Chapter 17

57 2 0
                                    

Janessa's POV

Lumipas ang linggo ng kundi man mabilis, eh di rin naman mabagal... Pero ahyun na nga, at Sabado na... Dumating sina mommy, daddy, ate, at kuya (oh di va, one big happy family kami! ) nung Thursday ng gabi, kasabay ung parents ni Kristine... Dito na natulog sina mom, and then sina tita, kumuha ng apartelle dun sa kabilang ibayo ng city... Syempre, dun natulog si Kristine...

11 AM, Saturday, all set na ko... all ready to go... Hinihintay ko lang ung bitbit ko -- si Joshua... Langya, ang tagal eh!

ding! dong!

After 10 years...

Tumakbo ako sa pinto at pinapasok si horsey...na looking oh-so-lala sa kanyang white shirt, faded jeans, at medyo magulo na hair... Okay... I know... Walang ka-charm-charm ang suot nya, eh gwapo sya eh, kaya pagbigyan nyo na ko..

Joshua: Bakit nakaputi ka rin?!

Napatingin ako sa damit ko -- white blouse, and black pants... Tapos tingin sa kanya...

Ako: Bahket? Inangkin mo na ba kulay white ngayon?
Joshua: (bulong) La naman akong ibang sinasabi ah... (tingin sya sa likod ko) Nasan parents mo?
Ako: (punta sa kwarto para kunin ung susi ng apartment at kotse) Wala na... Nauna na sila para tumulong sa pagkain... Kasama na nila sina ate at kuya...

Sumunod sa'kin palabas si Joshua

Joshua: May kapatid ka?
Ako: (ni-lock ung door) Yup, si ate, si kuya, at si--

Ako: ..at ako...

At ako lang...

Ako: Halika na...

Hinila ko si Joshua paputa sa parking lot kung san naka-park ung kotse ko..

Joshua: Wait lang! Alam mo ba kung san un?
Ako: Hinde.
Joshua: Anoh!??!? Eh pano tayo pupunta dun?!?

Nilabas ko ung binigay ni Kristine na bond paper sa'kin... Ang kanyang proudly-made na mapa papunta dun sa rented na villa...

Ako: (inabot kay Joshua ung papel) Kaya nga tayo aalis ng maaga eh... Para kung mawala man tayo, may oras pa para maghanap...
Joshua: Anoh?!?

Tinulak ko sya papasok sa kotse, tapos ikot para pumunta sa driver's seat...

Joshua: (bulong) I can't believe na sa dinami-dami ng away at gulo na napasok ko, matatapos lang pala ang buhay ko dahil maliligaw kami, mawawalan ng pagkain, tubig, damit! Tapos pati hangin!

Anoh ba toh? High ba toh?

Ako: Exagge ka naman, horsey... Di tayo mawawala noh... Ako pa!

GitaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon