Old friend

282 11 0
                                    

Isinalampak ko ang headset na kulay itim sa aking ulo at pinindot ang play button ng music sa aking cellphone tiyaka nilagay ito sa aking bulsang likuran. Yumuko ako at sinintas ang aking mga sapatos.



Nakasuot ako ngayon ng kulay itim na jugging pants habang ang pang-itaas ko naman ay sports bra. Tatakbo ako para mag-ehirsisyo. Matagal na rin akong hindi nakakalibot ng isang lugar sa ganitong umaga.



Alas singko na ng y media at medyo madilim pa ang kapaligiran kaya napagpasyahan kung tumakbo na lang dito sa Village kesa naman magmukmok na lang habang nakatunganga sa dingding ng aking kwarto sa ganitong umaga.



Dinampot ko ang isang bote ng mineral water na nasa lamesa tyaka nagtungo sa pintuan at tinulak ito para makalabas.



Pagkalabas ko pa lang ng bahay ay bumungad na sa akin ang malamig na simoy ng hangin na humahampas sa aking balat. Halos mapayakap ako sa aking sarili at tumakbo na lang papunta sa kwarto ko at magkumot ngunit tinuloy ko na lang ang paglalakad papunta sa aming gate at binuksan ito.



Tinignan ko ang kabubuuan ng aming mga kapitbahay. May iilang mga bahay ang nakabukas na ng kanilang ilaw. Itinali ko ang buhok ko ag nagsimula ng tumakbo.



Tanging ang tugtog lang ng aking kanta na nagmumula sa aking headset ang aking naririnig habang patuloy parin sa pagtakbo. Namamawis na rin ang aking noo pati narin ang aking likod pero mabuti na lang at hindi ko nakaligtaan ang magdala ng isang hand towel para pamunas.



Pinunasan ko ang mga tumatagaktak na pawis sa aking noo tyaka umupo sa isang upuan malapit sa aking tinatakbuhan. Binuksan ko ang bote ng tubig tyaka ito nilagok hanggang sa kalahati na lang ito at tinanggal ang headset tyaka isinukbit sa leegan ko.



Sana dalawa na lang ang kinuha ko. Napailing na lang ako dahil alam kung mauubusan na ako ng tubig mamaya bago pa ako makadating sa bahay.



Naramdaman ko na may biglang umupo sa aking tabi kaya napatingin ako dito. Nakita ko ang isang babae na bagsak ang buhok, matangos ang ilong at mahahabng pilik mata. Naramdaman niya atang tinitignan ko siya kaya napalingon ito sa akin at nanlaki ang mga mata.



"Ro-roxanne?" tanong niya.



Naguluhan ako. Bakit niya alam ang aking pangalan? Bakit niya ako kilala? Ngayon ko lang siya nakita at posibleng nagkausap kami noon dahil wala naman akong natandaan. Sino ba siya?



"Ha? Kilala mo ako?" tanong ko habang nakaturo ang aking hintuturo sa akin.



Tumango siya at bakas sa kanyang mukha ang naguguluhan.



"Ikaw si Roxanne di-diba? Hindi mo ba ako naaalala?" tanong niya.



Umiling ako. "Ngayon lang kita nakita at naka-usap. Nagkita na ba tayo dati sa isang event o sa mga bars?" tanong ko at humigop muli ng tubig.



"Si-sigurado kang hindi mo ako kilala?" nauutal na tanong nito sa akin. Umiling muli ako bilang sagot. "Ako toh si Che-chelsea ang matalik mong kaibigan noon." paliwanag nito sa akin.



Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi dahil narin sa pagkalito dahil wala akong natatandaan na naging kaibigan ko siya.



"Baka nagkakamali ka lang Miss. Ako nga si Roxanne pero baka ibang Roxanne ang tinutukoy mo?" alanganing saad ko. "Dahil ngayon lang kasi kita nakita." dugtong ko.



Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanyang mga matang nagbabadyang tumulo ang iilang tubig ng luha na kanyang pinipigilan. Umiling siya at agad na pinalis ito gami ang kanyang kamay.



"Hi-hindi ikaw talaga ang tinutukoy ko. Look may pictures pa tayo dito." aniya at agad na dinampot ang kanyang cellphone at agad na kinalikot kung anuman ang nandun tyka niya pinakita ang mga litrato.



Nanlaki muli ang aking mga mata sa aking nakita. A-ako nga ang babaeng kasama niya habang siya ay naka-akbay sa akin habang may hawak kaming party cups na iniinom. Pero bakit ganun? Hindi ko siya maalala, hindi ko maalala na nagkakilala kami before?



"A-ako nga iyan. Pero pa-paano-" hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng biglang sumakit ang ulo ko.



Isang pangyayari ang aking naalala. Isang pangyayari na hindi ko naman mawari kung sino sila dahil malabo ito. Malabong-malabo.



"Look anjan na ang boyfriend mo." isang tinig ng babae ang aking narinig. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha. Hindi lang silang dalawa ang andun kundi marami sila.



Itinulak niya ang babae papunta sa isang lalaki na hindi ko maaninag kung ano ang mukha niya o kung sino siya. Agad namang niyakap ng lalaki ang babae pagkahawak pa lang ng kanyang kamay.



Halos mapatalon ako ng biglang may humawak sa aking balikat. Napatingin ako sa babaeng kausap ko.



"A-yos ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Tinanggal ko ang kamay kung nakahawak sa aking ulo at tumango sa kanya. "Hi-hindi mo ba ta-talaga ako naaalala? A-anong nangyari sayo no-noon bakit bigla ka na lang u-umalis?" sunod-sunod na tanong nito.



Napapikit ako at agarang tumayo. Hindi ko siya sinagot sa kanyang mga tanong dahil hindi ko alam ang aking isasagot. Wala akong maisasagot sa kanya dahil hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa buhay ko.



"I-i need to go." pahayag ko. Hindi ko na hinintay pa ang kanyang mga sasabihin at agad ng tumakbo pabalik sa aming bahay habang gulong-gulo ang aking kaisipan.

***

City Of Lies [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon