Chapter One
Hindi namalayan ni Yelena na natapos na pala ang kasal at nasa hotel na sila, ang tanging alam lang niya ngayon ay ganap na siyang naging Mrs Andrew Miller Brandt sa katauhan ng kanyang kakambal na si Annica Mylene Gutierrez.
Kahit na nakasulat sa marriage contract nila ay ang tunay niyang pangalan, alam pa rin ni Yelena na hindi naman talaga siya ang nakikita at minamahal ni andrew kundi ang kakambal niyang si annica.
Kasalukuyan silang nasa reception at nagsasaya pero hindi niya pa rin kayang maki-celebrate sa mga tao roon, knowing na niloloko lamang nila ang mga tao dahil sa pagpapanggap niya.
Tahimik niyang pinagmasdan ang asawa na abala sa pagbati ng mga bisita, kasalukuyan itong pinapalibutan ng mga kaibigan at pinsan nitong halatang sentro ng tuksohan habang pulang pula naman ang mukha ng asawa dahil sa kantiyawan ng mga kasama.
Saglit itong lumingon sa kanya, at tila sandaling tumigil ang pag-ikot ng mundo niya ng ngumiti ito ng pagkatamis tamis at kumindat sa kanya bago binalik ang atensyon sa kausap.
He is indeed the most sought after bachelor in town. Dahil na rin sa dami ng babaeng umattend ng kasal nila na halata sa mga mukha ang pagkakadismaya. Hindi naman din niya masisisi ang mga ito dahil talaga namang napakagwapo ng kanyang asawa na kahit nga siya mismo ay nahulog dito.
He is every woman's dream. Bukod kasi sa napakagwapo nito ay napaka independent businessman din nito. Hindi ito katulad ng ibang mayayaman na naghihintay lang ng mana sa mga magulang, sapagkat sa batang edad nitong twenty eight yrs old ay nakapagpatayo na ito ng sariling kompanya. Mula sa woods and fabric materials hanggang sa construction industry at accounting firm ay meron ito. Nag eexport ang kompanya nila ng woods and fabrics sa iba't ibang sulok ng mundo. Kaya nga hindi nakakapagtakang na featured ito sa mga prestigious at kilalang magazine katulad ng forbes at times dahil sa pagiging multi- billionaire nito sa batang edad.
Tandang-tanda pa niya nung una niya itong makita sa ibaba ng sala nila na masayang nakikipag-usap sa kanyang ama. She was only sixteen ng mangyari yun at nineteen naman ito. Her world suddenly stops spinning from the moment that he laid his dark gray eyes on her.
Para siyang matutunaw sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis agad ang tibok ng puso niya ng makita itong ngumiti. Akala nga niya ay lalabas na ang kanyang puso dahil sa sobrang lakas ng pagtibok nun.
Nang ipakilala sila sa isa't-isa ay medyo nailang pa siya hindi kasi siya sanay na may kaharap na ibang tao unlike her twin sister na napaka sociable. Siya naman at tahimik lang at may pagka weird ang dating kaya nga hindi na siya nagtaka kung ang kapatid niya ang laging center of attention ng kanyang mga magulang.
Dahil kahit magkamukha sila ay di hamak naman na mas maganda ito sa kanya. They always said that annica looks like an barbie doll habang siya naman ay tinatawag ng kanyang mga kaibigan na weird angel . Dahil daw sa pagiging mabait at sa pagiging wierd niya.
Well, mga kaibigan lang naman niya ang tumatawag sa kanya ng ganon na ni minsan ay hindi niya pinaniwalaan. Pano ba naman niya paniniwalaan eh kung halos araw-araw niyang nakikita sa salamin ang ibedensya na talagang pangit siya.
Unlike her twin hindi siya mahilig sa kolorete sa mukha at magsuot ng makikinang , colorful at maiiksing damit katulad ni annica. Simple lang siya mula ulo hanggang paa kaya nga dati madalas siyang mabully dahil para raw siyang wallflower na napaka boring tingnan. Idagdag pa ang malaking salamin niya sa mata at ang palagi din niyang pagsusuot ng itim na damit eh talaga namang walang nagkakainteres na ligawan siya. Hindi katulad ng kanyang kapatid na halos araw-araw may nanliligaw.
Her sister was a former cheerleader and campus queen. Kaya hindi nakakapagtakang maraming lalake ang nagkakarandarapa na mapansin nito. She is sophisticated , famous , friendly , beautiful and smart . Isang bagay lang ata ang lamang niya rito at yun ang kanyang grades and academics. Valedictorian siya mula elementary hanggang highschool. Pero kahit napakarami niyang medalya na naiuuwi ay ang kapatid niya pa rin ang paborito ng kanyang mga magulang.
Nang maipakilala sila ni Andrew ng kanyang ama ay saka lang niya nalaman na kaya pala ito naroon ay dahil nakatakda pala itong magpakasal sa isa sa kanilang magkapatid. Matagal na palang na-arrange ng kanyang mga magulang kasal sila nalang ang pagdedesisyonin.
Nakaramdam siya ng kaligayahan sa narinig hindi niya alam kung bakit nagkaroon siya ng pag-asa. Pag-asa na balang araw may magmamahal din sa kanya bilang siya at hindi dahil sa kapatid niya. Ngunit ganon na lamang ang panlulumo niya ng malamang may gusto rin pala ang kanyang kapatid dito. Umiyak ito sa kanya at nakiusap na kung pupwede ay sana ibigay nalang daw niya si andrew dahil gustong gusto daw nito ang lalake.
Bigla naman siyang nakonsensya at inisip na masyado siyang naging makasarili to the point na hindi na niya naalala ang kapatid. Kaya para sa ikaliligaya nito ay nagparaya siya kahit pa nga gusto rin niya si andrew ay wala rin siyang magagawa sapagkat ayaw naman niyang dahil lang sa isang lalake ay masisira ang pagiging magkapatid nila.
Inilihim niya ang pagtingin kay andrew at ibinaling ang atensyon sa pag-aaral. Kahit na nga huli na ng marealize na mahal na pala niya ang binata. Lihim siyang nasasaktan ng aminin ni andrew na inlove na ito sa kapatid niya at ganon rin ang huli. Tinanggap na niya ng tuluyan na wala na siyang magiging lugar sa puso nito kundi ang pagiging kaibigan lamang. Her love remained silent and unrequited basta sa ikaliligaya ng mga ito ay kontento na siya.
TS(wife series 1)
BINABASA MO ANG
The Substitute (Under Revision)
General FictionSynopsis All her life she was being compared to her twin sister Annica. Who's more beautiful, smart , sophisticated than she was. Well, she accepted it already that her twin will always be ahead of her in many things. Not until she met the handsome...