Dwayne's PoV
Lunch break na kaya pumunta ako sa laging pinupuntahan nila Vanessa.
Pagdating ko sa usual table nila sa cafe wala si Afraire at Vanessa.
Tumingin sa akin sila Maggy."Oh nagbabalik si Dwayne."Sabi ni Andrea at inakbayan ako.
"Umupo ka kaya Dwayne libre lang."Sabi ni kylie umupo ako sa upuan na katabi nya.
"Di pumasok si Vanessa.
Tumawag na rin kami sa bahay nila,sabi ng maid nya nasa bahay daw siya ni Afraire."Sabi naman ni Maggy habang nakatingin sa phone nya."Edi pumunta tayo sa bahay ni Afraire mamaya."Sabi ko naman.
"Ikaw nalang,nung pumunta kaya kami sa bahay nya kinuha pa namin yung address nya sa teacher,tapos pinuntahan namin yung nakalagay sa address,tapos pagpunta namin dun bakanteng lote lang.... Bwisit sayang kaya effort namin."Sabi ni Andrea sabay upo sa upuan sa tabi ni Maggy.
"Si Vanessa lang nakaka alam ng totoong address ni Afraire."Sabi ni Kylie habang nag sasagot ng assignment.
"Nagtext si Vanessa sabi nya punta daw tayo ngayon dun habang wala pa si Afraire...
Binigay nya rin yung address."
Sabi ni Maggy na nakatingin na sa amin ngayon."Siguraduhin mo lang na hindi bakanteng lote yan ah."Sabi ni Andrea at inayos na nya yung gamit nya.
Nang maayos na nila yung mga bag nila dumiretso na kami sa parking lot para sumakay sa kotse ko.
"Bakit ba parang madaling madali ka?"Sabi ni Kylie.
"Baka kating kati na makita si Vanessa."Sabi naman ni Maggy habang inaayos ang seatbelt nya.
FLASHBACK
(2 hours ago)P. E ang subject namin ngayon pero nasa bench lang ako dahil nainis
Yung P.E teacher namin sa akin.
Wala naman akong ginagawa sa kanya.Tumayo ako at naglakad lakad sa field.Nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod.
Lumingon ako at si Aile pala ang yumakap sa akin.Tinanggal ko yung braso nya na nakayakap sa akin."Anong ginagawa mo?!"Sigaw ko sa kanya pero sigurado akong sya lang ang nakarinig.
"Bakit masama bang mamiss kita?"Sabi nya at nagpout pa.
"Matagal na tayong break Aile kaya ano bang kailangan mo mula sa akin."Sabi ko at tumuloy na ako sa paglalakad.
"Hoy Dwayne,di kita hahayaang mapunta sa iba!"Sabi nya at tumakbo sya papunta sa group nila.
End of flashback
Waaah mama ko, ano gagawin ko kapag naaalala ko yun,lagi akong kinakabahan baka di pa ako maka pag drive nang ayos nito eh.
Kalma lang Dwayne.
Kalma.
Huminga ako nang malalim at inistart ko na yung kotse.
Isang oras kaming nagdrive bago namin narating ang bahay ni Afraire.
"Naks naman di nga bakanteng lote."Sabi ni Andrea at lumabas na ng kotse.
Vanessa's PoV
Hahahah tanga talaga ni Afraire talagang naghanap sya ng Ice cream na watermelon flavor.
"Pero bakit ang tagal naman nila Maggy?"Tanong ko sa sarili ko.
"Boring,kasi naman eh,bakit ba ako kinukulong dito,dami pang bawal."Sabi ko at umupo sa couch.
Bigla naman tumunog yung doorbell.Kaya tinignan ko sa monitor kung sino ang nasa labas.
Agad akong lumabas para pagbuksan sila ng gate.
Pag bukas ko ng gate nakita ko sa pinaka likuran nila si Dwayne."Bakit ka nandito?"Tanong ko sa kanya.
"Huh,di ba ako pwedeng sumama?"Tanong ni Andrea.
Napahilamos naman si Kylie ng mukha dahil sa sinabi ni Andrea."Halika na nga."Sabi ni Kylie at hinatak si Andrea papasok at sumunod naman sa kanila si Maggy.
"Ahh,ehh kasi sabi ni Maggy ako nalang daw magdrive."Sabi nya habang kinakamot yung likod ng ulo nya.
Tumalikod na ako at pumasok.
"Wag kayo magulo ah,ayaw kasi ni Afraire nang may nahawak ng gamit nya maliban sa kanya."
Sabi ko at tumuloy sa kitchen para maginit ng pizza para sa kanila.Bumalik muna ako sa sala Si Maggy,Dwayne at Kylie naglalaro ng minecraft sa xbox,At si Andrea naman ay......
"Guys nasaan si Andrea?"Tanong ko pero parang walang nakarinig.
Umakyat ako agad sa second floor,tinignan ko sya sa kwarto ko pero wala sya doon.
"Huh ano kayang password nito?"
Sinundan ko kung saan nanggaling ang boses ni Andrea.
At nakita ko syang may tinatype sa harap ng pinto ng kwarto ni Afraire."Andrea!"Sabi ko sa kanya nagulat naman sya.Lumingon sya sa akin.
"Anong ginagawa mo dyan gusto mo patayin tayo ng may ari nang kwartong yan."Sabi ko sa kanya.
"Bumaba kana dun,sa kitchen may pizza dun ininit ko."Sabi ko sa kanya at naglakad naman sya papunta sa hagdan.
"May cheetos ba kayo sa cabinet?
pag meron pahingi ahh."Sabi nya at tumakbo pababa.Naglakad ako palapit sa pintuan nya at nakita ko yung maliit na keyboard.
Nagtype ako ng mga realated sa kanya,kapatid nya,magulang nya,buong pangalan,at birthday nilang magpapamilya rpero password error parin.
"Try ko kaya pangalan ko."Sabi ko sa sarili ko.Nagtype.Pero error parin.At naalala ko ang tawag sa akin ni Afraire nung bata pa kami.Nagtype ulit ako.
"vans pangit"
Pagkaenter ko biglang,nag unlocked yung pinto.
Tinurn ko yung doorknob,
tinulak ko yung door.Nang biglang may sumigaw ng pangalan ko."Vanessa!"Sigaw ni Afraire at narinig ko na yung hakbang nya sa hagdan.
Agad kong sinara yung pinto at tumakbo papunta sa kwarto ko.
Nilock ko agad yung pinto ng kwarto ko.Kumatok naman si Afraire.
Tumayo ako at binuksan ko yung pinto.Pumasok sya sa kwarto ko at nilock yung pinto."Bakit mo sila pinapunta dito nang walang pasabi alam mo namang nasa pahamak yung buhay mo ngayon diba?"Sabi nang galit pero mahinahon parin ang boses nya.Tinignan nya ako sa mata.
"Bakit ka namumutla?Okay ka lang ba?"Tanong nya at napalitan ang expression nya from galit to nagaalala.Bipolar lang bhess.
Tumango lang ako."Atsaka bakit ka ganyan magsalita parang di mo kaibigan sila Maggy ah,Wala ka bang tiwala sa kanila."Sabi ko sa kanya.
"That's not what I mean"
"Lumabas kana nga,nakakaasar ka."Sabi ko sa kanya.
"Okay.....Umm yung ice cream na pinapabili mo nasa kitchen na, pag may kailangan kayo nila Maggy nasa kwarto lang ako."Sabi nya at mukha syang malungkot tapos binuksan na nya ang pinto at lumabas.
Sinarado ko yung pinto.
Kinabahan ako dun ahh.Mamaya mabuko pa ako na nabuksan ko yung kwarto nya eh.Bumaba ako sa kitchen at tinignan sa ref yung ice cream,
may nakita akong pint size na container na may nakasulat na Vanessa.
Kumuha ako ng kutsara at kinuha ko na rin yung container at binuksan.Tinikman ko yung ice cream at lasang watermelon nga...Sipag talaga ng babaeng yun.
Bumalik ako sa sala na dala yung ice cream ko.

BINABASA MO ANG
Pulling Their Strings
Mystery / ThrillerVanessa's PoV Pawis na pawis na ako kelan pa ba darating yang mga pulis nayan. "Please,I beg you, I'll do anything you want please just don't kill me."Sigaw ko patalikod. "Well I want you to die.Can you do that."Sabi nya kaya mas lalo ko pang binili...