"Halika kayo at ipapasyal ko kayo sa Mansyon" wala akong magagawa kundi pakisamahan sila,mag-iingat nalamang ako marahil ay baka isa sila sa mga myembro ng Hellio hindi na ako magtataka kung myembro nga sila dahil ang Auntie nila ay myembro rin nito.
"Anlaki ng Mansyon dito kamangha-mangha rin ang mga disenyo-----
"Lucas bawal ang maingay rito pinapatay ko" Malamig kong tugon at nilingon sya,napangiti nalang ako ng Tinakpan nya ang bibig nya Hahaha nakakatuwa talaga ang batang ito napakadaling matakot.
"Pasensya ka na jan Prinsesa Maingay talaga yan---
"Parang hindi sya! mas Maingay ka nga sakin!" sigaw naman ni Lucas na nagpatawa sa iba pa nyang kasamahan.
Hindi ko nalamang sila pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad.
"Maaring dito sa ikalawang palapag ang inyong magiging silid" sambit ko sakanila ng makarating kami sa ikalawang palapag.
"Bakit dito rin ba sa palapag na ito ang silid mo?" tanong ni Timothy.
"Hindi sa ikatlong palapag"
"Kung ganoon ay doon nalang din sa palapag na iyon ang silid namin" napataas ang kilay ko sa sinabi ni Timothy ngunit ngumiti lamang siya.
"Pinaka maganda at magara ang disenyo ng Mansyon ng Heneral sa lahat ng Mansyong nakita ko" sambit ni Gabriel habang pinagmamasdan ang buong paligid.
Ang mansyong ito ay pina disenyo ni ama sa mga kastila kaya naman masasabi kong maganda nga ang mansyon ni Ama, May anim na kwarto sa palapag na ito at may salas rin, maraming malalaki at mamahalin na pinta ang nakasabit sa dingding gawa rin sa marmol at metal ang mga kagamitan rito.
"Prinsesa Victoria Maari mo ba kaming kwentuhan tungkol sa Bayang ito?" bahagya ako napatigil sa tanong ni Louie.
"Ganoon ba sige" marahan kong sagot at nagpatuloy sa paglalakad.
"Santa Estella hindi ba't napaka gandang pangalan ng bayan? Dati Napakataimtim,masaya at maginhawa ang bayang ito.
Napakadaming dayuhan ang nagbabakasyon at karamihan sa kanila'y ginusto na rin rito manirahan.Sagana ang bayang ito sa kabuhayan lahat ng mamayan rito ay masaya ngunit sa isang iglap ay biglang nagbago ang lahat"~•~•~
Nagulat ako ng makita kung ang kalungkutan sa mga mata ng prinsesa habang kinikwento ang nangyari sa bayang ito.
"May mga dayuhang dito nanirahan na naging sakim at gahaman sa kayamanan at kapangyarihan ng Heneral at tinangka nila itong agawin.Sabagay sino ba naman ang hindi maghahangad maging pinuno ng bayang ito? madaming maaring pagkabuhayan,at madaming nakatago na mga ginto rito kaya ganun nalamang ang pagnanais ng mga dayuhang iyon.At ang tanging paraan para mapabagsak nila ang Heneral ay paslangin ang Nag iisang anak na kahinaan nito, Ang Prinsesa"
G-Ganoon Ba? Kaya ganoon na lamang ba ang galit ng prinsesa dahil sa akala nya lahat ng tao ay gahaman at gusto syang patayin!?
"Isang gabi sumalakay ang grupo ng mga dayuhan sa mansyong ito at balak nilang patayin ang Anak ng Heneral ngunit hindi lamang pala ako ang kanilang pakay pati rin ang aking Ina,Nakalaban ako ngunit nasawi ang aking Ina.Dahil doon nagalit ang Heneral pinatay lahat ng pabayang kawal at ipinasara ang bayang ito dahil gustong matuto ng Heneral ang mamamayang ito dahil sa kanilang kasakiman.Dahil sa pagsara lumaganap ang patayan ang maraming mamayan ang nagalit at sumapi sa grupo ng dayuhang iyon at tinawag silang Hellio" nagulat ako ng matalim akong tinagnan ni Victoria marahil ay galit na galit pa rin sya sa akin dahil sa nangyari.
Ngayon alam ko na kung bakit ganun nalamang ang pagnanais nyang mapaslang ang mga kasapi ng grupong iyon,dahil sila ang may kagagawan ng lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Prinsesa Victoria #Wattys2017Winner
Mystery / ThrillerWATTYS 2017 PANALO Under Tap Awards [UNDER MAJOR REVISION AND EDITING] Unang panahon 1932 kung saan ang malulupit na mananakop ang naghahari sa pilipinas. Si Heneral Jaime Armando Luther ang kilala at isa sa pinaka makapangyarihang heneral sa Pilipi...