Jeremy

189 8 1
                                    

Agad kong nilihis ang aking paningin at tinignan ang mga tsokolateng mga mata ni Chelsea na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa akin. Ngumiti ako ng mapait para ipakita sa kanya na hindi ako nasasaktan.



Sino ba ang niloloko ko? Ang sarili ko? Gusto kong tumawa ng pagak pero hindi ko magawa.



"Ok lang ako. Wag kang mag-alala." sagot ko kahit wala siyang tinatanong. Pilit akong ngumiti at kinuha ang Frappe na inorder ko.



"Liar. Alam ko namang hindi ka ok eh. Alam kong mahal mo pa siya." aniya at sumimsim rin sa kanyang Frappe. Muli niyang sinulyapan ang aming likuran. "Wag mo na lang silang pansinin. Maghihiwalay din yang mga yan." aniya, gusto kong tumawa sa kanyang sinabi. Tulad pa rin siya ng dati, isang bitter.



"Kumain na lang tayo. Ok naman sa akin, hindi ko naman siya masisisi dahil may iba na siya. Ako itong nawala ng ilang taon kaya ok lang." sabi ko at ngumiti tyaka dumako ang aking paningin sa ubeng cake na nasa lamesa ko. Kinuha ko ang tinidor at hinati ito tyaka nginuya.



"Sabi mo eh. Pero sa totoo lang mas maganda ka pa sa pinalit niya. Di hamak na lamang ka ng maraming paligo kaysa sa mukhang hipon na iyan." aniya sinabayan pa niya ng pag-ikot ng kanyang mga mata. Tumawa ako ng mahina.



Sinulyapan ko sila ng saglit. Nakita ko si Jeremy na inuurong ang upuan ng kanyang kasintahan para maka-upo ng mabuti. Napapikit ako ng mariin at napakagat ng labi dahil nararamdaman kong nangingilid na ang aking mga luha.



Parang kailan lang ako iyong pinagsisilbihan niya pero ngayon iba na. Iba na ang kasa-kasama niya.



Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kisame para maibsan ang pagluha. Ayaw kong makita ako ni Chelsea na umiiyak, tapos na akong umiyak sa Papa ko hindi na ako iiyak sa iba pang lalaki.


"Oh, naiiyak ka na?" tanong niya.



"Napuwing lang ako nuh hindi ako umiiyak." pagsisinungaling ko.



"May napuwing ba na parang agos na ng talon ang pagbagsak ng mga luha?" natatawa niyang pahayag.


Kinapa ko ang aking pisngi. Wala namang tubig ng luha akong naramdaman. Tinignan ko siya na humahagikhik parin.



"Syempre joke lang. Edi napuwing na kung napuwing." aniya habang umiiling sabay inom niya muli.



Kumain na lang rin ako. Sunod-sunod ang pagnguya ko at pag-inom ko. Hindi kasi ako sanay sa atmosphere namin ngayon lalong-lalo na andito si Ex sa paligid.



"Magbabanyo lang ako." paalam ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad akong dumampot ng tissue at nilisan siya.



Nagtungo ako sa cr. Agad kong kinando ang aking sarili sa isang cubicle. Doon na nag-unahang tumulo ang aking mga luha galing sa aking mga mata. Panay ang punas ko dito pero walang epekto dahil nag-uunahan sila sa pagbagsak.



Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ngunit hindi ko ito pinansin. Humikbi ako.


Matapos ang pagdradrama ko sa loob ay agad akong naghugas ng aking mga kamay. Napatingin ako sa salamin, sa aking mukha, sa mga mata kong namamaga. Pinahidan ko ng tubig ito at agad din na pinunasan para matuyo.



"Ro-roxanne." napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kaba. Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Jeremy na nasa aking likuran.


Nilingon ko ito at nginitian ng pilit. Ngayon ko lang nakita muli ang kanyang mukha. Maslalo siyang gumwapo dahil sa gupit niyang clean cut, matangos niyang ilong, malalim niyang mga mata sabayan pa ng mahahaba niyang pilikmata at mapupula niyang mga labi.


"Jeremy! Kumusta?" umakto ako na nagulat na ngayon ko lang siya nakita.


Gusto kong bigyan ng palakpak ang aking sarili dahil sa pag-akto ko na parang wala lang sa akin ang lahat. Plastik ka Roxanne! Plastik!



"Ok lang ako. I-ikaw kumusta ka na?" tanong niya. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pag-alala.


Ngumiti muli ako ng mapait. Ito na lang ang kaya kong gawin ang ipakita na ok sa harapan nila kahit sa loob-looban ko gusto ko ng umiyak ng umiyak.



"Ayos na ako. Ayos na ayos na. Ikaw? Mukhang masaya ka na ah? Masaya ka na ngayon sa kasintahan mo." At hindi mo na ako kailangan pa. Gusto kong idagdag iyon pero sino ba ako para sabihin pa iyon sa kanya. Wala na kaming relasyon.


Ngumiti siya sa akin. Ang ngiting nakakalaglag ng panga, ang ngiti kung saan ako nahulog ng tuluyan noon sa kanya.



"Mahal na mahal kita, Roxanne. You will be my first and the same time my last." Tandang-tanda ko pa ang mga katagang iyan na kanyang binitawan noon pero nagkamali ako, hindi pala totoo ang lahat ng iyon. Kasalanan ko naman eh, kasalanan ko.


Muli kong naramdaman ang pangingilid ng mga traydor kong luha. Tangina! Makisama naman kayo kahit ngayon lang!



"Lumabas ka na, Jem baka hinahanap ka na niya at tyaka hindi ka ba aware na banyo ng mga babae ang iyong pinasukan?" tumawa ako ng pagak. Tumingala ako sa kisame at agad rin ko siyang sinulyapan sa kanyang mga mata.



"I'm glad that you are ok. Sige mauuna na muna ako sayo. So see you around?" paalam nito. Tanging tango lang ang aking nasagot.



Pagkasara niya ng pintuan ay doon na muling nag-uunahan ang mga luha ko sa pagbagsak. Tangina naman! Kailan ba kayo mauubos!


"Roxanne!" umurong ang mga luha ko ng makita ko si Chelsea na hingal na hingal habang nakahawak sa kanyang cellphone. Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya. "Umiiyak ka ba?" tanong niya.



Hindi ko siya sinagot. Bagkud ay tinanong ko rin siya kung bakit siya tumatakbo.



"Bakit? May nangyari ba?" balik na tanong ko at lumakad papunta sa kinaroroonan niya.


"Si Ca-cassandra patay na." nanginig ako ng takot at kinilabotan ako sa aking narinig mula sa kanya.

***

City Of Lies [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon