Chapter Ten

6 1 0
                                    

Afraire's PoV

Nakakapagod.Pinihit ko ang doorknob ng pinto papasok sa hospital room ko.At pagbukas ko ng pinto dahan dahan akong pumasok at isinara ang pinto.
Patay ang mga ilaw at liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa paligid.
Umupo ako sa couch at inabot ang remote para i-on ang TV.

"Hoy saan ka galing?" Tanong ni Vanessa at binato ako ng unan na agad ko namang naiwasan.

"Sa McDonald's, Eh ikaw,bakit ka gising?"  Naglakad siya  papalapit sa akin at umupo sa tabi ko.

"Naku! 4:00am lalabas ka para lang bumili sa McDonald's, tigil tigilan mo ako sa mga kasinungalingan mo."  Sabi niya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Di ka ba talaga sasama sa amin mamaya?"  Tanong niya at ipinikit niya ang mga mata niya.

"Hindi,may gagawin ako atsaka ang weird naman kung pupunta ako sa burol niya at Eh ang alam nila Dwayne na Boyfriend mo ako."  Sabi ko sa kaniya.... Kung alam mo lang na nasa kapahamakan  ang buhay mo ngayon at kasama sa misyon ni Andrea ang patayin ka at ako.

" Nga pala paano nagmumukhang babae, kasi sigurado naman akong hindi make-up ang gamit mo dahil nung naligo tayo sa ulan hindi naman nagfade ." Tanong niya sa akin at umaayos siya ng upo.

"Face mask."

"Yung katulad ng ginagamit ng mga spy?.... Eh bakit di mo nalang gamitin yun?" Tanong niya.

"Nire-repair ko pa nasira yung labi." Sagot ko sa tanong niya, tumango lang siya at isinandal niya uli ang ulo niya sa balikat ko.

"Gumagamit ka ng device pang voice change?"

"Hindi,Naalala mo nung bata tayo lagi ako ng gagaya ng mga boses para asarin ka. Gumawa lang ako ng pang babaeng boses tapos lagi kong nirerecord yung boses ko para di ko makalimutan." Nag okay lang siya.

"Nga pala naisip ko lang ang tanga mo pala." Sabi ko sa kaniya.Natawa lang siya at nilipat ang channel ng TV.

"Grabe, salbahe ka talaga." Sabi niya at pinalo ang braso ko.

"Nung hindi pa ako naka face mask,siguro mga six years old tayo di mo ba naisip kung bakit mukha akong lalaki at ganun ang gupit ng buhok ko?" 

"Kasi ayaw kong ma hurt ka,
Atsaka iyakin ka kaya nung bata ka mamaya ma-offend ka kapag tinanong ko kung bakit ganun style ng buhok mo atsaka kung bakit mukha kang lalaki."

"Wow bait naman ng Love ko."
Sabi ko at humarap ako sa kaniya  at iniharap ko naman siya sa akin sabay kiss sa noo niya.

"Love? Nagdrugs ka na naman?!" Sabi niya habang nagbablush..Pfft.

"Kunwari ka pa eh.... Naalala mo yung pinipilit mo akong samahan kang magpahula nung seven tayo?" Tumango lang siya.

"Yung sinabi ng manghuhula na mag soulmate  daw tayo, tapos bigla kang tumakbo pauwi sa baha--" Nagulat ako ng bigla niyang takpan ang bibig ko para pigilan ang sunod kong sasabihin.

"Sinabi ko na sayo na wag mo nang banggitin yan diba!" Sabi niya , habang naiyak at namumula.Tinanggal ko ang kamay niya.

"Wahahhahahahaha, Niiyak ka pa rin hanggang ngayon kapag kinekwento ko yun."  Sabi ko sa kanya habang pinipigil ko ang tawa ko.

"Ewan ko sayo ikaw naman may kasalanan nun." Sabi niya habang pinupunasan ang luha niya. Huh?...... Tumalikod siya sa akin

"Ikaw dyan nag aya sa akin, Anong sinasabi mong kasalanan ko?" Tanong ko sa kaniya at pinipilit na paharapin siya sa akin.

"Wala!! Wag mo na itanong ayaw ko na maalala yung feeling nayun." Sabi niya at tumingin siya sa bintana.

"Ano nga kasi?" Tanong ko sa kaniya pero di parin siya, naharap sa akin. Lumapit ako sa kaniya at umayos ako ng upo.

" Naalala mo nung eight tayo nung tatlong buwan akong di pumasok at wala sa bahay namin?" Lumingon ako sa kanan ko para tignan siya at Tumango lang siya bilang sagot sa akin.

"Paano ko naman makakalimutan yun eh wala akong kausap nun for three months." Sabi niya na may bahid parin ng lungkot ang boses niya. Humarap siya sa akin at niyakap niya ako at tuloy tuloy siyang umiyak.

"Gusto mo pa bang ikwento ko sayo kung bakit wala ako ng tatlong  buwan na yun,kaso baka mas lalo kapang umiyak kapag kinuwento ko yun." Pabiro kong sinabi sa kaniya at hinagod ko naman ang likod niya.

"Wag mo na gagawin ulit yun,
Kundi ako na papatay sayo." Sabi niya at bumitaw sa akin para punasan ang luha niya at umupo ulit siya sa tabi ko At isinandal ang ulo niya sa kanang balikat ko.

~~~~~~~~~~~

Idinilat ko ang mga mata ko at nakita kong nasa sala parin ako,
Tumingin ako sa kanan ko pero wala na doon si Vanessa.

"Aalis na ako kanina pa nagaantay sila Maggy sa  Lobby." Sabi niya habang sinusuot ang sapatos niya. All black ang suot niya at may suot pang  sun glasses.

"Bye." Sabi niya at binuksan ang pinto.

"Geh ingat ka Honey!" Pangaasar ko sa kaniya at bago naman siya lumabas ay binato niya ako ng Vase.

Agad ko namang sinalo ang Vase dahil mamaya pag nabasag  pa ito pagbayarin  pa ako ni Dad.

Inilapag ko ng maayos ang Vase  at hinanap ko ang cellphone ko para tawagan si Kirsteen.Nakita ko ang phone ko sa cabinet ni Vanessa , mukhang bantay sarado ako ahh.

(Hello, Kirsteen pababa na si Vanessa sa lobby siguraduhin mo na masusundan mo sila.)

[Yes King.] Sabi niya at inend ko na ang call para tawagan si Maggy.

(Pagdating niyo doon itext mo sa akin ang location.) Sabi ko sa kaniya at inend  ko na  ang call.

"Let's play a game Ms. Aile Vayne." I said to myself.













Pulling Their StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon