Chapter 24: An end and the Beginning

1.1K 25 0
                                    

Kiera's Point Of View

"Paalam Baby Girl,  mag-iingat ka don ha? Lalo na't nasa panganib narin ngayon ang buhay mo." Nag-alalang tugon ni Mama.

Habang mangiyakngiyak narin si Daddy dito sa tabi ko lalo na't huling araw ko na itong makita sila sa mga mata ko. Parang ayaw ko na tuloy umalis, siguradong mamimiss ko sila.

"Mamimiss ka namin anak, magpakatatag ka don ha? At wag ka ring masyadong magpadala sa iyong emosyon, tandaan mo, kahit wala kami doon, kahit hindi mo kami makikita, palagi lang kaming nasa tabi mo at ginabayan ka lang namin palagi, at sinusubaybayan lang namin ang mga bawat hakbang at galaw mo. Alam naming kaya mo ang pagsubok na ito, kaya lumaban ka lang nak ha? At ipangako mong wag kang susuko." Ito na to, ito na ang huling mga salita na maririnig ko mula kay ina at ama, hindi ko na kaya pang pigilan ang mga luhang ito, masakit mang tanggapin ang katotohanan ngunit kailangan.

"Pangako ko pong magpapakatatag." Ang tanging sambit ko.

"Paalam anak. Mag-ingat ka, paalam. Hanggang sa susunod nating pagkikita." Magkasabay na tugon sa akin nila mama at papa. At kasabay don ang pagbukas ng maladyamanteng pinto na napakahiwaga na ang tanging daan para makabalik sa mundong kinabibilangan ko, Ang Earth.

Pumasok ako ng biglang bumukas ang pinto, habang unti-unti namang lumalaho sa paningin ko sila Mommy at Daddy, kasabay na don ang pagpatak ng mga luha ko mula sa aking mga mata. Ang huling pagkakataon na makakasama ko sila.














Pinunasan ko ang aking mga luha, at hindi ako makapaniwalang nakabalik naman ako sa mundong ito na wala paring pinagbago, katulad parin nh dati.

Kailangan ko munang mahanap ang aking mga nawawalang kapatid, kailangan ko ring maghanap ng pansamantalang matutuluyan, at ang makapag-enroll ulit sa paaralang Elite school, na may bagong pangalan at pagkatao.







"Kung ako ang mga kapatid ko, saan ako pwedeng magtago sa panahong mga ito? Ahhh! Hindi ko alam, hindi ko talaga alam." Wala pa talagang ni isang lugar akong maisip na posibleng pagtataguan ng mga kapatid ko, hindi rin nakikisama ang utak ko, wahhh! Ito ba ang plano mo Kiera? Sa ganitong paraan mo ba sisimulan ang unang araw ng misyon mo?

Ahhh! Hindi ko talaga alam ang gagawin. Curse this stupid brain of mine. Nandito na pala ako sa Elite School, and yes, nakapag-enroll na ako kahapon at nakahanap narin ako ng lugar na matitirhan ko ng pansamantala, actually condominium siya pero okay narin ako kasi maganda ito at bet ko ang color kasi blue siya.

"Baliw, nagsasalita lang na walang kasama." sabi ng isang boses na tila napakapamilyar talaga.

Lumingon muna ako bago tumugon sa sinabi niya, at ng makita ko na ang pagmumukha niya tila gumuho ang mundo ko at hindi ko na magawang itayo pa ang mga paa ko, at kasabay na nun ang pagpatak sa mga luhang hindi ko na mapigilan at maitago.

Kasi ang taong nasa harap ko ngayon ay ang taong matagal ko ng gustong makita, makasama, makausap, at sabihin sa kanya na mahal ko rin siya, ang taong ito ay walang iba kundi si Marco Ace Alexander V. Lopez, ang lalaking minahal at ang unang nagpatibok sa puso ko.

"Baliw nga, wala nga akong ginawa sayo, umiiyak ka na." Sabi niya. Hindi mo alam ang dahilan kung bakit umiiyak ako sa iyong harapan ngayon, namiss na talaga kita.
Masakit mang tanggapin na hindi mo ako kilala at maalala pero okay lang yun at least nakita at nakasama kita ngayon.

Hindi ko namalayang hawak-hawak ko na pala ang kamay niya habang pinipigilan ang pag-alis niya, "Bitawan mo nga ako." Sabi niya sabay pagbawi ng kamay niya mula sa pagkakahawak ko, parang kailangan lang noon ayaw niyang mahiwalay sa pagkakahawak ko, ngunit ngayon ay ayaw na niyang mahawakan ko siya.

The Nerd Princess behind her SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon