Kabanata 1

4.4K 105 40
                                    

[UNDER REVISION AND MAJOR EDITING]






"Mahal na Prinsesa ang inyong pagkain ay nakahanda na" Ani ng isang tagasilbi. Tumango lamang ako at pinagpatuloy ang pagsuklay sa aking buhok.

Tinapos ko na ang pagsusuklay at lumabas na ng silid,nang marating ko ang unang palapag nadatnan ko si ama na kumakain na.

"Maupo ka na Amanda" utos sa akin ni ama at sinunod ko naman.

Lumapit ang mga tagasilbi at hinainan ako ng mga pagkain.

"Patay na raw si Donya Juana" napatatigil ako sa sinabi ni Ama na agad ko naman ikinataw.

"Hahaha nararapat lamang sakanya iyon" masayang ani ko at kumain na.

"Sabihin mo nga Amanda may kinalaman ka ba sa pagkamatay ni Juana!?" pigil na galit na sambit ni Ama na nagpahinto sa akin.

"Wala akong kinalaman sa pagkamatay niya." matigas kong ani at uminom ng tubig.

"Kung ganon, ikaw ba ang pumatay sa kaniya?" mahinahong tanong ni ama na nagpa ngiti sa akin.

"Paano kung, sabihin kong ako nga?" nakangiti kong sagot sa tanong ni Ama. Kitang kita ang galit at gulat sa mga mata nito.

"Bakit mo kailangang gawin ito!?" marahas na binagsak ni ama ang kanyang kamay sa lamesa dahilan upang mabuhos ang tubig sa ibabaw nito.

"Bakit?! dahil ilang buwan na ang lumipas ng pumanaw si ina ngunit wala parin kayong ginagawa paraan upang patayin si Donya Juana! Nainip na ako at ako na mismo ang pumatay sa kaniya" Paliwanag ko kay ama habang nagpipigil ng emosyon.

"Amanda hindi ka pinalaki na ganiyan ng iyong Ina!" sigaw sa akin ni Ama na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Hindi ako pinalaking ganito ni Ina ngunit ganito ko na gustong mamuhay." Matigas kong sambit kay Ama at tumayo na.

"Paumanhin Ama ngunit wala na akong ganang kumain pa." Magalng kong sambit at umalis na ng kainan.

Dumiretso ako sa aking silid upang magpalit ng damit dahil nais kong lumabas at bisitahin kung ano na ang lagay ng mga mamamayan.

Kinuha ko na rin ang tinta, pangsulat at ang ilang papel sapagkat mas gusto kong magsulat sa kagubatan. Itinago ko rin ang patalim sa bulsa ng aking damit at nagsimula ng maglakad palabas ng mansyon.

Sumalubong sa akin ang mga bangkay ng mga mamamayan na isinasakay sa kalesa at itatapon na sa labas ng bayang ito. Nanlambot ang mga tuhod ko ng masilayan na may ilang mga bata ang kasama sa mga napaslang.

Napaka walang puso ng mga Hellio!

Hindi pa ba sila titigil sa pagpatay ng mga mamamayan!? Isa-isahin ko kayong mga walang puso!

Ang Hellio ay grupo ng mga tao na nagtaksil sa Heneral, pumapatay sila ng mga mamamayan at pinapalabas na ang Heneral ang nagpapatay rito. Tila nagrerebelde at gusto pabagsakin ang lupon ni Ama, Layunin nilang lalong magalit ang mga mamayan sa Heneral at maagaw nila ang kapangyarihan at kayamanan ng Heneral, na kahit kailan ay hindi ko papayagang mangyari.

"Malalim ata ang iniisip nyo mahal na prinsesa" sambit ni Carmen na nasa tabi ko. Si Carmen ay isa sa mga tinuturing kong kaibigan dahil mula bata palang kami ay kasama ko na siya.

"Lalong Lumalim ang galit ko sa mga Hellio na gusto ko na silang patayin" Mariin kong sambit kay Carmen.

"Mamayang gabi may pagtitipon ang mga Hellio sa kagubatan, puntahan mo sila kamahalan" sambit sa akin ni Carmen na agad ko namang kinalingon at ipinagtakha.

"Paano mo nalaman ang bagay na iyan?" tanong ko na ikinagulat naman niya.

"Ahh narinig ko sa usap usap ng tao sa paligid kamahalan" pagpapaliwanag niya at bahagyang tumungo.

"Kung ganon,susubukan ko" sambit ko sa kanya at hinarap sya.

"Mag iingat ka Prinsesa" ani niya at umalis na.

Naagaw ng atensyon ko ang mga nagkukumpulang tao malapit sa labasan ng Bayang ito at pumunta roon.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa isa sa mga tao roon.

"May bagong pumasok sa loob ng bayan prinsesa" Sagot naman naman nito at nakipagsiksikan muli.

Sino naman kaya ang bagong pasok sa bayang ito? ang lakas ng loob niyang pumunta rito, kung ganon wala na siyang mahahanap na paraan upang makalabas rito.

Pumunta na ako sa paborito kong lugar sa kagubatan kung saan tahimik at mapayapa ang paligid at doon nagsimulang magsulat.

'Ang tahimik na bayan,

Puno nang Patayan'

'Walang daan palabas,

Kundi Dahas'

'Wag mag tiwala,

Tao'y Mapangahas'

Pumikit ako at nilanghap ang sariwang hangin ng kagubatan inisip ko na rin ang planong pagsalakay sa mga Hellio.

























______

A/N: Maligayang pagbati mula sa akin mga Binibini at mga Ginoo, kinagagalak ko ang interes niyong basahin ang aking nobela. Ipinapaalala ko na ang anumang tao, lugar, pangyayari at eksena ay pawang kathang isip lamang na dulot ng aking mapaglarong imahinasyon.

Ang pawang mga lugar na mababanggit ay hindi parte ng anumang lugar dito sa pilipinas.

Nawa'y masiyahan kayo sa pagbabasa ng aking nobelang isinulat para sa inyo, huwag kalimutang i-vote o mag komento ukol sa bawat kabanata ng storyang ito.

Muli ako'y nagagalak at nagpapasalamat sa inyong lahat.

Date started: April 20,2017
Date finished:

Add Me On Facebook:
Senyorita Maria Writes
Twitter: @ssenyorita

Love Lots!

-Binibining Maria♚

⚠️⚠️⚠️

PS: THIS WILL BE UNDER EDITING AND REVISION! I'LL UPDATE THIS AGAIN AFTER EDITING ALL CHAPTERS.

Prinsesa Victoria #Wattys2017WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon