Maghapong Maingay ang salas sa Mansyong ito dahil sa anim na lalaking narito,hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Luna.Na Maari ngang Myembro sila ng Hellio At mali ako ng pagkakatiwalaan.
"Aakyat na ako sa aking silid maiwan ko na kayo" sambit ko at diretsong naglakad patungo sa aking kwarto.
Palubog na ang araw ng tumanaw ako sa aking bintana.Kakaiba ang kulay ng kalangitan,Tila kulay kahel ito.
Umupo ako sa aking tukador at tinignan ang aking sarili.Ngayon palang ay kailangan ko ng umisip ng mainam na plano para sa darating na pagsalakay ng mga Hellio.Ngunit bago iyon kailangan ko munang alamin kung sino ang Espiyang nakakalabas masok sa Mansyong ito.
Inilugay ko ang aking mahabang buhok, Halos kalahati na ng buhok ko ang nagkukulay ginto. Naisipan kong huwag na itong pakulayan pang muli ng itim.
Lumabas ako ng aking silid at dumiretso patungo sa Ika-limang palapag, madalas akong magtungo roon kapag gusto kong makapag isip isip.
Marahan akong Naglakad patungo sa malaking larawan ng kaisa-isa kong Ina.Nakakamangha talaga ang pagkakapinta ng larawan ng aking Ina,kuhang kuha nito ang mukha ni Ina at ang bawat angulo nito.
Sunod na larawan naman ay ang Larawan ni Ama.Tila ba bumalik sa akin ang pagnanais na mapaslang ang pinuno ng Helio.
"Pinapangako ko sayo Ama, Hindi ko hahayaang mapasakamay ng Sakim na tao ang Bayang Ito"
Puno ng galit na sambit ko sa aking sarili, Tinungo ko naman ang pinaka malaking larawan sa buong palapag.
Ang Larawan naming buong pamilya.Noong Ikapitong kaarawan ko,Masayang masaya pa kami ng mga araw na ito.Walang kaguluhan,Walang patayan.Tila ba ang sarap balikan ng mga panahong iyon na tahimik at mapayapa pa ang Bayan.
"Napakaganda mo talaga binibini kahit noong ikay bata pa lamang" Napapitlag ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa aking tabi.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na bawal pumunta rito ang kahit sinong walang pahintulot?" untag ko rito at sinamaan ng tingin.
Hindi ko alam kung bakit malakas ang loob nyang suwayin ako, dahil bang alam nyang pinagkakatiwalaan ko sya?
"Anong ginagawa mo rito Victoria?" Tanong nito sa tanong ko.
"Hindi ba't ako ang dapat na nagtatanong niyan sayo Timothy?" Diretso kong sagot rito at tinaasan sya ng kilay.
Napangiwi na lamang ako ng Ngumiti lamang sya at nilagpasan ako.
"Hindi ko alam na may ganito pala sa Mansyon nyo,kamangha mangha ang bawat larawan" Ani nito at kinilatis ang bawat larawan.
"Timothy hindi kaba hinahanap nila Marco? Hindi ba sila nakakahalatang parati kang nawawala?" Diretsong kong tanong rito.
"Hindi naman" Maikli nitong sagot at hinarap ako.
"Bukas ng gabi Saktong Alas dose,
kakalat ang mga Hellio sa Buong Bayan Maghanda ka..." Bulong nya na Tila ba nagsitaasan ang balahibo ko sa buong katawan.
"Saan mo naman nalaman ang tungkol sa bagay na iyan?" Agad ko namang tanong rito.
"Basta Hindi mo na kailangan pang alamin" Puno ng kahulugan nitong sagot na nagpakunot sa aking noo.
"Anong ibig mong sabihin?" Tila ba naguguluhan kong tanong rito.
"Basta Magtiwala ka sa akin,Hindi ka mapapahamak..." Sambit nito at kinuha ang aking kamay.
"Tara na Lumalim na ang gabi" Ani nito at hinala na ako pababa sa aking silid.
Nang makarating ako sa aking silid ay hindi maalis sa aking isipan ang mga katagang sinabi ni timothy,alam kong hindi ko na dapat pang iyon isipin dahil sabi nya ay magtiwala ako sakanya,
ngunit pakiramdam ko ay tila may mali.At gusto kong malaman ang bagay na iyon.
Tinanaw ko ang Labas ng aking bintana at nasilayan ang tahimik na bayan.Tanging ang bilog na buwan na lamang ang nagbibigay ilaw sa buong kapaligiran.
Agad namang nanlaki ang mga mata ko ng makitang may tumakbong nakamaskara na kulay pula na paliko kung saan matatagpuan ang kagubatan.
Hindi ako maaring magkamali,Isa iyong Maskara na gamit ng grupo ng Hellio.
Walang alinlangan kong kinuha ang patalim sa aking Tukador at nagmadaling tumakbo palabas ng Mansyon.
Kailangan kong Mahuli ang Taong iyon, sa ganung paraan maari ko syang takutin at mapaamin kung sino ang pinuno nila.
Nang makalabas ako ng mansyon, agad akong nagtungo kung saan namataan kong lumiko ang taong iyon.
Nanlaki ang mga mata ko ng Makita si Marco Roon.
"Marco?" Hingal na Hingal kong sambit mula sa likod nya.
"V-Victoria? A-Anong Ginagawa mo rito?"
Tila ba nagulantang sya ng makita nya ako.
Kumunot naman agad ang noo ko at pinagmasdan syang mabuti.Nakakapagtaka bakit tila gulat na gulat syang makita ako? At bakit galing sya sa kagubatan? May inililihim ba ang lalaking ito?
"Alam ba ng mga kaibigan mo ang tungkol rito?" Malamig kong tanong.
"Hindi na nila kailangan pang malaman"
sagot naman nito.
"Saan ka galing?Bakit tila Balisa ka?" Takhang tanong ko rito at maiging nilapitan sya.
"May pinuntahan lang ako" maikli nitong sagot.
"Saan?" muli kong tanong rito.
"Bakit ba ang dami mong tanong?"
Nanlaki ang mga mata ko ng Hilahin nya ako at kinulong sa matitigas nyang bisig.
"Interesado ka ba sa akin?" Tanong nito habang may nakakalokong ngiti sakanyang mga labi.
Pinilit kong makaalis mula sa pagkakakulong ko sa kanyang mga bisig ngunit nabigo ako dahil malakas sya.
Muling nanalaki ang mga mata ko ng Unti unting lumapit ang mukha nya sa akin.
"Hoy Ano ba! Pakawalan mo nga ako!" sigaw rito ngunit parang wala syang narinig.
Halos maramdaman ko na ang kanyang hininga sa sobra nyang lapit.
"Ililigtas kita,magtiwala ka sakin"
Bulong nito na nagpatayo ng balahibo ko sa buong katawan.
"Sa ngayon kailangan mo muna itikom ang bibig mo, Tara na" Sambit nya at hinili ako patungo sa Mansyon.
Hindi ko alam kung dapat nga rin ba ako magtiwala sayo Marco, Tila ba may pag aalinlangan sa akin kung dapat ba talaga kitang pagkatiwalaan.Ngunit sanay mali ako ng Hinala.
BINABASA MO ANG
Prinsesa Victoria #Wattys2017Winner
Misteri / ThrillerWATTYS 2017 PANALO Under Tap Awards [UNDER MAJOR REVISION AND EDITING] Unang panahon 1932 kung saan ang malulupit na mananakop ang naghahari sa pilipinas. Si Heneral Jaime Armando Luther ang kilala at isa sa pinaka makapangyarihang heneral sa Pilipi...