Tinanggal ni Jamela ang uniporme niya tyaka niya nilagay sa kanyang locker. Kinuha niya ang maliit na sling bag niya at humarap sa aming dalawa.
"Ano na ang ating gagawin? Paano natin malalaman kung sino ang puno't dulo ng lahat ng ito." sabi nito.
"Wag tayong mag-usap dito. Baka may nakarinig pa sa atin. Pumunta tayo sa bahay at doon natin pag-usapan ang lahat." ano Chel na naki-ayon kaming dalawa sa kanya.
Naglakad kami patungo sa kanyang kotse at agad na pumasok. Inayos ni Chel ang salamin nito, nanlaki ang aking mga mata at napasinghap sa aking nakita.
Hi. -D
Pulang lipstick ang ginamit na pangsulat nito. Pero paano niya nabuksan ang sasakyan ni Chel kung nakakandado naman ito nung umalis kaming dalawa.
Napamura ako ng ilang beses sa aking isipan. Napatingala ako at tinignan ang bubong ng kanyang kotse. Sino ba kasi ang gumagawa ng lahat ng ito?!
Magsasalita sana si Jam ng bigla kong marinig ang isang bagay. Hindi ko alam kung ano iyon pero may naririnig talaga ako.
Sinenyasan ko lang silang tumahimik at tumingin kay Jamela na naka-upo sa back seat. Doon nanggagaling ang tunog. Umakyat ako ng upuan at hinanap ang maliit na tunog na iyon.
Kinapa ko ang nasa ilalim ng upuan. Isang hugis kahon ang aking naramdaman. Inangat ko ito at ganun na lang abg aking gulat ng nakita ko ang sampong numero na nakalagay doon at maging siy na ito. Nanlaki ang mga mata ko.
"Labas may bomba!" sigaw ko at agad na kaming nagsilabasang lahat, hindi pa kami nakakalayo ng bigla na lang sumabog ang sasakyan na kinaroroonan namin.
Napasubsob ako sa sahig dahil sa lakas ng impact nito. Halos mangudngud na ang aking mukha doon mabuti na lang nabalanse ko pa ang aking sarili.
Tumayo ako at tinitigan ang kotaeng umaapoy ngayon. Hinanap ng nga mata kk si Chelsea na ngayon ay ayos naman siyang tumatayo ganun din si Jamela.
Bigla muling tumunog ang cellphone kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na buksan ito at tumambad nga ang numerong inaasahan ko.
From Unknown:
I told you bitches. Try to find out who I am you will be dead soon. -DNapasigaw ako dahil sa galit. Tangina siya! Kung sino namang demonyo siya sana mamatay na ang walang hiya! Ano ba ang ginawa namin sa kanya at ganito na lang ang ginagawa niya sa amin! Sino ka ba talaga D?!
"Ayos lang ba kayo?" tanong ko ng nakalapit ako sa dalawa.
"Oo, ikaw nasugatan ka ba?" tanong ni Jam sa akin. Umiling langa ko.
Agad akong napalingon sa mga sasakyan ng mga pulis na nagdadatingan. Bumagsak ang balikat ko dahil sa nangyari. Sa presinto kani pupulutin ngayon! Kailangan kung umuwi dahil walang kasama si Kael sa bahay!
"Miss, anong nangyari kanina?" tanong sa amin ng Pulis.
"Hindi ba obvious na may nagtangkang pumatay sa amin?!"gusto kong sabihin iyon sa kanya pero pinilit ko na lang na itikom ang aking bibig.
"May naglagay ng bomba sa sasakyan ko. Nasa hospital kami that time ngunit 'nung nasa kotse na kami may narinig kaming tumutunog iyon na pala ang bomba!" madiin na pahayag ni Chel.
Nilista naman ng pulis ang bawat sinabi ng aking kaibigan. Naka-upo kaming tatlo ngayon habang kaharap namin ang isang pulis na nagsisilbing pagitan namin ay isang long table.
Dinukot ko ang phone ko sa bulsa ko at tinignan kung may mensahe ba ang aking kapatid ngunit wala ni isa. Bakit kaya hindi siya nagtetext? Busy kaya siya? Gabi na.
"Maari na po ba kaming umalis? Nag-aalala na kasi ang mga magulang namin." ani Jam.
Marami pang proseso ang ginawa bago bila kami pauwiin at pakawalan. Mabuti na lang bandang alas otso y media ay nakasakay na kami ng taxi pabalik ng Village namin. Unang bumaba di Jam at sumunod naman si Chelsea. Nagpaalam sila na mauuna na sila kaya tanging tango lang ang aking nasagot.
Inaala ko pa rin ang nangyari sa amin kanina. Kung hindi ko narinig ang tunog sana gutay-gutay na ang aming nga katawan ngayon ay pinaglalamayan na. Mabuti na lang talaga narinig ko iyon.
"Jan na lang po sa may kulay pulang gate." sabi ko sa driver. Agad naman nitong inihinto kaya agad akong bumaba at nagtungo para buksan ang gate.
Sinara ko rin ang gate bago ako nakapasok. Naka-ilaw ang sala pati na rin ang kwarto ni Kael. Andito na siya sa bahay pero bakit wala siya ni isang mensahe man lang na ipinadala sa akin.
Pagbukas ko pa lang ng pintuan ay tumambad na sa akin ang telebisyon na nakabukas habang ang remote ay nasa tiyan ng aking kapatid na ngayon ah mahimbing ng natutulog.
Napailing na lang ako. Marahim pagod siya sa pagenrol niya kanina kaya nakaligtaan niya ako padalhan ng mensahe.
Umakyat ako sa kanyang kwarto at dumampot ng kanyang kumot at agad rin na bumaba. Inayos ko ang kanya g posisyon, inayos ko rin ang unan ng sofa na nagmimistulang unan niya tyaka ko siya binalot ng kumot.
Hinaplos ko ang kanyang buhok at hinalikan sa kanyang noo.
Tumunog muli ang aking cellphone. Akala ko 'yung D nanaman ngunit iba ang aking natanggap.
From Jem:
Can we meet tomorrow sa gomez coffee shop. Please?Natigilan ako at hindi ko alam ang irereply sa kanya. Ano naman kayang sasabihin nito at gusto niyang makipagkita sa akin? Hindi pa rin oala siya nagbabagk ng numero, yun paring numero na numero ko noon ang kanyang ginagamit.
Ngumiti ako ng mapait at umakyat na sa kwarto para makatulog na.
***
Wag mong basahin mabwibwisit ka lang dahil maraming nga typos and errors. Kung andito ka para manlait umalis ka na lang. Sa mga willing na magbasa paki intindihin na lang. Salamat!
BINABASA MO ANG
City Of Lies [COMPLETED]
غموض / إثارةNagsimula ang lahat sa isang mensahe na galing sa nagngangalang "D". Hindi mawari ni Roxanne kung sino ito, kung sino ang taong nagpapadala sa kanya ng mga mensahe. Nakakaramdam na siya ng takot dahil halos lahat ng ginagawa ni Roxanne ay alam niya...