Hinawakan ko ang isang kahon na nakalatag sa kalsada tabi ng aming sasakyan at inangat ito. Kahit na hirap na hirap ako ay pinilit ko paring lumakad at ipasok ito sa loob ng aming bagong bahay.
Tutungtong pa lang ako sa pintuan ay may bigla ng umagaw sa hawak kung kahon. Napatingin ako kay Papa na ngayon ay hawak-hawak ito.
"Mag-ayos ka na kang doon, anak. Ako na ang bahala dito, kami na ng kapatid mo ang bahala dito." utos nito sa akin.
Tumango na lang ako at mas naunang pumasok sa loob ng bahay. Tinignan ko ang mga nagkalat na kahon sa may sala. Nilingon ko rin ang kapatid ko na naglalatag ng mga kahon na binuhat nito.
"Ate sa bandang kaliwa ang aking kwarto. Ikaw naman sa bandang kanan habang ang sa gitna ay kay Papa." anunsyo niya sa akin.
Dumiretso ako sa lamesa at hindi nagsasalita. Dinampot ko ang isang mineral water na andun at agad itong linagok.
"May kwarto ba dito sa ibaba o doon lang sa taas ang mga kwarto?" tanong ko at nilagay sa basurahan ang bote ng tubig.
Umiling ito. "Wala. Tanging banyo, kusina at sala lang ang andito. Maari kang umakyat ate sa ikalawang palapag para makita mo." anito.
Sinunod ko ang sinabi ng aking kapatid. Umakyat ako sa simentong hagdanan papunta sa ikalawang palapag. Pagkarating ko pa lang doon ay tumambad na sa akin ang tatlong puting pintuan. Sa bandang kaliwa na sinasabing kwarto ni Kael, sa kanan ay sa akin at sa gitna ay kay Papa.
Tinungo ko ang kwarto kong sinasabi ng aking kapatid. Binuksan ko ito at tumunog ang pintuan. Tumambad sa akin ang puting kisame nito at queen size bed pati narin ang mga salamin, kabinet at iba pa. Napahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay maayos ito ay kompleto.
Pang-tatlong lipat na namin ito. Hindi ko alam kung bakit kami lumilipat ng matitirahan. Kapag tinatanong ko naman si Papa ay inililihis niya lang ang pinag-uusapan.
Isinara ko na ang pintuan ng aking kwarto. Halos mapatili ako ng makita ko ang aking kapatid sa aking likuran. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit?" malamig na tanong ko at naunang bumaba sa kanya.
"Nakita mo ba ang iyong kwarto, ate? Ayos lang ba?" tanong nito.
Tumango ako at dumiretso sa mga kahon na andun. Binuksan ko ang isang kahon na pagmamay-ari ko at tumambad sa akin ang mga damit kung nilagay ko doon. Binuhat ko ito at nilagay sa isang tabi. Binuksan ko pa ang mga iilang kahon at tinignan kung akin ba ito o hindi.
Tumunog ang aking cellphone sa aking bulsa. Agad ko itong kinuha at tinignan ang mensahe na galing kay Lailanie, ang kaibigan ko noon sa lungsod na tinitirahan namin.
"Hi Rox! Kamusta ang paglipat?" nakita kung mensahe niya kaya agad akong nagtipa at pinaalam ang aking sitwasyon dito.
Binalik ko muli ang aking atensyon sa mga kahon na aking binubuksan. Tumunog ang pintuan ng bahay hudyat na pumasok si Papa. Napatingin ako sa kanya at agad na nagtama ang aming mga mata. Nginitian niya ako ganun din ang aking ginawa.
Tumunog muli ang aking cellphone kaya agad kung kinuha ito dahil alam kung si Lailanie ang nagpadala ng mensahe ngunit ng binuksan ko ito ay iba. Hindi ko alam kung sino.
From Unkown:
Welcome back, bitch. -DNanginig ang aking kamay habang binabasa ito. Ano ang ibig niyang sabihing Welcome Back? Ni hindi nga ako nakatapak noon dito sa lugar na ito at sino ang nagpadala ng mensaheng ito?
"May problema ba, anak?" halos mabitawan ko ang aking cellphone pero mabuti na lang at agad ko itong nasalo at nilagay sa aking likuran at ngumiti ng mapait sa kanya.
Umiling ako. "W-wala po, papa." sagot ko at agad na tumalikod.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/106343010-288-k2798.jpg)
BINABASA MO ANG
City Of Lies [COMPLETED]
Mystery / ThrillerNagsimula ang lahat sa isang mensahe na galing sa nagngangalang "D". Hindi mawari ni Roxanne kung sino ito, kung sino ang taong nagpapadala sa kanya ng mga mensahe. Nakakaramdam na siya ng takot dahil halos lahat ng ginagawa ni Roxanne ay alam niya...