Napatitig ako kay Rose na naglalakad patungo sa amin habang hila-hila niya ang kulay itim niyang maleta. Nakasumbrero ito ng kulay puti na may bulaklak. Nakasuot ng salamin habang kumakaway sa aming dalawa ni Chelsea.
Napahagikhik kami dahil sa inasta no Rose. Nakalapit siya sa amin at agad niyang tinanggal ang simbrero at shades niya. Ang laki ng pinagbao niya.
Ang mahaba niyang buhok noon na buhaghagin ay maikli na lang ngayon. Ang maitim niyang kutis ay pumutinna rin ng kaunti, ganun parin ang mukha niya ngunit maslalo siyang gumanda. Ang kurba ng katawan niya noon na coke in can ay naging coke in bottle na ngayon.
"Kumusta mga girls? Sorry at ngayon lang ako nakadating you know naman business-business diba." maarteng pahayag niya at sinulyapan ako. Nginitian niya ako at nakipagbeso. Ganun din ang ginawa niya kay Cassandra. "Nakabalik ka na pala?" manghang tanong niya. Iba ang pagkakatanong niya, parang nang-iinsulto.
Tipid akong ngumiti sa tanong niyang iyon. Tumango lang ako at hindi umimik. Ayaw kong magsalita baka may masabi pa siya sa akin.
"Where is Jamela? Para kompleto na tayo." ani Rose at iginala ang kanyang paningin sa buong lugar. "Ang init talaga dito sa Pinas." dugtong pa niya.
"May duty ata kaya hindi nakasama pero sinabihan naman namin na ngayon ang dating mo." sagot ni Chel sa kanya. Tumango-tangl siya at parang nag-iisip.
Kumunot ang noo ko. May kulay pulang ilaw na tumututok sa puting kasuotan ni Rose. Maliit na kulay pulang tuldok na gumagalaw, tinitigan ko ito kung ano.
Na laki ang aking mga mata ng mapagtantong ko kung ano ang pulang iyon. Laser! May laser!
Agad na nahanap ng aking mga mata ang isang nakakulay itim na kasuotan habang nakatakip ang kanyang bibig. Nanlaki ang aking mga mata ng bigla niyang kinalabit ang gatilyo ng baril na hawak niya.
"Rose!" sigaw ko pero huli na ang lahat. Parang kasing bilis ng kidlat na tumarak ang bala ng baril sa kanyang dibdib. Sapul na sapul ito kung nasaan ang tumitibok niyang puso.
Bago pa siya maglupasay sa sahig ay nasambot ko na ito. Napa-upo ako habang hawak-hawak ang kanyang katawan na nahihirapang huminga.
"Tumawag ka ng Ambulansya!" utos ko kay Chelsea. Agad siyang nagdial at tinapat ang cellphone sa kanyang taenga.
Pinagkaguluhan kami ng mga tao na andun. Dinumog kami at pinalibitan habang nakatingin sa katawan ni Rose na umaagos ng dugo. Nilapitan kami ng mga sekyu.
"Ro-roxanne, a-alam kung ma-mangyayari ito." nahihirapang pahayag niya sa akin. Hinaplos ko ang pisngi niya habang nakapatong ang ulo niya sa may binti ko.
"Sssshhhhh. Wag ka ng magsalita. Wag mong pahirapan ang sarili mo. Kailangan ka namin maisugod sa hospital." mahinahon na saad ko. Namgingilid ang mga luha ko dahil sa nangyayari.
"Na-nakatanggap a-ako ng me-mensahe." tuloy niya sa sinasabi nito. "Ga-galing kay D. Hi-hindi ko si-siya kilala." pagpapatuloy pa nito.
Hinaplos ko ang pisngi niya. Nabahidan ng dugo ang aking kamay dahil sa dugong umaagos sa kanyang dibdib at bibig.
"Tu-tumawag siya sa a-akin ha-habang na-nasa A-amerika ako." kahit nahihirapan na siya ay pilit niya paring sinasabi kung ano ang dapat niyang sabihin. "Hi-hindi ko ki-kilala ang bo-boses pero a-alam ko kung a-ano siya. I-isa si-siyang-" hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin ng bigla siyang umuno ng dugo. Napapikit ako ng mariin at hinawakan ang mukha nito.
"Wa-wag ka munang magsalita. Anjan na ang ambulansya malapit na sila." pahayag ko.
Tinitigan ko siya. Nakapikit ito. Nakapikit na ang kanyang mga mata. Nanginig ang buong sistema ko habang niyuyugyog siya.
"Ro-rose! Rose!" sigaw ko at niyugyog muli siya.
Narinig ko ang sirena ng ambulansya. Napatingin ako sa puting sasakyan nila habang tumatakbo na ang mga nakaputing tao papunta sa kinaroroonan namin.
Gusto ko silang murahin, bakit ganun?! Palagi silang nalalate sa pagdating, bakit lahat na lang ng mga importanteng tao sa akin nawawala? Sino nanaman ang susunod? Si Chelsea, Jamela o si Karl? Sino ka ba talaga?!
Umiyak lang ako ng umiyak dahil sa nangyari sa aming kaibigan. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Gusto kung malaman kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito at pagbayarin sa kanyang nga ginawa pero langhiya! Ang linis niyang gumawa ng isang krimen paano namin siya matutukoy kung sink talaga ito!
Tumunog ang cellphone ko. Tumambad ang numerong kanina ko pa hinihintay. Nanlilisik ang mga mata kung binubuksan ang aking cellphone.
From Unknown:
I will give you a hint kung sino ako. Try to eat a pure chocolate.Kumunit ang noo ko sa kanyang mensahe? Ano ang koneksyon ng purung tskolate sa kanyang pagkatao?
Agad akong nagtipa ng mensahe sa aking cellphone.
Fuck you!
Agad kung pinadala ito at agad na pinatay ang cellphone. Nagtungo ako sa kabinet ko at kinuha ang litrato namin ng aking Ama noong bata pa lamang ako. Kaning dalawa lang ang nasa litrato.
Napangiti ako ng palihim. Alam kung si mama ang kumuha noon ng litratong ito. My mom died when I was 13 years old because of a heart failure. That was my first heart break, labis kung dinamdam noon ang pagkawala niya, halos hindi ako maka-usap at makakaon dahil doon. Sino ba kasi ang hindi malulungkot kung ang nanay mo ay namatay diba?
Napatingin ako sa kumatok ng pintuan. Agad kung binalik ang litrato namin sa may kabinet ko at agad na sinara.
"A-ate, may naghahanap sayo sa baba. Jeremy daw." ani Kael sa labas.
Nagulat ako. Ako naman ang ginagawa ni Jeremy dito at kailangan pa niya akong puntahan sa mismong bahay namin? May importante ba siyang sasabihin?
At isa pa ng bumabagabag sa aking isipan. Sino ba si Kael? Bakit hindi ko siya maalala noong andito pa lamang kami.
***
BINABASA MO ANG
City Of Lies [COMPLETED]
Mystery / ThrillerNagsimula ang lahat sa isang mensahe na galing sa nagngangalang "D". Hindi mawari ni Roxanne kung sino ito, kung sino ang taong nagpapadala sa kanya ng mga mensahe. Nakakaramdam na siya ng takot dahil halos lahat ng ginagawa ni Roxanne ay alam niya...