Chapter 13

65 1 0
                                    

Joshua's POV

Nagpapaikot-ikot kami ni Janessa sa EDSA... La lang...trip ko lang magsayang ng gas... Hinde, la lang... yoko lang umuwi pa... Nagulo utak ko nung nakita ko ung three little pigs na un na ginugulo nanaman si Janessa eh -- tapos binabanggit pa ung pangalan ni Trixie...

Bakit ko nga ba biglang naisipang sabihin kay Nessy ung tungkol kay Trixie? *sipa sarili* Bigla-bigla ka kaseh kung magdesisyon eh!

Janessa: So...why did you hate her?

Oh well... sige na... Nasimulan mo na eh...

Ako: Kase...she betrayed me... She's a liar...
Janessa: Anoh ba?! Buuin mo na nga ung storya! Paputol-putol ka pa dyan eh...

Langyang demanding talaga nito! Ako na nga tohng nagkkwento eh...

Ako: Eh manahimik ka nga... Bumebwelo pa ko eh..!
Janessa: (bulong) Bwelo-bwelo pa...

It's taking all my strength para wag sakalin tohng babaeng toh! Grrrr!

Ako: Okay... Pero, ehto muna tatanong ko syo...
Janessa: Ano?
Ako: Gutom ka na? Kaseh, ako gutom na eh.
Janessa: (tinitigan ako) Magpapalibre ka ba?
Ako: (tingin sa side-mirror para kumaliwa) Nyeh! Ano ka ba naman?! Ako nga tohng lalake eh!
Janessa: Lokohin mo lelang mo...
Ako: Tungkol saan? Sa gender ko o dun sa pagpapalibre?
Janessa: Ano? Ehwan ko syo... bumili ka na nga lang ng kausap... (tumuro sa labas ng bintana) Dun tayo sa Jobee! Gusto ko ng palabok, fries, iced tea...
Ako: Whoa! (nag-turn para pumunta sa Jollibee) Mukha ba kong waiter?!
Janessa: (ngiti sa'kin) Medyo...

Nag-turn kami sa parking lot ng Jollibee... Pero bago lumabas si Janessa, tumingin muna sya sa'kin...

Janessa: Alam kong it's hard for you to tell this story about Trixie... I understand kahit papano...

Lumapit sya sa mukha ko... What the---?!?!

Janessa: Pero pag di mo kinuwento sa'kin yan, I swear, di kita papatahimikin!

Tapos nun, tinulak nya na ko palayo, tapos sya lumabas na...Whoa! Pinagpawisan yata ako dun ah!

Janessa: (silip sa bintana) Halika na, horsey! Gutom na ko!

GitaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon