Agad akong nagising dahil naramdaman ko ang pagbuhos ng malamig na tubig sa aking katawan. Halos manginig ako ng hindi ko maigalaw ang aking mga paa pati narin ang aking mga kamay at hindi makapagsalita dahil sa panyong nakatali.
"Ayan gising na kayo. Akala ko hindi na kayo magigising." malanig at napakalalim ang kanyang boses. Ang boses na noon pinagkakatiwalaan ko.
Nilingon ko si Kael na hirap na hirap sa kanyang posisyon. Gusto kung umiyak sa mga nangyayari ngayon. Bakit pa kailangang humantong sa ganito?
Nilingon ko muli siya. Matalim ko siyang tinitigan. Tumawa lang siya na parang demonyo. Isa siyang demonyo!
"Nakakatakot naman iyang mga tingin mo. Natatakot ako." malamig na pahayag niya at tinanggal ang panyong nakatali sa aking bibig.
Walang pagkundangan ko diyang dinurahan sa kanyang mukha. Sapol na sapol ito dahil napapikit siya sa aking ginawa. Nanlilisik ang mga nata niya g tumitig sa akin.
Isang malutong na sampal ang lumapat sa aking pisngi. Parang namanhid ako, namanhid ako sa kanyang ginawa.
"Lapastangan ka! Lubos-lubosin niyo na dahil mawawala rin lang naman kayo!" anito at tumawa na parang baliw.
Napadungaw ako sa bintana. Madilim na ang paligid, gabi na. Iginala ko rin ang mga mata ko para masuri kung nasaang lugar ako. Sa pagkakaalam ko ay nasa abandunado kaming gusali, hindi ko matukoy kung nasaan kami. Dinungaw ko muli ang binatana at nakita ko ang mga nakahilerang kapunuan.
"Walang hiya ka! Pakawalan mo si Kael!" sigaw ko. Hindi niya ako pinansin at binuhusan rin si Kael ng isang timbang tubig.
"Pakawalan mo siya! Ako ang kailangan mo diba! Pakawalan mo siya!" sigaw ko at pilit na kumakawa sa mahigpit na pagkakatali niya sa akin. "Wag mo siyang idamau dito!"
"Damay na kayonh lahat dito. Simula't sapol ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito at ang Tatay ng lalaking yan ang nagpakulong sa akin! Wala akong kasalanan pero hindi nila ako pinakinggan!" galit na galit na sigaw nito sa akin. Nanlilisik ang mga mata ko sa kanya.
Tangina siya! Siya pala ang gumagawa ng lahat ng kaguluhan na nangyayari ngayon! Tangina talaga siya! Demonyo!
"Ikaw ang may dahilan ng lahat at ang Tatay niya ang sumira sa buhay ko! Hindi mo ba alam na halos kalahati ng buhay ko ay kinuha niya dahil nakulong ako ng ilang taon! Napahiya ako sa pamilya ko kinamumuhian nila akong lahat ng dahil sayo!" dinuro niya ako at agad na sinampal muli sa kabilang pisngi ko.
Kahit hindi ko makita ay namumula na ang mga ito. Namamanhid ang mga pisngi kung sinampal niya. Gusto kung manlaban ngunit hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang hayaan siyang paslangin na lang ako.
"Pintay ko ang Papa niya! Pinatay ko rin ang Papa mo bago pa siya makapunta sa presinto matapos ka niyang itakas!" sigaw niya na aking ikinagulat. "Pinagbantaan niya akong ipakulong ako! At ang muntik ng gumahasa sayo! Nagpaliwanag ako sa kanya na wala akong kasalanan sa mga nangyari noon pero hindi niya ako pinakinggan kaya wala akong nagawa kundi ang patayin siya at itapon sa bangin!" muli pa niyang sigaw na kadahilanan na umusbong ang galit sa aking dibdib.
"Pero ang walang hiyang ama ng lalaking iyan! Pinakulong ako! Pinakulong kami!" sigaw niya at dinuro si Kael. Agad niya itong nilapitan ay sinuntok sa mukha. Napasigaw ako sa ginawa nito.
"Tama na tama na! Ako na lang! Wag siya! Ako ang may kasalanan ng lahat diba?! Ako diba?!" sigaw ko. "Ako na lang ang patayin mo at pakawalan mo siya!" naluluhanh sigaw ko.
Tumawa ito ng pagak at lumapit sa akin. Hinaplos niya ang aking mukha na kadahilanang tumindig ang mga balahibo ko. Ngumiti pa ito.
"Wag kang mag-alala magsasama na kayong magpapamilya." ngumiti siya at hinawakan ang labi ko.
Sa paghawak niya sa aking labo ay siya namang pagkagat ko gamit ang matutulis kung ngipin. Napadaing ito dahil hindi ko binibitawan ang kanyang kamay na kinakagat ko.
"Tangina kang babae ka!" sigaw niya at agad nanaman niya akonh sinampal gamit ang isang niyang kamay kaya napabitiw ako. "Walang hiya ka!" sigaw niya at sinuntok ako sa kanyang tiyan.
Para akong napalarisa at hindi makagalaw sa kanyang ginawa. Masakit, masakit ang kanyang mga ginagawa pero mas masakit ang kanyang mga ginawa sa aking pamilya!
"Je-jeremy." nanghihinang bulong ko.
Ngumisi ito sa akin. Agad niyang dinampot ang isang dos por dos na nakahilata sa sahig. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking ulo.
"Sayang at hindi mo na makikita kung paano ko pahirapan ang kapa-kapatid mo." malamig na saad nito. "Dahil uunahin na kita!" sigaw niya sa akin.
Ihahampas na niya sana ang dos por dos ng bigla kung nakita si Kael na hinampas niya ang ulo ni Jeremy ng malaking bato.
Agad na bumagsak ang katawan nito habang ang ulo niya ay duguan. Agad naman akong kinalagan ni Kael mula sa pagkakatali bago pa magkamalay ang walang hiya!
"Ate, tara na tumakbo na tayo. Tumakas na tayo!" nanginginig na pahayag ni Kael.
Agad kaming bumaba sa hagdanan ng abandunang gusali na ito. Nasa ikalimang palapag kami kaya nahihirapan kaming bumaba dahil mano-mano ang ginagawa naming pagbaba sa hagdanan.
"Roxanne!" isang mabagsik na tinig ang aming narinig. Gumapang ang takot at kaba sa aking dibdib at masbinilisan ang pagbaba. "Hindi kayo makakawala!" sigaw pa niya.
Nilingon ko ang itaas kung nasaan kami kanina. Nakita kung pababa na siya at mabilis na kunakaripas ng takbo papunta sa kinaroroonan namin. Tumalon-talon ito kaya mas lalo ko pang binilisan.
"Ate!" hahakbang na sana ako ng bigla may humablot sa mahaba kung buhok.
Napahiga ako sa sahig ng hagdanan. Napadaing ako sa sakit ng likod ko na dulot nito.
"Akala niyo matatakasan niyo ako! Pwes nagkakamali kayo!" sigaw niya.
Sinapa kk ang mukha nito at sumapol sa ilong niya. Hinawakan niya ang ilong nito at nakita ang umaagos na dugo.
"Walang hiya ka! Lumalaban ka pa!" sigaw niya sabay hila ng aking buhok. Napadaing ako sa sakit dahil pakiramdam ko ay matatanggal lahat ng buhok ko sa anit ko.
Pilit kung kinalmot ang kanyang mukha. Nakalmot ang pisngi nito kasama sa may bandang mata niya. Napasigaw siya sa akin na dulot ng aking ginawa. Nabitawan niya ang pamalo sa akin kaya hindi na ako nagaksaya pa ng panahon, kahit masakit ang likod ko at ulo ko ay pinilit ko paring tumayo at dinampot ang dos por dos.
"Walang hiya-" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil hinampas ko na siya sa kanyang ulo ng buong lakas ko.
Nanlaki ang aking mga mata ng mahulod siya sa hagdanan. Nakatingin lang ako sa katawan niya at napatakip na lang ng bibig dahil sa aking nagawa.
Pero may isa pang gumugulo sa aking isipan. Kung si Jeremy ay nakita ko bago ako mabangga sino namna ang bumangga sa akin?
END OF SEASON 1
***
BINABASA MO ANG
City Of Lies [COMPLETED]
Mystère / ThrillerNagsimula ang lahat sa isang mensahe na galing sa nagngangalang "D". Hindi mawari ni Roxanne kung sino ito, kung sino ang taong nagpapadala sa kanya ng mga mensahe. Nakakaramdam na siya ng takot dahil halos lahat ng ginagawa ni Roxanne ay alam niya...