A/N: Congratulations for winning #Wattys2017! Sorry guys for not updating too long,unluckily nasira yung phone ko.. T^T
__________
"Anong nangyari? Anong lagay ng Prinsesa?" Nagising ako sa mga bosses na narinig ko sa paligid.
"Sabi ng mangagamot ay marahil nahilo daw ang binibini sapagkat di raw ito maayos na kumakain" Nanatili akong nakapikit at pinapakinggan ang mga sinasabi nila.
"Timothy saan ka ba nanggaling? Kay daming nangyari sa mansiong ito at hindi ka mahagilap" Tinig ni Marco.
"Mayroon lamang akong inasikaso saglit" Tugon nito.
"Inasikaso? Bakit parang pagod na pagod ka? Pawisan kang maigi" Ani pa ni Gabriel.
Unti unti kong minulat ang aking mga mata at agad kong nasalubong ang tingin ni Timothy na animo'y alalang-alala sa akin.
"Prinsesa? Maayos lang ba ang lagay mo?" Agad itong nagtungo sakin at nilapitan ako.
"Ayos lang ako,Saan ka nanggaling?" Malamig kong tugon rito.
"May inasikaso lang ako saglit" Tugon nito at agad na nag iwas ng tingin.
"Inasikaso? Ano naman iyon?" Sambit ko at tinignan sila Gabriel na animo'y hinihintay rin ang sagot ni Timothy.
"Ahh--- Isang bagay--Importante na hindi pa maaring malaman sa ngayon" Malumanay nitong sagot.
Hindi nalamang pa ako umimik at hinanap ko sa silid si Marco,at nakitang nakasandal ito sa may pintuan.
Nagtama ang aming mga tingin at ilang segundo kaming nagkatinginan.
"Marco" Tawag ko sakaniya at marahas syang umayos sa pagkakatayo nya at naglakad patungo sa akin.
"Ano iyon Prinsesa?" Sagot nito habang tagos kung makatingin ito sa akin.
"Ahh---A-Anong balita sa hamak na pinapahanap ko?" Sagot ko at agad na nag-iwas ng tingin.
"Pinaghahanap na ng mga Guardia Civil iyon Prinsesa,huwag kang mag-alala tutulong kami nila Gabriel sa pagtugis sa hamak na iyon" Ani ni Marco na nagpatango sa akin.
"Maari nyo ba muna akong iwan sa aking silid?" Wika ko sa mga kalalakihan na nasa loob ng aking silid.
Tumango naman sila at isa isang nagsilabasan sa aking silid.
Saan nga ba talaga galing sa Timothy?
Ayokong maghinala sakanya ngunit kahina-hinala na ang kaniyang mga kinikilos.Si Timothy ang pinaka pinagkakatiwalaan ko kaya ayoko syang paghinalaan ngunit hindi ko maiwasan...
Madaming tanong ang bumabagabag sa aking isipan ngayon,may kinalaman kaya si Timothy sa pangyayari kanina?
Kailan kong malaman ang katotohanan.
Marahan akong bumangon sa pagkakahiga ko at tinanggal ang mga dahon na nakadikit sa noo ko.
Datirati ang kilos ni Marco ang kahina-hinala ngunit ngayon ay si Timothy na. Naglakad ako sa pasilyo ng Mansion at natigilan ng magtama ang tingin namin ni Timothy.
Hindi ko alam ang aking gagawin,gusto kong magtanong sakaniya.Madami akong gustong itanong ngunit tila nabato ako sa aking kinatatayuan at naubos ang aking bosses.
May kung anong kirot sa puso ko na hindi ko maipaliwanag habang diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata.
"Prinsesa? May problema ba?" Nabalik ako sa sarili ko ng magsalita si Timothy.
"H-ha ano bang pinagkaka abalahan mo? Bakit lagi ka nalang nawawala?" Ani ko rito.
"Alam kong may nabubuong pagduda sa iyo Binibini,ngunit ito lamang ang masasabi ko sa iyo....
Ginagawa ko ito para protektahan ka mahal na Prinsesa..."
Sambit nya at naglakad palayo.Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman nagugulahan na ako,hindi ko na alam kung sino ba ang kakampi o tunay na kaaway..
Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon, kailangan ko ng kumilos para malaman ko ang totoo.. kung sino nga ba ang tunay na traydor...
Naglakad ako patungo sa silid ni Gabriel,pagpasok ko ay nadatnan ko siyang nakaupo sa kanyang kama at nagbabasa ng libro.
Agad naman syang napalingon ng makita ako.
"Anong kailangan mo binibini? Maayos na ba ang iyong pakiramdam? Dapat ay nagpapaghinga ka muna----
"Maayos na ako Gabriel salamat sa pag-aalala.Nagpunta ako dito sapagkat may importante akong sasabihin sa iyo" Pagputol ko sakaniyang sinasabi.
"Ituloy na natin ang planong pagtugis sa Traydor.." Matigas kong sambit.
------------
A/N: Hi guys! Next chapters will be more action scenes! ^___^
VOTE AND COMMENT YOUR THOUGHTS ABOUT THIS STORY.
Your votes will be much appreciated :)
BINABASA MO ANG
Prinsesa Victoria #Wattys2017Winner
Mystery / ThrillerWATTYS 2017 PANALO Under Tap Awards [UNDER MAJOR REVISION AND EDITING] Unang panahon 1932 kung saan ang malulupit na mananakop ang naghahari sa pilipinas. Si Heneral Jaime Armando Luther ang kilala at isa sa pinaka makapangyarihang heneral sa Pilipi...