghihintay dito, masyado bang occupied tong elevator? Haiist! Wala akong choice kaya't tinakbo ko nanaman ang daan patungong hagdanan, di ko alam pero takbo ako ng takbo sa mga araw na ito.

Haysss, fifth floor yun, kaya't titiisin kong takbuhin ang mga hagdang dadaanan ko para makarating lang don. Haysss, ito yung karma sa mga taong di man lang makapaghintay bumukas ang elevator.




15 minutes, ito yung oras na lumipas sa kakatakbo ko sa mga hagdan na yun, ang sakit na ng binti ko. But life must go on, kaya't nagpatuloy na ako sa paglalakad, kasalukuyan ko na palang hinahanap yung room ni Kaila, at oo tapos na ako sa kakatakbo, narating ko na din ang fifth floor sa kakatakbo kong iyon.

"Room, 171, 172, 173, 174, 175" Hays saan na ba yun wala ng ibang rooms. Mali kayang floor ang naibigay ng nurse, baka nasa sixth floor. Tatakbo na sana ako ulit para tahakin ang sixth floor pero may boses na pumigil sa pag-hakbang ko.

"Oh! Nandito kana?" Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses na yun, si Roselle pala.

"Oo." Hindi ko namalayang tumitibok na pala ang puso ko sa kanya, and damn nandito na naman tung ala-alang napakalabong intindihin. Ako lang ba ang nakakaramdam nito?

"Oh, tara pasok tayo sa loob." Nasa pinakadulo pala ang Room 176, kaya't hindi ko makita.

"Anong nangyari sa kanya?"  Tanong ko ng makapasok na kami sa loob.

"Stress lang naman sabi ng doctor, kaya't nawalan siya ng malay." Pagpapaliwanag niya.

"Ako ng bahala dito magpahinga ka muna. Tatawagan ko na rin ang ibang alphas." Sabi ko sa kanya.

"Actually, natawagan ko na kayo lahat, ipinaalam ko narin sa inyu lahat ang tungkol dito." Sabi niya. Pati ang pag-ngiti niya ay nakakabighani.

"Ah, sige makakauwi kana at magpahinga." Sambit ko.

"Salamat at maaga kang dumating dito, sige aalis na ako." Tugon niya.

"Mag-ingat ka Roselle." Sabi ko sa kanya bago paman siya umalis, at tumango lang siya bilang tugon niya.

The Nerd Princess behind her SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon