Habang sinusundan namin ang sasakyan ng ambulansya ay dinala kami sa isang hospital. Agad namang pinark ni Chel ang kanyang sasakyan sa kanilang parking lot.
Hindi pa kami bumaba, hindi pa namin alam kung ano ang gagawin namin sa loob, kung paano namin maoobserbahan ang katawan ni Cassandra. Hindi naman pwedeng basta-basta na papasok sa Morgue at titignan ito.
"Paano na ngayon? Paano tayo makakalapit sa katawan niya?" tanong ko habang nakatingin sa mga taong binababa ang katawan ni Cassandra at pinasok sa loob ng hospital habang tulak-tulak.
Napatingin si Chelsea sa looban ng hospital. Tinitigan niya ito habang nag-oobserba. Napatingin rin ako doon at hinilig ang aking likod sa upuan.
Tumunog ang aking cellphone. Hindi ko alam kung kukunin ko ba ito o hindi dahil baka ang D nanaman ang nagpadala ng mensahe.
Nanginginig ang aking mga kamay habang dinudukot ito mula sa aking bulsa. Nanginginig kong pinindot ang screen nito at agad na tumambad ang numerong kinatatakutan ko.
From Unknown:
Try to find who I am and you'll be a dead meat soon. :) -DNapasulyap ako kay Chel na ngayon ay nakatingin rin sa kanyang cellphone. Hindi kaya nakatanggap rin siya ng mensahe galing kay D?
"Ma-may natanggap ka?" ganong ko. Tumango ito at agad na binalik ang cellphone sa kanyang bulsa. Tumingin muli sa hospital. "Pumasok tayo at umakto na parang bibisita lang tayo. Papapasukin tayo doon dahil pinapayagan naman nilang bumsita ang mga kamag-anak ng nga pasyente o namatay." aniya at agad na kinalas ang seat belt na nakakabit sa kanyang katawan. Ganun din ang ginawa ko at agad na lumabas at pumantay sa bilis niyang paglalakad.
Nagtungo kami kaagad sa front desk para magtanong. Nakaputi-silang nga uniporme habang ang kanilang pangalan ay nakasabit sa kanilang suot.
"Pwede po bang magtanong? Saang banda ang Morgue? Gusto sana naming malaman dahil ang kaibigan namin ay kakasugod lang nila kanina dito." malumanay na pahayag ni Chelsea.
Napatingin ako sa kanya habang nakayuko. Tinitignan niya ang papel na hawak niya. Biglang dumako ang paningin ko sa kanyang nametag.
Ja-jamela? Wait, hindi naman siya si Jamela na kakilala ko dahil alam ko namang marami siyang kapangalan dito sa mundo.
Nang inangat niya ang kanyang tingin sa amin ay halos mapasinghap ako ng makumpirma ko na siya talaga si Jamela, ang matalik naming kaibigan. Nagulat rin ito ng makita kami.
"Che-chelsea? Roxanne?" gulat na tanong niya at agad na lumabas sa front desk at akmang yayakapin niya sana kami ng umilag si Chelsea.
"Nasaan ang Morgue? Kailangan naming makita si ang katawan ni Cassandra." malamig na pahayag ni Chel sa kanya. Maslalo siyang nagulat kasabay nun ang pagtakip ng kanyang palad sa bibig nito.
"Pa-patay na ba si Cassandra?" naluluha na tanong niya.
Halos magdikit na ang kilay ni Chel habang nakatingin kay Jamela na umiiyak na ngayon. Hinawakan ko ang balikat ni Chel para pakalmahin baka kung ano pa ang magawa niya.
"Ituturo ko sa inyo. Sumunod kayo." aniya.
Hindi na kami umapila pa, sumunod na kami sa kanya papasok ng elevator. Pinindot niya ang ikalimang palapag at nagsimula na ang paggalaw nito. Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Bumukas ang pintuan at tumbad sa amin ang nakahilerang mga kwarto.
"Room 507, dito ang Morgue kung saan nilalagay namin ang lahat ng namatay." aniya at kinuha ang susi sa kanyang bulsa at itinusok ito sa seradora at pinihit.
Tumbad sa amin ang maaliwaswas na kwarto. Ang Morgue ay may parang may kabiney pero malalaki ito. Dito nila nilalagay ang mga bangkay ng nga namatay.
"Hi-hindi ko alam na si Cassandra ang dinala nila kanjna dito. Wala akong kaal-alam sa mga nangyayari. Hindi ko rin alam na nakabalik ka na pala." aniya at humarap sa akin.
"Hindi mo alam mo nagmamaang-maangan ka lang para makuha ang simpatya namin?!" hindi na napigilan ni Chel ang sumigaw mabuti na lang na nakasara ang pintuan para hindi kami marinig. "Baka hindi namin alam na ikaw pala ang may kagagawan ng lahat ng ito. Mga mensahe na pinapadala mo, ang pagpatay sa papa ni Roxanne at kay Cassandra!" galit na pahayag niya.
Nanlaki ang mga maya ni Jamela habang nakatingin kay Chelsea na pumuputok ng galit na parang bulkan.
"Ba-bakit ko naman gagawin iyon? Hi-hindi ako mamamatay tao." bumuhos ang luha nito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung sino ang aaluhin ko sa kanilang dalawa. Nakatayo lang ako sa kanilang gitna habang sila ay umiiyak.
"Bakit mo gagawin iyon?! Dahil naiinggit ka sa kanya! Dahil siya ang mahal ni Jeremy noon pa at hindi ukaw kaya nagawa mo ang lahat ng ito! Umamin ka na!" sigaw ni Chel. Mabuti na lang nahawakan ko siya dahil akmang susugurin na niya si Jamela.
"Hi-hindi ko magagawa ang binibintang mo. Ka-kahit hindi ako mahal ni Jem ay tinanggap ko iyon, hindi ako papatay ng tao sa ganyang kababaw na da-dahilan." aniya habang umiiyak parin. "Anong mensahe ang sinasabi niyo? Ang D ba? Nakakatanggal rin ako ng mensahe na gangan simula nung nakaraang linggo. Pinagbabantaan niya ako na papatayin. Hindi ako lumabalabas ng bahay dahil sa takot ko na baka mangyari nga iyon sa akin!" sagot niya sabay hikbi.
Magsasalita sana ako ng biglang sabay-sabay na tumunog ang aming mga cellphone.
Agad kong dinampot at halos mapudpud ang aking daliri sa diin ng pagkakaslide ko sa cellphone ko oara mabuksan.
From Unknown:
Happy to see you reunited pero may isa pang wala. Si Rose diba? Hmmmm. Baka pag-uwi niya tanging malamig na lang rin na ang bangkay ang inyong madadatnan. -DNapasinghap kami sa aming natanggap na mensahe. Gumapang ang takot at kaba sa buong sistema ko dahil sa kanyang mensahe na ipinadala. Si Ro-rose bakit pati siya na wala dito ay idadamay niya?
Iginala ko ang paningin ko sa buong kisame. Nahagip ng nga mata ko ang isang CCTV camera. Napatingin rin doon ang mga kasamahan ko. Hindi ako nagdalawang isip na ipinakita sa kanya ang gitnang daliti ko tyaka tumalikod at hinila ang kabinet kung nasaan ang bankay ni Cassandra.
Isinuot ko ang isang gloves at agad na hinawakan ang leeg nito at tignan ang marks ng tali. Hinaplos ko ito at naramdaman ko ang likido na tumulo dito.
Itinulak ko ang kabinet lara sumara. Tinanggal ko ang gloves at tinapon sa basurahang malapit sa kinaroroonan namin at tinignan ang dalawa.
"Hindi siya nagpakamatay. Ginilitan siya sa leeg ng walang hiyang demonyong iyon!" galit na litanya ko kasabay nun ay pagtingin ko muli sa CCTV dahil alam kong nanunuod siya ngayon.
***
BINABASA MO ANG
City Of Lies [COMPLETED]
Mistério / SuspenseNagsimula ang lahat sa isang mensahe na galing sa nagngangalang "D". Hindi mawari ni Roxanne kung sino ito, kung sino ang taong nagpapadala sa kanya ng mga mensahe. Nakakaramdam na siya ng takot dahil halos lahat ng ginagawa ni Roxanne ay alam niya...