Maaga akong nagising at naglakad lakad upang bisitahin kung ano na ang nangyayari sa mga Mamamayan.
Kitang kita ng aking dalawang mata ang Padami ng padaming napapaslang na mga mamayan,Parami ng parami ang mga taong nasasawi at nadadamay na wala namang kinalaman sa gulong ito.
Marahas kong ipinikit ang mga mata ko dahil tila unti unting dinudurog ang puso ko sa aking nasaksihan ngayon,Kailangan ko ng kumilos at magmadaling gumawa ng hakbang upang masugpo ang pagpatay na ito,Kailangan ko nang mahanap ang pinuno nila.. ..
"Kailangan mo nang gumawa ng paraan dahil madami na ang namamatay" Marahas kong naimulat ang mata ko at nilingon ang lalaking nagsalita.
"Hindi mo na kailangan sabihin, sapagkat gagawin ko naman iyon" Diretsong sagot ko kay Marco.
"Ngunit parang hindi ko nakikitang ginagawa mo iyon" Makahulugan naman nitong sagot sa akin.
"Makikita mo,Unti Unti kong magagawa iyon" Matigas kong ani at diretso syang tinignan sakanyang mga mata at umalis na.
Bumalik na ako sa Loob ng Mansyon upang hanapin si Gabriel,sapagkat sya lamang ngayon ang maari kong kakamapi sa pagtukoy sa Traydor na Nasa loob lamang ng mansyon.
"Prinsesa" Napalingon naman ako ng marinig ang tinig na iyon.
"Timothy" Ani ko at nginitian siya.
"Maaga ka yata ngayon nagising" Tugon nito at nilapitan ako.
"Sinilip ko lamang ang kaganapan sa Labas" Sagot ko rito.
"Ganoon ba sige mauna na muna ako sa iyo Prinsesa" Sambit nito at hinawakan ang mga kamay ko bago siya umalis.
Napangiti na lamang ako at pinagpatuloy ang paglalakad.
Pumanhik ako sa Ikatlong palapag sapagkat baka naroon siya sakanyang silid.
Binuksan ko ang pinto ng kanyang silid at nanlaki ang mga mata ko ng makitang siya'y nagbibihis ng kanyang pang itaas kaya't agad ko itong isinara muli.
Napatakip nalamang ako ng aking bibig,Ano ba ang pumasok sa aking isipan at bigla ko itong binuksan? Hindi ko manlamang ito kinatok.
Napalingon ako ng biglang Magbukas ang Pinto at iniluwa na nito sa Gabriel.
"Hindi Ka Kumatok" Maikli nitong Ani.
"Pasensya na Hinahanap kasi kita" Sagot ko naman rito.
"Anong Pakay mo?" Diretsong tanong nito sa akin.
Lumingon muna ako kaliwa't kanan at tska sya muling hinarap.
"Nais ko sanang makipag usap sayo tungkol sa paghahanap sa Traydor sa mansyong ito" Sagot ko naman.
"Pasok ka" Sambit nito at nilakihan ang bukas ng Pinto.
Pumasok ako rito at iginala ang paningin sa buong silid,Malinis ito at mapapansin mong Maraming libro ang nakasalansan sa kanyang lalagyanan.
"Anong Nais mong Sabihin?" Agad naman akong napalingon ng Magsalita siya.
"Gusto ko lamang itanong kung makikipagtulungan ba ako sa iyo ay matutugis natin ang hamak na traydor na iyon?" Diretso kong Tanong rito.
"Hindi ko masisigurado ngunit,Gagawin ko ang makakaya ko matulungan ka lamang" Sagot nito at sumandal sa May bintana.
"Kung ganoon kailangan natin bumuo ng hakbang upang matugis kung sino iyon" Sagot ko rito.
"Maupo ka muna Prinsesa" Ani nito at itinuro ang direksyon ng kanyang kama.
"Magbigay ka ng Opinyon mo kung paano natin matutugis ang Hamak na traydor na iyon" Sambit ko at umupo sa kanyang kama.
BINABASA MO ANG
Prinsesa Victoria #Wattys2017Winner
Mystery / ThrillerWATTYS 2017 PANALO Under Tap Awards [UNDER MAJOR REVISION AND EDITING] Unang panahon 1932 kung saan ang malulupit na mananakop ang naghahari sa pilipinas. Si Heneral Jaime Armando Luther ang kilala at isa sa pinaka makapangyarihang heneral sa Pilipi...