"Sigurado ka ba diyan Ginoo?" Mapang asar kong tanong rito habang hinihiling na sana tumila na ang ulan nang makaalis na ako sa kubong ito kasama ang Lalaking ito.
"Wala kang ibang magagawa Binibini napakalakas ng ulan na halos wala kang makita,Isa pa mukhang wala itong balak tumigil" Wika pa nito at ngumiti sa akin.
Marahas akong pumikit upang humupa ang inis ko sapagkat baka masaksak ko ang lalaking ito kapag hindi ako nakapag pigil.
"Maari mo bang itikom ang iyong bibig Ginoo kung wala kang sasabihing kaaya aya" Malamig kong ani rito at tumalikod sakanya,ilang saglit pa'y namayani ang katahimikan sa silid at tanging malakas na patak ng ulan na lamang ang maririnig.
"Binibini kanina ka pa riyan naka tayo,Umupo ka muna rito" Wika nito.
Tinapunan ko lamang ng tingin ang isang malawak na kama na gawa sa kahoy kung saan din siya naka upo.Umupo ako sa kabilang dulo malayo sakanya at muling tumingin sa kawalan.
"Ano bang ginagawa mo rito Binibini bakit nandito ka delikado rito" Ani pa nito.
"Kaya ko ang sarili ko Ginoo,Isa pa hindi ba't ako ang nagtatanong sa iyo nyan?" Makahulugan kong sagot rito.
"Binibini alam kong pinaghihinalaan niyo ako,Na maaring isa ako sa mga hamak na traydor ngunit hindi ba't sinabi ko sa inyo na po-protektahan kita" Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang tumalon ang puso ko sa huling katagang kaniyang sinabi.
"Hindi ko magagawang tumaliwas sa inyo sapagkat konting panahon palang na pamamalagi namin rito nakita ko na ang tunay na ikaw,Kung gaano ka katigas sa panlabas ay ganoon ka kalambot sa inyong kalooban kaya't nais ko kayong protektahan sapagkat alam kong ako lang ang nakaka intindi sa inyo" Dagdag pa nito at nag iwas ako ng tingin.
"Ano ba ang iyong mga sinasabi------
Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan niya ang kamay ko."Huwag kang magtago sa iyong maskara kapag kasama ako" Malumanay nitong wika na tila nagpagaan sa damdamin ko.
"Tuwing gabi kaya madalas ako umaalis sa mansion ay dahil gusto kong malaman kung sino ang pumatay sa aking Ina at nakababatang kapatid" Puno ng galit nitong wika.
"Gusto ko na ako mismo ang maka alam kung sino ang hamak na pumaslang sakanila" Ani pa nito at marahas na pumikit.
"Huwag kang mag alala parehas lamang tayo ng layunin" Dahan dahan kong inangat ang aking kamay at tinapik ang kaniyang balikat upang kahit papaano'y mabawasan ang kaniyang nararamdaman.
"Maaari ba akong humiling Mahal na Prinsesa?" Muling tumalon ang aking puso ng magtama ang aming mga mata.
"A-Ano iyon?" Nauutal kong sagot.
"Maari bang manatili ka sa tabi ko at huwag lumisan?" Pagsusumamo nito at tila nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.
"Mananatili ako kung mananatili ka" Sagot ko at ngumiti.
~•~
Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa akin,naalimpungatan ako at nilingon si Marco sa di kalayuan at nakitang mahimbing parin itong natutulog.
Dahan dahan akong tumayo at naglakad patungo sakanya.
Hindi ko inaasahan na ang mayabang na lalaking ito'y may malambot rin palang puso,Bahagya akong napangiti habang nakatitig sakanyang maamong mukha.
BINABASA MO ANG
Prinsesa Victoria #Wattys2017Winner
Mystery / ThrillerWATTYS 2017 PANALO Under Tap Awards [UNDER MAJOR REVISION AND EDITING] Unang panahon 1932 kung saan ang malulupit na mananakop ang naghahari sa pilipinas. Si Heneral Jaime Armando Luther ang kilala at isa sa pinaka makapangyarihang heneral sa Pilipi...