Sabado ngayon at nabalitaan namin na uuwi na si Rose. Ang matalik naming kaibigan kaya naman bago pa mag-alas tres ng hapon ay nakagayak na ako.
Napasulyap ako kay Kael na naglalaro ng video games sa telebisyon. Sinulyapan niya ako pero agad rin na ibinalik ang kanyang atensyon sa ginagawa.
"May pupuntahan ako ngayon, Kael. Ikaw meron ba?" tanong ko sa kanya. Pinindot niya ang pause button at hinarap ako.
"Wala, Ate. Pabili na lang ako ng pulang mansanas." aniya. Tinanguhan ko siya at dinampot ang sling bag ko na nasa mesa.
"Oh sige. Basta kung may pupuntahan ka man ay wag mong kalimutan na ikandado ang bahay." bilin ko at muli siyang bumaling sa paglalaro.
Lumabas na ako ng bahay at maglalakad na sana papunta sa gate ng muli akong mapasulyap sa lumang garahe.
Napa-isip ako kung ano ang nasa loob. Nilapitan ko ito at tinitigan ang maduming bakal na pintuan niya. May isang butas akong nakita na sakto lang sa aking mga mata kaya sinilip ko ito. Bimungad sa akin ang kulay itim na paligid. Wala akong makita kundi tanging itim lamang.
"Ate!" halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko ang aking kapatid na nasa aking likuran. Tinitigan ko siya habang nakahawak sa aking dibdib dahil sa bilis ng tibok nito.
"O-oh bakit?" tanong ko at hinarap siya.
"Wa-wala. Pabili rin pala ako ng isang supot ng candy kahit anong candy basta pula." aniya. Tinalikuran na niya ako at hindi na muling humarap sa akin.
Tinitigan ko muli ang garahe. Napailing na lang ako at lumabas na ng sasakyan.
Pumata kaagad ako ng sasakyan. Bago ako pupunta sa Airport ay napagpasyahan kong pumunta sa hospital kung nasaan ang family doctor namin. May kailangan akong itanong dahil meron pa akong hindi naaalala.
"Magandang umaga, Miss Navarro." aniya at pina-upo ako sa swivel chair na nasa tapat nito. Nginitian ko siya at tumango. "So ano ang sa atin at bigla kang napadalaw, hija?" tanong niya.
"May gusto po sana akong itanong about sa amnesia. May iba pang parte na hindi ko naiintindihan, hindi ko alam kung wala ba akong maalala tungkol sa kanya. Epekto lang ba ito ng amnesia?" tanong ko sa kanya.
Napaisip siya sa akin at ngumiti.
"Naaalala mo na ba ang lahat? Bago kayo umalis ng Papa mo sa lugaw na iykn ay ipinatingin ka niya sa akin." pagkwekwento nito sa akin.
"Sa atin-atin na kang po muna ito. Gusto ko po sana na tayo lang ang makakaalam na nagka-amnesia ako at bumalik na ang aking ala-ala. Ang alam kasi ng karamihan ay umalis lang kami." sagot ko at nilaro ang mga daliri ko sa kanyang mesa.
"O siya sige sa atin lang ito. Pero kumusta ka na? Kumusta ka na simula 'nung nawala ang Papa mo?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko. Alam niya? Alam niya na patay na ang aking Ama? Sino naman ang nagsabi sa kanya?
"Nabalitaan mo po? May nagsabi po ba sa inyo?" tanong ko na kaagad ikinakunot ng noo niya.
"Alam ko na noon pa dahil bago kayo makata-" bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay bigla ng tumunog ang telepono nito. Napatingin siya doon at agad na dinamot.
"Hello..... Yes this is Doktora Ea. Bakit?" tanong niya na ikinatigil ng kanyang pagsasalita habang nanlaki ang mga mata. Sumulyap siya sa akin at agad na nilihis din ang paningin. "O-oo." huling pahayag nito at agad na binaba ang telepono tyaka tumingin sa akin.
"May problema po ba, doc?" tanong ko.
Umiling lang siya pero alam kung meron. Umiiling siya ngunit ang mga mata nito ay bakas ang takot. Nagsisinungaling siya alam ko iyon.
"May itatanong ka pa ba, hija? Kailangan ko na kasing umalis may pasyente na naghihintay sa akin." anito at tumayo.
Umiling ako at tumayo na rin.
"Wala na po. Maraming salamat po sa oras." pahayag ko. Iginayak niya ako sa bukana ng pintuan. Nagpaalam ako ng mabuti at ahad na lumabas ng hospital para makakuha ng masasakyan.
Pumasok ako sa isnag taxi at agad na sinabi ang pupuntahan ko. Napahilig ako ng aking likuran sa upuan nito at napapikit.
Nagsisinungaling lang si Doktora, alam kung may problema ito. Ano kaya ang ibig sabihin niya kanina? Paano niya nalaman na wala na ang aking ama?
Halos mapatalon ako mula sa kinauupuan ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad na tumambad ang pangalan ni Chelsea kaya agad ko h inislide ang daliri ko para sagutin ang tawag.
"Asan ka na?" tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa labas. Nakita ko ang mga matatayog na gusali habang tinatahak namin ang daanan papunta sa Airport.
"Malapit na ako. Nagpunta pa kasi ako sa hospital dahil may tinanong ako sa Doctor namin. Ikaw asan ka na?" tanong ko dito.
"Andito na ako sa labas ng Airport naghihintay. Sabihin mo sa driver na bilisan niya ang pagpapatakbo." anito sa kabilang linya.
Binaba ko na ang tawag at muling humilig sa upuan at napapikit. Naguguluhan parin ako dahil hindi ko siya maalala noon. Wala ni isang ala-ala akong natatandaan sa kanya na nagkakilala kami noon pa. Epekto ba ito ng amnesia?
Bakit hindi ko maalala na kapatid ko si Kael? Bakit?
***
BINABASA MO ANG
City Of Lies [COMPLETED]
Mistério / SuspenseNagsimula ang lahat sa isang mensahe na galing sa nagngangalang "D". Hindi mawari ni Roxanne kung sino ito, kung sino ang taong nagpapadala sa kanya ng mga mensahe. Nakakaramdam na siya ng takot dahil halos lahat ng ginagawa ni Roxanne ay alam niya...