Kabanata 4

778 48 24
                                    

Hinanda ko na ang mga kagamitan ko mamaya sa pagsalakay sa mga Hellio wala akong kasiguraduhan kong mananatili ba akong buhay pagkatapos nito ngunit ang mahalaga sa akin ay mapatay ko ang pinuno nila.

Tinanaw ko ang Labas ng mansyon at naaninag na lumalim na ang gabi,habang lumalim ang gabi parami ng parami na naman ang mamamayang namamatay at yun ang gusto kong mapigilan.

Kinuha ko na ang patalim sa Tukador at isinilid sa aking itim na kasuotan pinili ko nalamang na ilugay ang aking mahabanbuhok.

Konting oras nalamang ang aking hinihintay, pagpatak ng Alas dose ng hating gabi ay tsaka ako sasalakay sa pagpupulong nila.

Muli akong bumaba sa mahabang pasilyo ng mansyon at ng makalabas ako ng mansyon ay tila ba may kakaiba akong nararamdaman.

Parang lalong tumahimik ang buong bayan? Marahan akong naglakad patungo sa kagubatan dahil kapag tahimik mas lalong mapanganib ang bayang ito dahil maraming Hellio ang nakapaligid.

Isinuot ko na ang aking maskara ng ako'y makarating sa bungad ng kagubatan, pinagmasdan ko muna ng maigi ang kagubatan bago pumasok marahil ay baka may patibong silang inilagay rito o baka may Helliong nagbabantay.

Nang wala akong mapansing kakaiba ay nilusob ko na ang kagubatan.

Sumimoy ang malakas na hangin na nagpatindig sa aking balahibo, habang palalim ng palalim ang nararating ko sa kagubatan ay lalong palamig ng palamig din ang simoy ng hangin na dumadapo sa aking balat.

Huminto ako at ipinikit ang aking mga mata, pinapakiramdaman ko ang paligid dahil maaring narito lamang sila at nag iintay ng pagkakataong patayin ako.

Marahas kong minulat ang mata ko at agad kong hinugot ang aking patalim ng may umambang nakapulang maskara sa akin, walang alinlangan ko itong ibinaon sa leeg niya at sinipa siya palayo.

Hindi na ako nagulat ng may iilan pang nakamaskara ang lumabas kung saan at inatake ako.

Tumindig ang balahibo ko ng ngitian ako ng isa sa mga nakapulang maskara agad ko naman syang sinaksak sa dibdib at marahas itong inikot na nagpasigaw sakanya.

Inilabas ko pa ang isa kong patalim at agad itong hinagis sa ulo ng pa ambang Hellio agad naman syang natumba at namatay.

Mabilis kong hinugot ang patalim sa ulo nya at ibinaon sa tiyan ng isa pang pa ambang kalaban, sinaksak ko rin ang isang patalim sa leeg nya punong puno na ng dugo ang aking mga kamay ngunit hindi ko ito pinansin dahil sa pa ambang kalaban.

Nang mapatay ko silang lahat ay agad naman akong nagbuntong hininga.

"Hindi sana ito mangyayari sa inyo kung hindi nyo sinamuway si Ama" sambit ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Maya maya pa ay nasilayan ko na ang mga Hellio na nagpupulong, lahat sila ay nakapulang maskara at hindi ko inaasahang madami sila.

Agad naman akong nagtago sa isang malaking puno.

"Ngayong ikalawa, ang heneral ay luluwas sapagkat may aasikasuhin ito sa ibang bayan, doon natin gaganapin ang pagsalakay sa kanilang Mansyon" Ng marinig ko ang sinabi ng kanilang pinuno ay awtomatikong kumulo ang dugo ko dahil sa galit, tila ngayon pa lang ay gustong gusto ko ng gilitan ang leeg ng kanilang pinuno at pugutin ang ulo nito at ibalandra sa Mansyon ng bahay.

Sigurado akong may isang taksil sa mga Opisyales ni Ama sa Mansyon kaya nila nalalaman ang mga bagay na ganito. Pag nalaman ko kung sino ang walang hiyang iyon ay hindi ako magdadalawang isip na ibaon ang patalim ko sa kanyang leeg.

Agad kong inilabas ang aking patalim ng maramdaman akong kaluskos.

"Anong ginagawa mo rito!? Hindi mo ba alam na maari kang mapahamak sa ginagawa mo!?" marahas kong itinutok ang patalim sa kanyang leeg ng mapagtantuan kong isa ito sa mga baguhan sa bayang ito.

"Ano naman sa iyo kung mapahamak ako!?" untag naman niya at agad kong iniwas ang patalim sa kanyang leeg.

"Ano bang pakay mo rito?" diretso kong tanong sakanya.

"Gusto ko lang sanang alamin kung sino ang pumaslang sa mga mahal ko sa buhay" matigas nyang ani.

"Kung ganoon, marahil ay mas maganda kung nanghingi ka nalamang ng tulong o kaya'y kumalap ng impormasyon sapagkat mapanganib sa bayang ito tuwing gabi at baguhan ka lamang dito" dire-diretso kong sagot sa kanya.

"Hindi ko kailangan ng tulong ng iba gusto ko ako mismo ang papaslang sa pumatay sa kanila." puno ng galit nyang tugon.

"Isa ka lamang hamak na baguhan rito, baka ikaw pa ang mamatay sa ginagawa mo." ambang tatalikod na ako ng bigla syang sumigaw.

"Sabihin mo ano pa ba ang dapat kong malaman sa bayang ito!?" agad ko namang tinakpan ang bibig niya dahil baka may nakarinig sa kaniyang sigaw.

"May tao ba riyan?" narinig kong sambit ng isa sa mga Hellio.

Sinamaan ko nalamang siya ng tingin habang hawak ang patalim ko sa kaliwang kamay.

Nararamdaman kong unti-unting lumalapit ang taong iyon sa kinaroroonan namin.

Marahas na lamang akong pumikit at ipinalangin na sanay hindi kami rito makita.

"May tao nga! Mga kasama may tao rito!" Marahas kong hinila ang lalaking ito ngunit nakita kong marami silang humahabol sa amin.

"Takbo! Tumakbo ka na!" sigaw ko sa lalaking ito habang sinasaksak ang isang Hellio na naka abot sa amin.

Agad naman niya akong hinila patakbo kasama siya.

"Diba sabi ko tumakbo ka na!?" sigaw ko sakaniya habang kami'y tumatakbo.

"Nababaliw ka na ba!? Anong akala mo?kaya mo silang lahat napakadami nila!" sambit nito ng matanaw ko ang bungad ng kagubatan.

Agad ko naman siyang hinila sa ibang direksyon kung saan patungo sa Mansyon ni Donya Juana. Naalala kong may mas mabilis na daan patungo roon.

"Saan tayo pupunta!? hindi ko nalamang pinansin ang pa ulit ulit na tanong ng lalaking ito at inalalang mabuti ang daan patungo roon.

Nang makarating kami sa likuran ng Mansyon ay agad kong binuksan ang pintuan ng bodega at laking pasalamat ko nalamang ng mapagtantuang bukas pa rin ito.

Agad kong inalis ang maskara ko dahil sa pawis na pawis kong mukha at huminga ng malalim.

"Ikaw na hamak ka kasalanan mo ang lahat ng ito!" puno ng galit kong sambit habang dinuduro siya gamit ang puno ng dugong patalim ko.

"Dahil sayo hindi natuloy ang plano kong pagsalakay sa mga Hellio! Dahil sayo maaring mag iba ang plano na natukoy ko!Magbabayad ka sa ginawa mo!" Sambit ko at marahas na tinutok sa kaniyang leeg ang patalim ko.

"Sige patayin mo ako! Yun naman talaga ang gusto mo diba!? Ang pumatay!?" sigaw nya na nagpatigil sa akin.

"Wala kang alam kaya mag ingat ka sa mga sinasabi mo." Puno ng galit kong sagot sakanya.

"Bakit parang ang dali dali lang sayo ang pumatay ha? Prinsesa!?" tanong niya pa.

"Kung hindi ka papatay, hindi ka mabubuhay sa lugar na ito kaya kung maari huwang ka ng magpapakita sa akin." huling sambit ko sakaniya at umalis na.










Baguhan,Wala kang alam sa bayang ito.
























A/N: Hello Readers! As of now natutuwa talaga ako kasi hind ko alam kung paano to naging Rank#271 in Mystery/Thriller xD

Pero salamat!

-Binibining Maria

Prinsesa Victoria #Wattys2017WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon