Tila hindi maalis sa isipan ko ang pangyayaring iyon,Kanina pa ako nakatulala at nakatingin sa kahon na iyon.Pilit bumabagabag sa aking isipan kung sino ang taong gumawa nito,At bakit niya ginagawa ito..
Nabalik naman ako sa aking katinuan ng biglang may kumatok sa pintuan.
"Prinsesa? Si Timothy ito" Wika pa ng nasa labas at agad itong nagbukas,agad namang nagtama ang mga mata namin at diretso siyang nagtungo sa akin.
"Ibinalita ni Gabriel ang nangyari kanina,Pasenya na kung wala ako sa mga oras na iyon.Paumanhin Mahal kong binibini" Sambit nito at kitang kita sa kanyang mga mata ang kalungkutan.
Bahagya naman akong napangiti at tinapik ang balikat niya.
"Huwag kang mag alala roon,maayos naman ako kaya't huwag ka ng malungkot" Wika ko rito at bahagyang ngumiti.
"Huwag kang mag alala Prinsesa ipinapangako ko babawi ako sayo at may ibibigay nga pala ako sayo" Tila nabuhayan ito ng loob at may kinuha sa kaniyang bulsa.
Kinuha niya ang kamay ko at inilahad rito ang isang puting panali ng buhok na may magandang disenyo na bulaklak..
Puti.. Paboritong kulay ko ito noon ngunit hindi na ngayon..
"Nagustuhan mo ba Binibini? Gusto ko sanang makitang suot mo iyan sa mga lilipas na araw" Ani nito at ngumiti.
Tumango na lamamg ako ngumiti rin rito.
"Magpahinga ka na Prinsesa alam kong may malalim kang iniisip,Muli Magandang Gabi Prinsesa" Wika nito at yumuko sabay umalis ng aking silid...
Ibinalik ko ang tingin ko sa panaling puti na nasa palad ko,Huminga ako ng malalim at tumayo tsaka isinilid ito sa tukador ko.
Nadaanan ko naman ng tingin ang kahon,agad ko naman itong kinuha at inilagay sa gilid kung saan naroon din yung unang kahon na natagpuan ko rin sa labas ng aking silid...
Sumilip ako sa aking bintana at napansing unti unti ng lumalalim ang gabi,Bigla kong naalala ang plano namin ni Gabriel ngayon.Ilang oras nalamang ang hihintayin ko upang maisagawa iyon.
Kinuha ko na ang aking patalim at isinuksok ng maigi sa mahaba kong saya at naghanda na.
Ilang oras pa ang aking hinintay at ilang sandali na lamang at muli akong tumungin sa Bintana.Napatingala ako at napansing bahagyang natatakluban ng maiitim na ulap ang buwan kaya't madilim ang labas.
Nagtungo ako sa pintuan ng aking silid at marahang binuksan ang pintuan,Agad namang nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig ng makitang pababa na ng hagdanan si Timothy at may dala itong bayong,makikitang mga sundang at patalim ang laman nito..
Agad kong sinara ang pintuan at napasandal,Anong---Saan pupunta si timothy? Bakit may dala siyang mga sundang? at saan niya ito gagamitin?
Sunod sunod na tanong sa isipan ko,naguguluhan ako..
BINABASA MO ANG
Prinsesa Victoria #Wattys2017Winner
Mystery / ThrillerWATTYS 2017 PANALO Under Tap Awards [UNDER MAJOR REVISION AND EDITING] Unang panahon 1932 kung saan ang malulupit na mananakop ang naghahari sa pilipinas. Si Heneral Jaime Armando Luther ang kilala at isa sa pinaka makapangyarihang heneral sa Pilipi...