Dire-diretso akong naglakad patungo sa aking silid rinig ko ang tawag nila sa akin ngunit okupado ang aking isipan sa nangyari kanina. Sumilip ako at nakita ang dalawang Guwardiya Sibil na nagbabantay sa pintuan ko."Papuntahin nyo rito si Carmelina at Luna" matamang sabi ko at agad naman silang umalis.
Naupo ako sa aking kama at napabuntong hininga,lalo lamang lumalala ang mga nangyayari dahil sa pagpasok nila rito. Pilit silang madadamay sapagkat pilit silang lumalapit sa akin.
Ama,Kailangan na kita rito..
Mariin akong napapikit at napatitig sa larawan naming tatlo na nakadikit sa gilid ng aking kama. Ina gabayan nyo si Ama huwag nyo siyang pababayaan,Tulungan nyo akong maging mapayapa muli ang bayang ito.
Napadilat ako ng marinig ang katok sa pintuan,maaring sila na iyon kaya binuksan ko ito.
"Prinsesa nabalitaan namin ang nangyari ayos ka lamang ba?" Bungad ni Carmelina ng makapasok sa aking silid.
"Sinasabi ko na nga ba't hindi maganda ang idudulot ng mga lalaking iyan sa iyo!" Nag ngingitngit nitong ani.
"Ang ipinagtatakha ko lamang ay bakit hindi ako ang puntirya ng Hamak na Hellio na iyon?" Malamig kong wika at pagbabalewala sa kanilang mga sinabi.
"Anong ibig mong sabihing hindi ikaw!?" Tanong ni Luna.
"Hindi ako ang puntirya ng Hamak na iyon sapagkat hindi sa akin nakatutok ang palaso kundi sa kanila,ngunit sino sakanila?" Matamang paliwanag ko at hinarap sila.
Iniisip ko na marahil isa sa kanila ay maraming nalalaman at balak nilang patayin sapagkat baka magsalita ito at magsumbong sa akin,ngunit sino sakanila?
Natahimik lamang silang dalawa at nagbuntong hininga.
"Mamayang hating gabi,maghanda kayo kikilos tayo." Matigas kong wika at tumayo na.
Nagtinginan lamang sila at tumango ilang sandali pa'y lumabas na sila.
Nagtungo ako sa kwarto ni Gabriel dala ang itim na kwaderno gaya ng aming napag usapang plano siya ang kakalap ng impormasyon sa buong bayan kung sino sino ang posibilidad na mga myembro ng Hellio at aming itong ipapasubaybay.
At ako ang kikilos tuwing gabi na kakalap ng impormasyon at mag iimbestiga sa Hellio ng sagayon kapag may sapat na kaming kaalaman ukol sa kanila ay mapagtibay ang laban sakanila.Walang anuma'y pumasok ako sa silid nya at nakitang nakatulala ito sa kawalan,agad itong napatayo at lumapit sa akin. Inabot ko ang itim na kwaderno at nabigla ako ng bigla nya akong hilahin sa pulsuhan at niyakap.
"Ayos ka lang ba?" Napakurap ako ng magsalita sya sa gitna ng aming pagkakayakap.
"O-Oo" sagot ko.
Kumalas siya sa pagkakayap at hinawakan ang magkabila kong braso
"Nagbago na ang aking isipan ako na ang kililos ngayong gabi-----"
"Hindi ba't napag usapan na natin ito Gabriel?" Mataman kong pagputol sakanyang sasabihin.
"Ngunit delikado iyon! Wala ako upang protektahan ka--"
"Kaya kong protektahan ang aking sarili Gabriel huwag kang mag alala" muli kong pagputol sakaniyang sinasabi.
Nagbuntong hininga siya bilang pagsuko.
"Gabriel? Halina at kakain na" parehas kaming napalingon sa pintuan ng may kumatok.
Nagkatinginan kami ni Gabriel at naglakad na patungo sa pintuan.
BINABASA MO ANG
Prinsesa Victoria #Wattys2017Winner
Mystery / ThrillerWATTYS 2017 PANALO Under Tap Awards [UNDER MAJOR REVISION AND EDITING] Unang panahon 1932 kung saan ang malulupit na mananakop ang naghahari sa pilipinas. Si Heneral Jaime Armando Luther ang kilala at isa sa pinaka makapangyarihang heneral sa Pilipi...