Inayos ko muna ang aking sarili bago ako bumaba ng hagdanan. Syempre, dapat kung ipakita na ayos na ayos ako at kayo ko kahit wala siya sa tabi ko.
Agad siyang tumayo ng makita ako na pababa ng hagdanan namin. Nakasuot lang ako ng pambahay na damit ngunit desente naman itong tignan.
Naglakad patungo sa kanyang harapan. Napatitig ito sa akin at agad na ngumiti. Napasulyap ako kay Kael na naglalaro pa rin sa telebisyon.
"Kumusta na?" tanong muki niya. Seriously? Paulit-ulit ang kanyang tanong. Napakamot siya sa kanyang batok at nahihiyang umupo sa aming sofa. "Hmmmm. Na-aalala mo na ba ang nangyari noon?" tanong niya.
Gustong tumaas ang kilay ko sa kanyang tanong. Paano niya nalaman na nawalan ako ng ala-ala eh wala ni Chelsea hindi nga niya alam na nawalan ako ng ala-ala.
"Ok lang ako. Oo naaalala ko na ang mga nangyari. Ba-bakit mo pala alam?" tinignan ko ang kanyang mukha. Ganun parin maamo. Napatingin muli ako kay Kael na prenteng naka-upo habang ang paa niya ay nakapatong sa maliit na mesa.
"Nasa hospital din ako nung nangyari ang aksidenteng iyon. Ako ang nagsugod sayo sa hospital matapos ng mga nangyari." paliwanag nito.
Muling sumagi sa isipan ko na siya ang huling nakita kung tao bago ako mawalan ng malay maliban sa nakabangga pa sa akin.
"Sa-salamat kung ganun. Alam kung hi-hindi iyon ang ipinunta mo dito? Ano 'yung sasabihin mo at pumunta ka pa dito sa mismong bahay?" tanong ko. Mahinahon lang ang aking katawan na parang hindi si Ex ang aking kausap.
"Ah oo muntik ko ng makalimutan. I want to give you this." aniya at inilabas ang hugis parihaba na tskolate. Kumunot ang noo ko.
"Ba-bakit?" tanong ko sa kanya.
Muling sumagi sa isipan ko ang mensahe kanina. Try to eat a pure chocolate. Napatingin ako kay Jeremy na muling may kinukuha sa kanyang bulsa.
"Binabalik ko na ito sa'yo." malumanay na saad niya.
Napatingin ako sa kanyang palad na inilalahad ang isang singsing na pilak. Nakahugis doon ang unang letra ng kanyang pangalan.
Hindi ko alam ngunit nangingilid na nanaman ang aking nga luha. Langya! Hindi ba sila nauubos! Unlimited lang ganun?!
Napangiti ako ng mapait. So this is the really end of our relationship. Kailangan ko na rin talagang tanggapin na hindi kami. Kailangan ko na rin na umaahon mula sa pagkakalugmog ko sa putik at baka kapag hindi ako makaahon ay lulubog at lulubog lang ako. Hindi ko rin naman siya masisisi, matagal akong nawala sa piling niya, hindi ko naibigay ang gusto niya kaya iyon nakahanap na siya ng iba.
Nanginginig ang kamay kung dinampot ang singsing ngunit hindi ko pinahalata sa kanya na nanginginig ito. Itiniklop ko ang palad ko kung nasaan ang singsing. Muli akong napatingin sa kanya.
"I-iyon lang ba ang pinunta mo?" tanong ko sa kanya.
Muli siyang ngumiti at tumango. Nilahad niya sa akin ang tsokolate kaya kinuha ko naman ito at nilagay sa may gilid ko.
"Sana kahit wala na tayo maging magkaibigan parin tayo. Sana maging 'ok rin ang relasyon natin sa isa't-isa." aniya.
Gusto ng tumulo ang mga luha ko pero ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya pata pigilan ang mga luhang gustong kumawala. Mga traydor talaga tangina!
"Yeah, maybe we can work with that kind of relationship. Friends." mapait na pahayag ko tyaka ngumiti ng hilaw sa kanya.
Nagpaalam siya na aalis na siya. Iginayak ko siya sa labasan at agad rin na pumasok sa bahay. Doon na nagsi-unahan ang pagbuhos ng akinv luha na kanina ko pa pinipigilan.
"O-ok lang yan, Ate. Makakalimutan mo rin siya." umupo si Kael sa aking tabi. Sinulyapan ko siya at ngumiti.
"Salamat, Kael." sagot ko at agad ng pinahid ang aking mga luha sa aking nga mata.
"Ate, may nakita pala akong susi sa kwarto ni Papa. Ito oh." pinakita niya sa akin ang maraming susi na iisa ang lalagyan.
Kinuha ko dito at tinignan. Kumunot ang noo ko habang nakatingin da mga susi. Saan naman kaya gagamitin ang mga napakaraming susi na ito.
Nilingon ko sa bintana kung nasaan ang garahe. Agad ko itong pinuntahan, sumunod sa akin si Kael.
Agad akong pumili ng susi at agad na itinatak sa kandadi nito. Nang hindi ito ang tamang susi ay agad muli akong pumili.
Tinignan ko ang marka ng kandado. Tinignan ko rin ang susi kung may ganun bang marka hanggang sa nahagip ng paningin ko ang marka na kapareho ng kandado. Agad ko itong tinarak sa kandado. Narinig ko ang pagtunog nito at agad na pinihit.
Nabuksan ang kandado kaya agad kung hinila pataas ang pintuan. Tinulungan naman ako ni Kael hanggang sa makita namin ang laman ng garahe.
Isang kotse. Ang kotse na ginamit ko bago ako mawalan ng mga ala-ala.
***
BINABASA MO ANG
City Of Lies [COMPLETED]
Misterio / SuspensoNagsimula ang lahat sa isang mensahe na galing sa nagngangalang "D". Hindi mawari ni Roxanne kung sino ito, kung sino ang taong nagpapadala sa kanya ng mga mensahe. Nakakaramdam na siya ng takot dahil halos lahat ng ginagawa ni Roxanne ay alam niya...