Samantala...Ang isang grupo ng kalalakihan ang bagong pasok lamang sa Bayan ng San Lucia.
"Marco totoo nga ang sabi ng mga tao sa ating bayan na maganda nga sa bayan ng San Lucia" masayang ani ng pinaka bata sa grupo nilang si Lucas Angelo Villaflor.
"Lucas kung maari hinaan mo ang bosses mo sapagkat pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito" suway naman ng Pinaka tahimik sa kanilang grupo na si Gabriel Ruis Flores .
"Louie saan ba rito ang bahay nila Tiya Juana? ang tagal ng byahe natin gusto ko na magpahinga" reklamo naman ng pinakamayaman sa grupo nilang si Timothy Leonardo Buencamino.
"Mamaya kausap pa ni Marco ang mayordoma ng Mansyon nila Tiya" Inis na sambit naman ng pinaka tuso sa grupo nilang si Louie Villaflor.
"Mga kasama ikinalulungkot ko ngunit patay na daw si Tiya Juana" malungkot na saad ng pinuno ng grupo nilang si Marco Luis Montemayor.
"Ano!? Sino daw ang pumatay sa kaniya!?" tanong ni Lucas.
"Hindi daw alam kung sino ngunit ang hinala daw ay ang Prinsesa ng bayang ito" sagot naman ni Marco.
"Matindi raw ang galit ng Prinsesa kay Tiya sapagkat si Tiya ang pangunahing pinaghihinalaang pumatay sa Ina nito" dagdag pa ni Marco.
"Hindi maari! Hindi magagawa iyon ni Tiya Juana!" Pag angal ni Timothy.
"Alam ko ngunit wala na tayong magagawa" mahinahong sambit ni Marco.
"Napakasama ng pumaslang kay Tiya!" galit na tugon ni Lucas.
Bigla namang napatigil at napalingon ang lahat sa pag daan ng isang babae.
"Anong ginagawa niyo rito? Kayo ba ang bagong Pasok sa bayang ito? Maghanda kayo sapagkat wala ng daan palabas sa lugar na ito kundi kamatayan" malamig na tugon ng isang Binibini na nag bigay takot sa mga lalake.
"Sino ang babaeng iyon?" takhang tanong ni Marco.
BINABASA MO ANG
Prinsesa Victoria #Wattys2017Winner
Mystery / ThrillerWATTYS 2017 PANALO Under Tap Awards [UNDER MAJOR REVISION AND EDITING] Unang panahon 1932 kung saan ang malulupit na mananakop ang naghahari sa pilipinas. Si Heneral Jaime Armando Luther ang kilala at isa sa pinaka makapangyarihang heneral sa Pilipi...