Prologue

48.1K 923 14
                                    






Prologue


Nagkakagulo ang lahat dahil sa pagkawala ng kanyang kapatid na si annica. Kung kailan kasi ikakasal ito ay tsaka pa ito nawala . Hindi tuloy alam ng kanyang mga magulang kung 'san ito hahanapin.





Tanging kapirasong papel lamang ang iniwan nito na nagsasabing ayaw na nitong magpakasal dahil sumama na ito sa ex-boyfriend papuntang amerika.




Hindi niya lubos akalain na magagawang lokohin ng kanyang kapatid si andrew. Na kung tutuusin ay halos ibigay na nang lalake ang lahat ng luho nang kanyang kapatid.





"What will happen to us, kapag nalaman ng mga tao na tumakbo ang anak natin sa araw ng kanyang kasal kasama ang lalake niya?! Mapapahiya tayo Edouardo!!". Sabi ng aking ina kay papa. Habang nagtatalo ang aking mga magulang ay tahimik lamang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa.





" Calm down Carmina, walang ni isa sa'tin ang may alam na kaya 'tong gawin ni annica walang may kasalanan" . Bigla namang napagawi sa akin ang tingin ng aking ama at parang kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya.





" we can still save our family from further embarrassment kung- ". Hindi matuloy tuloy ng kanyang ama ang sinasabi habang nakatingin sa kanya.
" kung ano?! Edouardo!!"... Pagpapatuloy ng kanyang ina..





" Kung papayag si Yelena na magpangggap na kapatid niya ". Hindi niya kayang paniwalaan ang mga narinig... Kaya nga bahagya siyang napaatras ng makita ang determinasyon sa mukha ng kanyang mga magulang.





Lumapit ang kanyang ama para hawakan siya sa balikat at tinignang mabuti.
" I know na marami kanang naisakripisyo para sa'min yelena. Pero sana mapagbigyan mo kami uli ngayon. Pangako, kapag nakita natin ang kakambal mo ay papanagutin ko siya sa nagawang kasalanan, just please ikaw na muna ang pansamantalang pumalit sa kanya. Ikaw nalang ang pag-asa namin ng mama mo".





Naiintindihan ko ang aking ama, sapagkat alam ko kung gaano kalaki ang utang na loob nang pamilya namin sa pamilya nila andrew. Kaya nga hindi niya magawang sisihin ang ama dahil alam niyang nahihirapan rin ito, kung hindi lamang sa kalokohan ng kanyang magaling na kapatid ay wala sana sila sa ganitong sitwasyon.





Nakikiusap namang tumingin sa'kin ang aking ina, at alam ko na wala na'kong ibang pagpipilian pa kundi sundin ang mga ito, kahit ang kapalit non ay ang sariling kaligayahan.






Malungkot siyang ngumiti sa mga ito bago bahagyang tumango. " Payag na po ako Papa". Bigla namang nagliwanag ang mukha ng kanyang ina sa kanyang sinabi, bago siya tuluyang ginaya sa kwarto at pinaayusan .





Sana nga lang maging maayos ang lahat. At sana mapatawad siya ni Andrew kapag nalaman nitong hindi siya ang totoong Annica kundi isang hamak na Substitute lamang...

The Substitute (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon