Truth

159 5 0
                                        

Lumapit ako dito habang nanginginig ang mga tuhod ko. Hinaplos ko ito at dumikit sa aking kamay ang mga alikabok.


Bumalik ang ala-ala na gusto kung takasan. Ang ala-ala na nagdala ngayon sa kapahamakan ng buhay ko. Ang ala-ala na nagbago ng takbo ng aking buhay.


Liningon ko di Kael na nakatayo lang doon habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang kanyang iniisip.


Isa pa rin siya sa nagpapagabag sa aking kaisipan. Hindi ko siya maalala na nagkita kami noon, nung andito pa kami.


Lumapit ako sa kinaroroonan biya ag hinarap siya. Nakatingin lang siya sa akin, sa aking mga mata.


"Bumalik na nga ang ala-ala ko ngunit may isa pang bumabagabag sa aking kaisipan. Bakit hindi kita maalala?" tanong ko.


Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Luminga-linga pa siya sa kanyang paligid kung may tao ba o wala. Agad niyang hinatak ang aking palapulsuhan at pumasok kami sa bahay. Linock niya ang front door at pina-upo niya ako sa sofa.


"Ate, may sasabihin ako sayo." pagsisimula niya. Hindi ako umimik. "Hi-hindi mo ako totoo g kapatid." anito na aking ikinagulat. "At hindi rin siya ang totoo mong Tatay." muling dugtong niya na ikinasakit ng aking ulo.


Ano ang kanyang pinagsasabi na hindi ko siya kapatid? Na hindi ko siya tatay? Paanong hindi ko magiging Ama siya eh naaalala ko siya, siya ang ama ko pero si Kael hindi ko siya maalala talaga.


"Pa-paanong hindi kita kapatid at hindi ko siya Ama? Ama ko siya dahil naaalala ko siya." sagot ko sa kanya. Hindi na ako mapakali sa aking nalalaman.


"Ang totoo niyan Ate ay pinsan mo ako. Ang ama mo at ama ko ay magkakambal. Kaya ka napinta sa poder namin ay dahil pinangakuhan ni Pala ang Ama mo na aalagaan ka bago siya mawala." mahabang litanya niya. Kumunot ang noo kk kasabay nun ang panlalaki ng aking mga mata sa aking mga nalaman.


"I-ibig bang sabihin? Ang Ama ko na na-nakasama ko ay hindi siya ang totoong Ama ko? Siya ang Ama mo? At ang Ama ko ay matagal ng patay?" tanong ko na iyon ang pagkaintindi ko sa kanyang mga sinabi.


Tumango siya. "Oo ganun na nga. Matagal ng patay ang Ama mo, Ate. Naitakas ka niya pero nung naitakas ka niya papunta sa kinalalagyan namin ay agad rin siyang umalis ay bumalik dito. Doon na namin nabalitaam na patay na siya." sambit niya. Nanginginig ang kamay ko sa mga nalaman ko ngayon.


Hindi ko alam na ang aking pagkatao ay isang kasinungalungan lamang hanggang ngayon.


"Kailangan ka niyang itakas matapos ang aksudenteng iyon dahil may nagtangkang pumatay sayo. Pati narin sa Ama ko noong nasa poder ka namin may nagtangkang pumatay sa kanya. Isang araw may natanggap siyang mensahe at ang code name nito ay D. Pinagbabantaan niya ito na papatayin niya ang Ama ko." naluluhamg pahayag niya. Napasinghap ako.


"Si Papa. Si Papa ang dahilan kaya ang mga kaibigan mo na malapit ng gumahasa sayo ay nakulong ng ilang taon. Gusto niya kasi na bigyan ng katatungan ang iyonh malagim na sinapit noon. Pinangako niya rin kasi sa Ama mo na iingatan ka niya at aalagaan na parang totoong anak.


Nanginilig ang mga luha ko at napakagat ako ng aking mga labi sa aking narinig. Nangtaog ang binti ko at nanlalamig na ang buong katawan ko sa mga nalaman.


"Ba-bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang lahat?"


"Ka-kasi pinangako ko kay Papa na kahit anong mangyari ay hindi ko ito sasabihin sayo. Gu-gusto niyang iparanas sayo na hindi ka nag-iisa na meron kami." tumlo ang isang butil ng kanyang luha pero agad rin niya itong pinalis.


"Alam ko ate ang mga nangyayari sayo ngayon. May nagtatangkang pumatay sayo at ganun din sa akin. May malaking galit siya sa ating pamilya at alam ko na isa sa nga kaibigan mo noon na pinakulong ng aking Ama." aniya. Pinunasan ko ang basang pisngi ko at tinitigan muli siya.


"Pi-pinagtangkaan kang patayin?"


Tumango ito."Oo. Muntik na akong masagasa ng isang kotse at alam kong sinadya iyon ng taong nasa loob ng sasakyan na iyon." malamig na pahayag niya sa akin. "At siya rin ang may kagagawan ng pagkamatay ng aking Ama at iyong Ama!" madiin na pahayg niya at kumuyom ang kanyang kamao. "Pagbabayarin ko siya sa kanyang nga ginawa! Ipaparanas ko sa kanya ang mga ginawa niyang karumaldumal na krimen!"


Hinawakan ko ang kanyang kamao para pakalmahin. Unti-unti namang lumukuwag ang pagkakuyom nito kaya naman agad ko siyang niyakap. Bumuhod ang mga luha niya sa kanyang balikat at humihikbi.


"A-ate. Miss na miss ko na si Pa-papa." umiiyak na pahayag niya.


Naaawa ako sa kalagayan niya. Ako rin naman miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na sila.


"Miss na miss ko na rin siya, Kael. Hahanapin natin ang gumawa nito sa ka-"hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng bigla niya g tinakpan ang aking bibig at sinenyasang tumahimik.


"Naririnig mo ba iyon, Ate?" bulong niya.


Namayani ang katahimikan sa bahay at pinakinggan ko ng mabuti.


Halos mapatalon at mapatili ako sa gulat bg may narinig akong kumalabog sa ikaliwang palapag ng aming bahay. Isang mabilis na yabag ang aking narinig. Nagkatinginan kami ni Kael at agad na inakyat ang hagdanan.


"Si-sino yan?" kinakabahang tanong ko.


Tanging nakaawang pintuan lang ng aking kwarto ang aking nakita at noong pumasok kami doon ay. Bigla ko na lang naramdaman ang isang bagay na humampas sa aking mukha.


Lumagapak ang aking katawan sa sahig kasabay nun ang paglagapag din ng katawan ni Kael habang nakapikit at nakaharap sa kinaroroonan ko.


Bago nablabo ang aking paningin ay may nakita akong pares ng sapatos na papunta sa akin. Ang sapatos na nakita ko na.

***

City Of Lies [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon