Kabanata 3

1.1K 63 26
                                    

"Isa sa pinaka malaking mansyon sa bayang ito ang mansyon ni Tiya kaya madali itong mahahanap" sambit ni Gabriel sa kanyang mga kasamahan ng makarating sila sa tarangkahan ng mansyon.

"Kamangha mangha ang laki at gara nitong mansyon nila Tiya!" masayang tugon ni Lucas sa mga kasamahan nya.

"Sa wakas matapos ang mahabang byahe at paglalakad makakapagpahinga narin tayo" puno ng reklamong sambit ni Timothy.

"Puro ka reklamo andito na nga tayo manahimik ka na nga" Inis na tugon naman ni Louie Kay Timothy.

"Halina na nga kayo at magsipasok na ng magkapag pahinga na tayo,marami pa tayong kailangang alamin sa bayang ito" puno ng awtoridad na sambit ni Marco sa kanyang mga kasamahan at pumasok na.

"Magandang Umaga mga senyorito,sumunod kayo sa akin at ituturo ko ang inyong mga silid" masayang bati ng mayordoma ng Mansyon at umakyat sila sa Ikalawang palapag.

"Itong unang silid sa kaliwa ang iyong kwarto Senyorito Gabriel"
sambit ni Odessa ang Mayordoma ng Mansyon ng makarating sila sa ikalawang palapag.

Tumango lamang si Gabriel at ipinasok na ng mga katulong ang kaniyang mga gamit.

"Lucas itong katabing silid naman ang sa iyo at Louie ang unang silid naman sa kanan ang ang iyo" Ani ni Odessa na ikina tango ng dalawa.

"Marco ang pangalawang silid sa Kanan at Timothy ang ikatlong silid sa Kaliwa" masayang ani pa ng Mayordoma.

"Ikinagagalak ko ang inyong pagdating sayang nga lang at Wala na si Donya Juana ng kayo'y makarating" puno ng panghihinayang na tugon ng Mayordoma at Umalis na.

"Haaaay Sa wakas makakapag pahinga na rin!" masayang tugon ni Timothy habang pinagmamasdan ang mga pinta sa Dingding.

"Nakakamangha ang Disenyo ng Mansyong ito" sambit pa ni Gabriel na tila may laman ang sinasabi nito.

"Parang nakakatakot naman dito kakaiba ang pakiramdam ko" tugon naman ni lucas na nasa isang tabi lamang.

"Magpahinga na muna tayo mamaya nalamang natin libutin ang mansyong ito" Ani ni Marco na ikinatango ng lahat.

"Nasaan si Louie?" takhang tanong ni timothy sa mga kasama.

Inilibot ng apat na lalaki ang kanilang tingin upang hagilapin si Louie ngunit bigo sila sapagkat hindi nila ito nakita.

"BAAAAAAAAAAAAG!!!" isang malakas na tunog na ikinalingon ng lahat,

"Napansin kong kakaiba ang Silid na ito sapagkat malaki ang Pintuan kaya naisip kong tignan ang nasa loob,ito pala ang dating silid ni Auntie" iniluwa nito si Louie na pilit ang ngiti.

"Louie sa susunod magpaalam ka,pinagalala mo kami" tugon ni timothy kay Louie na tila hindi mapakali.

"Oo nga kinabahan ako sa iyo" dagdag pa ni Lucas.

"Tama na iyan magpahinga na muna tayo" Utos ni Marco at Isa isa na silang nagsipasok sa kanilang mga silid.

Ngunit bago pumasok sa kanyang silid ang hindi mapakaling si Louie ay may isang tanong ang kanina pang bumabagabag sa kaniya.

"Sino Si Amanda?"
takhang tanong ni Louie habang hawak ang panyong puno ng dugo na may naka burdang pangalan.







~•~•~•~•~

"Marco Nagugutom na ako bumaba na tayo!" bungad ni Lucas ng makapasok ito sa silid ni Marco.

"Lucas sa susunod kumatok ka kapag papasok ka sa silid ko" inis na tugon naman ni Marco.

Prinsesa Victoria #Wattys2017WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon