Chapter Eight

3 1 0
                                    

Dwayne's PoV

"Kylie tahan na." Pagpapatahan ko kay Kylie habang hinihimas ang likod nya. 
Kanina pa siya iyak nang iyak dahil sa balitang narinig namin kanina.

Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang mga kaibigan ko na nahihirapan ng ganito.

" Alam na ba nila Maggy?" Tanong ni Kylie habang pinupunasan ang luha nya.

"Hindi ko sila macontact, gusto mo ba pumunta na tayo sa bahay niya ngayon?" Tanong ko sa kaniya, tumango lang siya bilang sagot. Tumayo siya at pumasok muna sa loob ng school dahil may ipapasa lang daw siyang project.

"Dwayne!" Sigaw ni Freine habang tumatakbo papalapit sa akin. Nang makalapit siya sa akin ay hingal na hingal siya.

"Kanina ko pa hinahanap si Vanessa, nakita mo ba sya?" Tanong niya....Di ba niya alam na na naaksidente  si Andrea.

" Hindi namin nakita si Vanessa di pa siya napasok. Atsaka di mo ba alam na patay na si Andrea?" Mahinahon na tanong ko sa kaniya. Uminom sya ng tubig bago mag salita.

"Alam ko.....Paki ko naman dun kay Andrea, Eh wala naman akong gusto dun."

Gago pala ito eh...... Nakakapikon Di man lang igalang ang patay.

"Grabe ka naman di ka man lang nahiya sa sinabi mo, Tinuring kang kaibigan nung tao tapos sasabihin mo wala kang pake."

"Ewan tigilan mo yang kadramahan mo Dwayne wala kang alam." Sabi niya at papaalis na sana siya.....Di na ako nakapagtimpi at sinapak ko siya sa mukha.

Nagulat siya sa pagakakasuntok ko sa kaniya. Pero umayos siya ng tayo at pinunasan ang nagdudugong labi niya.

"Ano bang problema mo?!! " Bulyaw niya sa akin at sinipa niya ako. Nagsilapitan ang mga tao sa amin.Tumayo ako.

Sinapak ko siya ng sunod sunod... Ramdam ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko sa sobrang galit.

"Dwayne!! Tama na yan." Pigil sa akin ni Kylie habang hinihila niya ako paatras. 

Tinignan ko lang siya ng masama....Hanggang ang tanging naririnig ko nalang ay ang tibok ng puso ko habang naninikip ang dibdib ko.

Di ako makahinga sa sobrang sikip ng dibdib ko......Kumapit ako kay Kylie bilang suporta...
Meron siyang sinasabi pero di ko marinig hanggang unti unti na silang naglalaho sa paningin ko at puro dilim nalang ang nasa paligid ko.

____________________________________

Aile's PoV

" Miss Andrea is dead...And the one who killed her is one of the Blood Organization. " Sabi ng informant ng mafia organization na pinamumunuan ni Dad.

" I see.......How about her men?, Did they successfully killed Afraire? " Tanong ko sa kanya.

"Before Jax died he sent a voice message.....He said that there was a man,about 6ft 6in tall,and he seems to be protecting Afraire."

"Okay,You may leave."

Napaka laking sagabal talaga ng babaeng yun sa mga plano ko..
At bakit naman si Afraire magkakaroon ng bodyguard...

Anak siya ng mafia boss ng
Blood Organization, Lahat ng  Blood are great in combat.
So why would she need someone to protect her.

"Aile....May balita ka na ba tungkol kay Vanessa?" Tanong ni Freine habang naglalakad papalapit sa table ko.

"Do you know how to---" Napakunot ako ng noo nang makita ko ang itsura niya .

"What the hell happened to you?" Tanong ko sa kanya habang tinitignan siya from head to toe.Puro siya pasa.

"Sagutin mo nalang ang tanong ko." Sabi niya at umupo sa couch.

"Wala pa kaming balita tungkol sa girlfriend mo..... Don't worry kasama naman niya ang next na leader ng Blood Organization."

"So, Member talaga ng mafia si Afraire." Sabi ni Freine.

*Sigh*

Umupo ako sa swivel chair ko at inilabas ang cellphone ko para tawagan si Dwayne.

*Ring*

*Ring*

[Hello?]

Huh?...Bakit boses ng babae?!

" Hi,nasaan si Dwayne?"

[Sorry.....Nasa Emergency Room kasi si Dwayne ngayon eh.]

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko yun.... Inatake na naman ba siya?
Wag naman sana.

"Huh?..Bakit anong nangyari kay Dwayne?" Tanong ko,pero parang may iba pa siyang kausap.

[Ummm.....Bye bawal na kasi ang cellphone sa area na ito...]

"W-wai--" Inend niya na ang call.
Tumingin ako kay Freine  nakapikit lang siya na para bang pinipilit niyang matulog.

Naglakad ako papunta sa gilid niya at pinitik siya sa pisngi kung nasaan ang pasa niya.

"What The hell?!" Sabi niya At dumilat  nang nakakunot ang noo.

"What the hell ka dyan bakit di mo sinabi sa akin na nasa ospital si Dwayne?" Sabi ko sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Naku sinapak kaya ako ng kupal na yun." Sabi niya. Kaya pala ganun mukha

"Maka kupal ka mas gwapo pa nga sayo si Dwayne. "

"Yuck!! Pogi na yun para sayo."
Sabi niya at tinignan ako ng mata sa mata. I raise my brow at him.

"Natry mo na bang magpa check up sa mata?" Tanong niya.

"Hindi pa....Ikaw gusto mo maospital....Lumabas ka na."
Sabi ko sa kaniya at tinulak siya sa lapag.

Tumayo siya at binuksan ang pinto pero bago siya tuluyang lumabas, lumingon muna siya sa akin.

"Saranghae Unnie."

____________________________________

Maggy's PoV

Naglalakad kami ngayon nila Kylie papunta kami ngayon sa Room ni Afraire.

Nababaliw na ata yun, gusto niya bang mabunyag ang sikreto niya.
Umistop kami sa harap ng isang pinto.

Ininsert  ko na yung card na binigay sa amin. Nagbukas ang pinto at may narinig kaming nagtatalo sa taas.
Umakyat kami sa second floor.

"Dwayne sure ka okay ka lang kakagaling mo lang sa ER dahil inatake kasa puso."  Tanong ni Kylie kay Dwayne lumingon ako kay Dwayne tumango lang siya.

Pumasok kami sa kwarto kung saan nanggagaling ang ingay..

At nakita namin si Afraire at Vanessa nagtatalo.

"Ummm..Maggy kilala mo ba kung sino yung lalaking yun?"
Bulong sa akin ni Dwayne....

Ano bang kalokohan ang pumasok sa ulo nito ni Afraire.

Di ako umimik dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

Pulling Their StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon