Chapter Thirteen

7 1 0
                                    

Dwayne's PoV

"Hoy Dwayne!!" Sigaw sa akin ni Afraire na nasa harap ko.
Malapit nang tumulo ang luha ko at itong babaeng ito wala man lang alam sa nararamdaman ko.

"Paano mo nagawa yun? Di ka ba man lang nakonsensya sa ginawa mo?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa  pira-pirasong katawan ng mahal ko.

"Sorry na nga diba halika na maabutan pa tayo ng mga yun."  Sabi niya at pilit na hinihila ako.

"Napaka demoniyo mo talaga kang babae ka, kung nagnakaw ka sa kanila huwag mo na ako isali." Sabi ko sa kaniya at lumapit ako sa motor ko ngayon ay pira-piraso na dahil kay Afraire.

"Kung demoniyo ako sana hinayaan na kita sumabog kasama  yang motor mo."
Sabi niya at sinuot ang hood niya sa ulo niya.

"Eh bakit kasi kailangan motor ko pa gawin mong escape vehicle mo."   Sabi ko sa kaniya na ikina kunot naman ng noo niya.

"Correction.. Natin po hindi lang ako."  Sabi niya at Pinara ang taxi na paparating.

"Umuwi kana nga  nakakaasar ka."  Sabi niya at binuksan ang pinto ng passenger's seat ng taxi at tinulak niya ako paloob.

"Teka eh hahanapin pa natin sila Vanessa diba?" Tanong ko sa kaniya.

"Ako na bahala."  Sabi niya at humarap siya sa taxi driver.

"Atsaka Manong paki hatid po siya kay Ms.Minchin magbabalat pa daw po siya ng mga patatas." Isinara na niya ang pinto ng taxi saka siya tumakbo patawid ng kabilang kalsada.
Nilingon ako ng Taxi driver.

"Ah? Sir saan po yung Ms.Minchin  ?"

"Ah wala ho manong sa Reis Condominuim po." Tumango lang siya at nagdrive na.

____________________________________

Kirsteen's PoV

"Where the hell are we?"  Tanong ni Kylie.

"Wala tayong pwedeng gamitin dito para makatakas."  Sabi naman ni Maggy.

"Guys, Antayin nalang natin kung sinong kupal man ang kumidnap sa atin."  Suggest ko naman sa kanila. Umupo silang dalawa sa tabi ko.

Kanina pa kami nanditong tatlo pero di parin nagpapakita ang master mind ng lahat nang ito.

"Nga pala kasama natin si Vanessa diba?"  Tanong ni Kylie.

Pulling Their StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon