Saglit lamang akong nanatili sa aking silid at maya maya ay bumaba narin.
"Victoria" Napaitlag na lamang ako ng may isang malamig na bosses ang tumawag sa pangalan ko.
"L-Louie?" Takhang tawag ko sakanya ng ako'y lumingon.
"Nabalitaan ko ang papalapit na pagsalakay rito ng Hellio,Mukhang wala kang pinaplano tama ba ako?" Makahulugang tanong nito sa akin.
Bahagyang napataas ang kilay ko,Minsan napapaisip ako kung saan nila nakukuha ang impormasyon na iyon dahil sila Carmen lamang ang nakakaalam ng bagay na iyon.
"Anong pakealam mo kung wala pa akong pinaplano?" Diretsong sagot ko rito.
"Gusto lamang kitang bigyan ng babala----" Huminto ito sakanya pagsasalita at lumingon kaliwa't kanan.
"Hindi lahat ng kaibigan ay kaibigan,Mag ingat ka sa pagkakatiwalaan mo dahil maaring siya ang sumaksak sa iyo" Bulong nito na nagpatigil sa akin at tila nagpatayo ng aking balahibo.
Ilang minuto akong natigilan sa aking kinatatayuan at hindi ko na namalayan ang pag alis ni Louie.
Habang lumilipas ang panahon,Lalong nagiging mysteryoso ang grupo ni Marco.
"Prinsesa!!" Nabalik ako sa aking sarili ng marinig ang tinig ni Ariella.
"Oh Masaya ako at madalas na ang pagdalaw mo rito" Bungad ko rito ng makalapit siya.
"Syempre nais kong lagi kitang makikita!" Malambing nitong sagot at niyakap ako.
Napangiti nalamang ako at ginantihan ang yakap nya.Hangga't maari gusto kong protektahan si Ariella mula sa mga hamak na iyon,Ayokong madamay siya sa kaguluhang ito.
"Nandito si Marco?" Agad namang kumunot ang noo ko sa tanong niyang yoon.
"Bakit hinahanap mo sya?" Tanong ko rito at kumalas sa pagkakayakap sakanya.
"Wala natutuwa akong kasama si Marco napakabait nyang tao" Sambit nito at ngumiti.
Talaga lang ha? Mabait siyang tao?
"Mabait? Mag-iingat ka sa lalaking iyon Ariella" Ma awtoridad kong tugon rito.
"Oo sa tingin ko'y Mabait syang tao Prinsesa" Sagot naman niya.
"Prinsesa Kumain ka na ba?" Sambit ni Rey pagkapasok sa Salas.
"Hindi Pa,Ikaw Ba Ariella?" Sambit ko.
"Kakain ko lang Prinsesa sige kumain ka muna Punta lang ako sa hardin" Masayang ani nito at nagpaalam.
"Halika Prinsesa Ika'y aking pagsisilbihan" Sambit nito na ikina kunot ng aking noo.
"May ibang ibig sabihin ka ba sa sinabi mo Rey?" Takhang tanong ko Rito.
Mahina siyang tumawa at nilapitan ako.
"Nasa sa iyo na yun Prinsesa kung bibigyan mo ng kahulugan,ngunit handa kong gawin kung ano man iyong nasa isip mo" Ani nito at matamis akong nginitian.
Napatawa ako saglit sa katagang sinabi niya.
"Napaka mabiruin mo talaga Rey,Hala sige ako'y Pagsilbihan mo" Sambit ko at naglakad na patungong Kainan.
Nang umupo ako ay agad naman niya akong hinandaan ng Pingan at hinainan ng Mga Pagkain.
"Sa Susunod sabi ko sa inyong tagaluto ay ako naman ang magluluto" Tugon nito.
"Marunong kang magluto?" Tanong ko rito at kumain na.
"Madami akong putahe na kayang lutuin,Prinsesa" Mayabang na agot nito na ikinatango ko.
BINABASA MO ANG
Prinsesa Victoria #Wattys2017Winner
Bí ẩn / Giật gânWATTYS 2017 PANALO Under Tap Awards [UNDER MAJOR REVISION AND EDITING] Unang panahon 1932 kung saan ang malulupit na mananakop ang naghahari sa pilipinas. Si Heneral Jaime Armando Luther ang kilala at isa sa pinaka makapangyarihang heneral sa Pilipi...