Hindi ko mapigilang tumulo ang aking mga luha habang naka-upo sa aming tapat ng pintuan habang nakatingin sa gate na bukas sa aming bahay.
Hindi ko pa rin matanggap na wala na ang pinakamamahal kung ama. Paano na lang kami nito? Dadalawa na lang kami ni Kael na nabubuhay para sa sarili namin.
"A-ate." narinig kong sabi ng aking kapatid. Hindi ko siya nilingon sapagka't naramdaman ko ang kanyang kamay na humahagod sa aking likuran. Maslalo akong napaluha.
Nasa kabaong na ngayon ang aking ama. Nasa sala ito pero hindi ko magawang matignan. Hindi ko kaya, hindi pa rin matanggap ng pagkatao ko na wala na ang isang pinakamamahal kung lalaki sa mundong ito.
"Ka-kael." iyak ko at hinawakan ang kanyang kamay. Agad niya akong dinaluhan at niyakap ng mahigpit. Umiyak kaming dalawa sa ganung posisyon.
"A-ano bang nangyari ate? Ma-may nakain ba siyang mali?" tanong biya at kumalas tyaka hinarap ako.
Umiling ako at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.
"Hindi. Pinatay siya. Pinatay siya ng isang demonyong tao." malamig na pahayag ko na kanya itong ikinagulat.
"Pa-paanong?" naguguluhang tanong niya.
"Hindi ko rin alam pero alam kung pinatay siya. May narinig akong nabasag na bagay sa itaas nung naghihingalo ang ating ama kaya agad akong umakyat. Nakita ko ang vase na maayos ko nilagay sa mesa na nabasag. Alam kung ginawa niya iyon para ipahiwatig na siya ang pumatay. Hindi ko siya kilala." diretsong saad ko.
Kumuyom ang kamao ng aking kapatid at agad na lumisan sa aking harapan. Agad naman akong napatayo ng nakita ko ang babae na si Chelsea papunta sa kinaroroonan namin. Nakaputi ito.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Nginitian niya ako pero bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. Naaawa siya sa akin.
"Nabalitaan ko ang nangyari. Nakikiramay ako." mahinhin na saad niya.
Hindi ako nakapagsalita. Tumango lang ako at agad niyang nilisan sa kinaroroonan niya at nagmartsa papunta sa kabaong. Dumungaw siya dito at hinawakan ang salamin. Muli niya akong sinulyapan at lumapit papalapit sa akin.
"Alam ko Rox na may pumatay sa iyong ama." nanlaki ang mga mata kung nakatingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
"Pa-paano mo nalaman?" kinakabahang tanong ko. Posible kayang may alam siya sa nangyayari?
"Nakatanggap ako ng mensahe sa isang numerong hindi ko kilala ang sabi nito ay kapag sasabihin ko daw ang totoo sayo ay papatayon niya ako." natatakot na litanya niya.
"Si-sino? May natatanggap rin akong mensahe galing sa hindi ko kilala at may letrang "D" ang huli niyang mga mensahe." mariin na pahayag ko.
"Ganun din ang natanggap ko. May letrang D ito at hindi ko matukoy kung sino siya. Gustuhin ko mang sabihin ang nangyari noon, noong dito pa kayo naninirahan ngunit kailangan kung itikom ang aking bibig para ilagtas ang aking sarili." mahabang litanya niya. Nangingilid ang mga luha nito. "Kailangan mong alamin ang nangyari noong andito ka pa, kailangan mong malaman gamit ang iyong sarili at ika'y aking tutulungan para malaman mo ang totoo." dugtong nito.
"Ta-talaga bang na-nanirahan kami dito?" tanong ko.
Tumango siya. "Oo dito ka lumaki kasama ang Papa mo." sinulyapan niya ang loob ng aming bahay. "Yan lang ang tangi kung pwedeng sabihin. Hindi ako pwedeng magsabi ng mga bagay na nangyari noon dahil ang gusto ng "D" na iyon ay ikaw ang makakadiskubre kung ano ang nangyari noon sayo." aniya.
BINABASA MO ANG
City Of Lies [COMPLETED]
Mistério / SuspenseNagsimula ang lahat sa isang mensahe na galing sa nagngangalang "D". Hindi mawari ni Roxanne kung sino ito, kung sino ang taong nagpapadala sa kanya ng mga mensahe. Nakakaramdam na siya ng takot dahil halos lahat ng ginagawa ni Roxanne ay alam niya...