Chapter 5

87 1 0
                                    

Joshua's POV

Gising na
Buksan ang iyong mga mata gising na
Halina at silipin ang pagdilat ng umaga
Tahimik at saksakan ng ganda...

*yaaawwwwwnnnnnn*

Umaga na... Umupo ako at sinipa paalis ung kumot... Ang tahimik talaga ng mundo pag umaga... Sarap umupo lang at makinig sa katahimikan...

"Good Morning!!!"

Ako: WAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!

Nahila kong bigla pabalik ung kumot sa mukha ko... Tumingin ako sa pinto... Nakatayo dun si Janessa...

Sheesh!

Janessa: Ano ka ba?! Parang nakakita ka ng multo ah
Ako: Ah, ibig sabihin tao ka?
Janessa: Haha, funny... Tumayo ka na nga dyan... Tagal-tagal mong matulog, nagutom tuloy ako... Nagluto na ko ng almusal...
Ako: (tumayo) Aba, feel at home ka ah...
Janessa: Bahket ayaw mo? Iuuwi ko un...
Ako: Neknek mo, grocery ko ginamit mo tapos iuuwi mo?!?
Janessa: (bulong) Pa-simple ka pa... Gusto mo rin naman...
Ako: Hoy hinde ah! Lumabas ka na nga! Maliligo pa ko! (ngiti) Oh baka naman, maninilip ka pa ha...
Janessa: Sipain kita dyan eh...

Hala, namula oh!

Lumabas na sya, tapos ako naman, kinolekta na ung bath towel ko para maligo... Dumiretso ako sa banyo, habang nakita ko si Janessa na nanonood ng TV... Feel at home talaga.. Haaaaayyyy...

Ilang minuto lang ako naligo, paglabas ko para kulitin si Janessa (bait ko noh? ), aba, nakaalis na kagad si Meatballs! Ang bilis! Sinilip ko kung ano ung niluto nya... Bacon and eggs? Hehe, akala ko naman Pansit Canton lang kayang lutuin nun... May nakita akong note sa may ref..

"Oist, panget! Kumain ka nga... Lalo kang nagmumukhang skeleton eh!^,^ See u sa school later!"

Skeleton!?!? Skeleton?!?! Ehtong gwapo kong toh?!?! Mukhang skeleton?!?! Batukan ko un eh!

Kinuha ko ung note para itapon sa basurahan... Tapos... suz... hayaan mo na nga lang sa ref... Para may evidence ako sa dahilan kong asarin sya... Umupo na ko para kumain... Minsan lang ako magkaron ng bacon and eggs for breakfast ha

GitaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon