Ex

229 7 0
                                    

Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong hinatid namin ang aking Ama sa kanyang libingan. Hindi pa rin mawari sa aking isipan na lumisan na ito. Hindi parin tanggap ng buong sistema ko.



Isang linggo, isang linggong parang baliw ako na nagkukulong sa aking kwarto, nagmumukmok na halos hindi na ako kumakain pa. Takot ako, nalilito na ako sa mga nangyayari.



Matapos bumalik ang lahat ng aking ala-ala kung paano ko nalagpasan ang pasakit noon hanggang sa nawalan ako ng memorya ay maslalo akong nadipress. Hindi ko alam, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito.



Tumunog ang cellphone ko at agad nanamang tumambad ang isang numerong hindi nakarehistro.



From Unknown:
Get up, bitch. Time to see your, Ex. -D



Kumunot ang noo ko. Ano nanaman bang pakulo ng D na ito? Si Jeremy? Bakit kami magkikita?



Narinig ko ang pagkatok sa aking pintuan. Nilingon ko ito at agad na inayos ang buhaghag kong buhok.




"A-ate lumabas ka na. Kakain na tayo." sigaw ni Kael na nasa pintuan.




Wala akong ganang tumayo. Naglakad ako papunta sa pintuan na parang lantang gulay at agad na binuksan. Tumambad sa akin di Kael na nakasando lamang havang gulo pa ang buhok dahil na rin ata sa pagluluto.



Parang siya na ngayon ang mas nakakatanda sa akin dahil sa mga kilos niya.



"Tara na, Ate. Nagluto ako ng adobo na paborito mo." masayabg litanya niya. Alam kong pinipilit niya lang pasiglahin ang paligid.



"Sige, sabay na tayong bumaba." sagot ko at sabay kaming bumaba sa hagdanan.



Habang bumababa kami ay bigla ko g naamoy ang masarap na adobo. Napalanghap ako at napangiti kahit papaano ay unti-unti ko ring masasanay ang aking sarili.



Maybe, I can find some jobs while my brother is going for school. Makakatulong rin ata ang pagtratrabaho ko para makalimot sa mga nangyari.



Umupo ako sa hapag. Dinampot ko ang babasagin naming plato pati narin ang kutsara at tinidor at nilagay sa aking harapan. Kumuha ako ng kanin at sumandok ng ulam.



"Tumawa pala si Ate Chelsea kanina, Ate. Magkita daw kayo sa Gomez Coffee Shop." aniya. Napatingin ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagnguya sa masarap na adobo.



Nagsalin ako ng maligamgam na tubig at agad na linagok ng isahan lamang. Nagsalin muli ako at pinagpatuloy ang pagnguya sa pagkain.



"Naayos mo na ba ang mga papeles mo para sa pagpasok sa bago mong paaralan?" tanong ko.



Sinulyapan niya ako habang ngumunguya. Agad niyang nilunok ang pagkain na nasa bunganga niya at agad na linagok ang tubig.



"Oo, Ate. Naayos ko na, mag-eenrol pala ako mamaya." paalam nito.



Tumango ako. "Sasamahan na kita?" alanganing saad ko.



"Hindi na po kaya ko naman at tyaka kasama ko naman si Nelson ang kapitbahay natin. Doon kasi siya nag-aaral." salaysay nito sa akin. "Tyaka may pupuntahan ka ate magkikita pa kayo ni Ate Chelsea. Walang maiuwan ngayon sa bahay." malungkot na pahayag niya.



Naalala nanaman niya si Papa. Naalala ko rin siya araw-araw. Kung sana buhay pa siya ay siya sana ang maiiwan dito sa bahay para magbantay pero iba na ngayon. Wala na siya.



"Wag kang mag-alala. Ilolock na lang natin ang bahay para walang makapasok. Wala rin naman atang mag babakasakali na magnakaw sa mga gamit natin." saad ko tyaka ngumuya na lang ulit ng pagkain.



Pagkatapos naming kumain ay ako na ang lumigpit ng mga kalat namin. Ako na rin ang naghugas ng pinagkainan namin. Naglinid na rin ako ng bahay.



Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Chelsea na magkikita kami sa Coffee Shop ng bandang alas dyes ng umaga. Natapos ako sa gawaing bahay bandang alas nwebe kaya iyong natitirang isang ktas ay ginugol ko para makaligo at makapagbihis.



"Aalis ka na?" tanong ko sa kapatid ko habang nakaporma.



"Oo, Ate. Anjan na si Nelson sa tapat ng bahay. Ingat ka ate, ingat kayo." aniya at agad na siyang lumisan hindi man lang niya naririnig ang sagot ko.



Napailing na lang ako at agad na lumabas na rin ng bahay. Sinigurado ko muna na sarado ang lahat bago ko sinarado rin ang front door.


Napasulyap akk sa isnag garahe. Kumunot ang aking noo dahil hindi nakabukas ito at ang bakal na nagsisilbing pintuan niya ay alikabok na. Gusto ko mang pagtuonan ng pansin iyon ay alam kong malalate na ako sa lakad namin.



Nagpatawag ako sa guard ng isang taxi papasok dito sa amin. Agad naman akong nakakuha nito. Agad akong pumasok at sinabi kung saan ako paroroon.



Dahil hindi rin naman malayo ang pagkikitaan namin ni Chelsea ay agad na akong nakarating doon. Bumabas ako sa taxi at napatingin sa malaking karatula ng coffee shop. Gomez Coffee Shop.



Isang ala-ala ang bumalik sa akin. Kung saan kami unang nagdate ni Jeremy nung sinagot ko siya. Napangiti na lang ako sa aking naiisip. Kamusta na kaya siya? May-iba na ba siya? Napangiti ako ng mapait dahil alam kong may isang daang porsyento na posibleng mangyari iyon.



Itinulak ko ang salaming pintuan nito. Tumunog ang nakasabit sa itaas hudyat na may pumasok. Napatingin sa akin ang mga iilang customer pero agad rin nilang ibinalik ang mga atensyon sa kanilang mga ginagawa.



"Roxanne!" napalingon ako sa sumigaw.



Nakita ko si Chelsea na naka-upo sa may gilid habang may hawak na Frappe na iniinom. Agad naman akong naglakad patungo dito at umupo sa harapan niya.



"Anong gusto mo? My treat?" aniya. Ngumiti ako at hindi na tumanggi. Libre naman kaya bakit ko pa tatanggihan ang grasya diba?



Sinabi ko sa kanya ang aking natipuhan. Agad naman niyang tinawag ang waiter ng cofee shop at sinabi ang aking gusto. Nilapag ko ang menu tyaka tumingin sa kanya.



"Bakit mo pala ako pinapunta dito?" tanong ko.



"Wala, gusto ko lang na makasama ka. Matagal na rin kasi tayong hindi nakakapagbonding simula nung 'you know." aniya at tumawa. Ngumiti lang ako sa kanya. "Kilala mo si Rose diba? Yung kaibigan natin noon?" tumango ako bilang sagot sa kanya. "Siya na ang may-ari nito." aniya.




Nanlaki ang mga mata ko. Wow! Big time na pala si Rose ngayon. Ako, Chelsea at si Rose kaming tatlo kasi ang magkakasama simula noong High School hanggang College noon. Para na rin kaming magkakapatid. Bakit hindi ko naisip na sa kanya pala ito, Gomez pala ang apelyido nun!



"Eh, asan siya ngayon?" tanong ko na nagbabakasakaling makita ang aking kaibigan ko. Ano na kaya ang itsura nun? Negra kasi siya noon at mataba, baka ngayon gumanda na.



"Nasa Amerika may inaasikaso kasi 'yun pero uuwi siya sa sabado dahil nalaman niyang bumalik ka na!" magiliw na pahayag nito sinabayan pa niya ng palakpak.


Magsasalita sana ako ng bigla muling tumunog ang pintuan. Napatingin ako kay Chelsea na nanlaki ang mga matang nakatingin doon. Dahil na rin sa kuryusidad ay nilingon ko ito at halos matumba ako sa aking kinauupuan ng makita ko siya. Si Jeremy.



Si Jeremy na may kasamang babae habang magkahawak ang kanilang mga kamay.



Maslalo pa akong nagulat ng nagtama ang aming nga mata. Agad niyang nabitawan ang kamay ng kasintahan habang nanlaki ang mga matang nakatingin sa akin.



Parang isang milyong punyal ang sumalsak sa aking dibdib. Nasasaktan ako dahil may kasama siyang iba kahit matagal ng wala kami. Sana, sana puso ko na lang ang makalimot, sana.

***
Beware: madaming typos and grammars so paki intindihin na lang muna. I'll try to find a time to edit my stories 😂

City Of Lies [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon