Para akong nalagutan ng aking hininga sa kanyang sinabi. Hindi na kani nagtagal pa sa coffee shop na iyon at agad ng lumisan papunta sa Village namin kung saan nakatira rin si Cassandra.
Agad na pinark ni Chelsea ang sasakyan niya malapit sa tapat ng bahay nila. Bumungad sa amin ang napakaraming tao na nakikisawsaw sa nangyayari. Nakita rin namin ang bandiritas na nakapalibot sa bahay nila para walang magtangkang pumasok doon.
"Ang sabi nila nagpakamatay daw siya." bulong ng isang babae. Nilingon ko ito, may kasama rin siyang dalawang babae habang nakatingin sa bahay.
Nahati ang nga ap ng bigla nilang idaan ang bangkay ni Cassandra. Hindi ko nakikita kong ano ang nangyari sa kanyang bankay dahil nakatakip dito ang puting blanket pero namamantsahan ito ng dugo.
"Siya, siya iyong babaeng nabalitaan ko na nagpakulong noon sa mga magkakaibigan." bulong ng babae muli. Muli ko rin siyang nilingon at agad na nagtama ang aming nga mata. Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan. Hindi ko na lang ito pinansin.
"Siya rin ata ang may kagagawan kong bakit hindi na nagpapansinan ang mga magkakaibigan noon. Balita ko kaibigan rin siya ni Cassandra." litanya ng isa niyang kasamahan na totoo naman.
Totoong kaibigan ko si Cassandra, kasama ko noon sa party sina Cassandra, Chelsea, Rose at si Jamela na hindi ko alam kong nasaan na siya ngayon. Hindi ko rin naman natatanong kay Chelsea kung nasaang lupalop siya ng lugar.
"Pumasok muna tayo sa kotse. May pag-uusapan tayo." narinig kong bulong ni Chel. Agad naman aking sumunod sa kanya at pumasok doon.
Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng aking luha. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari. Kasalanan ko ang lahat! Kasalanan ko kung bakit naging ganito ang lahat!
"Tahan na. Wag monh sisihin ang sarili mo, Rox. Alam nating dalawa na hindi natin gusto ang nangyayari ngayon. Pareho tayong biktima sa walang hiyang D na iyan!" inis na pahayag niya habang mahigpit na nakahawak sa kanuang manubela. "Noon, noon ba may natatandaan ka ba na may kagalit ka o kaaway man lang?" tanong niya.
Napa-isip ako bigla. Noon pa mang andito kami wala naman akong kaaway. Sila Cassandra, Chel at iba ko pang kaibigan ay maganda ang pakikitungo nila sa akin maliban na lang kay Jamela na minsan hindi kami nagkakaintindihan dahil sa mga iba't-ibang bagay tulad ng kay Jeremy. Alam ko naman noon na mahal niya rin ito kaya lang nagalit siya sa akin dahil ako ang pinili ni Jem at doon na naging malayo ang pakiramdam namin sa isa't-isa.
"Si Jamela, alam kong nagagalit siya sa akin dahil alam mo naman diba na mahal niya si Jem noon pa." sabi ko. Tinitigan ko siya na parang nakakuha ng hints sa aking sinabi.
"Tama! Si Jamela! Bala siya ang nagpapadala ng mensahe at siya rin ang gumawa ng pagpatay. Matagal ko na rin hindi nakita ang babaeng 'yun na gumagala sa Village natin." aniya.
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Hindi kami pwedeng magbintang ng kung sino man dahil wala kaming matibay na ebidensya na siya talaga ang gumawa ng lahat ng ito.
"Ang babaw naman ata ng dahilan niya para gawin ang lahat ng ito, para pumatay. Kilala ko si Jamela alam kung kahit galit siya ay hindi niya magagawa iyon sa atin." sagot ko at hinilig ang aking likod sa upuan ng kanyang sasakyan.
"Love can change anything, Rox. Hindi mo alam kung ano ang epekto ng pag-ibig sa isang tao. It can lead you to commit a crime or any bad things." seryoso na pahayag niya habang nakatingin sa harapan kung nasaan ang bahay nila Cassandra.
Napapikit ako n mariin at napakagat ng aking labi. Sumasakit ang ulo ko dahil sa nangyayari ngayon. Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking kaisipan.
Paano kapag hindi kami bumalik dito, hindi ba mangyayari ito? Ano ba ang dahilan niya kung bakit niya ginagawa ito? Sino ba kasi talaga ang puno't dulo ng lahat ng mga ito?
Gusto kong makakuha ng sagot sa mga katanungan ko ngunit paano? Saan ako magsisimula. Napaisip ako ng malalim at may isang ideya ang pumasok sa aking kaisipan.
"Maybe the dead body of Cassandra can help us and lead to the person who behind all of this." seryoso at madiin na pahayag ko sa kanya.
"Baka nga. Maari nating tignan ang bangkay niya dahil hindi rin ako naniniwala sa mga sabi-sabi na nagbigti ito at nagpakamatay. I know Cassandra well, hinding-hindi niya tatapusin ang buhay niya na ganun-ganun lang" she said matter of fact.
I know Cassandra well to, she's strong woman with a kind heart. Kahit ganun ang ipinakita niya sa akin noon ay alam kong dahil sa puot at galit lamang.
"Sundan natin sila kung saan nila dadalhin ang bankay niya at doon na lang tayo mag-iisip ng plano kung paano natin maoobserbahan ang bankay nito." sabi ko sa kanya.
Tumango siya at agad na pinaandar ang kanyang sasakyan.
Kung sino man ang may kagagawan ng lahat ng ito ay aalamin namin. Simula't dulo ay ako na ang may kasalanan ng lahat ng ito at aalamin ko kung bakit niya ginagawa sa akin, sa amin ito. Ano ang kanyang dahilan at sino siya?
***
BINABASA MO ANG
City Of Lies [COMPLETED]
Mystery / ThrillerNagsimula ang lahat sa isang mensahe na galing sa nagngangalang "D". Hindi mawari ni Roxanne kung sino ito, kung sino ang taong nagpapadala sa kanya ng mga mensahe. Nakakaramdam na siya ng takot dahil halos lahat ng ginagawa ni Roxanne ay alam niya...