Chapter Eighteen
" what happen bro?. Bakit biglaan ka naman atang, nagyayang uminom? ". Tanong ni lance. Pagkatapos kasi akong tanungin ni yelena ay dumeritso agad ako dito para uminom.
Ayokong masaktan si yelena sa maaari kong isagot sa kanya. Baka kasi iba ang masabi ko sa gusto niyang marinig. To be honest, hindi ko rin alam. Naguguluhan talaga siya. Kaya naman agad niyang tinawagan ang kapatid para naman kahit papano ay humupa ang pagkabalisa niya.
" It's about yelena. Tinanong niya ako kung mahal ko pa ba si annica at kung sakali ba daw na mapatawad ko to, babalikan ko ba daw ang kapatid niya ". Pag-amin ko dito.
Hindi nagbago ang expression ng kapatid niya. " It's not surprising na tinanong yan ni yelena. Drew, kailangan lang ng assurance nung tao, na hindi mo siya iiwan pagdumating yung kapatid niya ".
" I know, pero hindi ko siya kayang sagutin. Alam mo naman kung gano kami nagtagal annica hindi ba?. She was my first girlfriend. Kaya nga mahirap sagutin yung tanong niya ".
" bro, mahirap lang namang sagutin kasi mahal mo pa rin siguro talaga yung isa. Pero bro, dapat palayain mo nalang si yelena. Wag mo na siyang paasahin na kaya mong suklian ang pagmamahal niya. Bro, mabuting babae si yelena. At makakahanap pa siya ng iba. Yung totoong magmamahal sa kanya ".
Marahas naman akong napatingin dito ng marinig ko sinabi nito. I can't explain, what i'm going to feel about it. Unang-una sa lahat ng banggitin ng kapatid niya na makakahanap pa ng ibang mamahalin si yelena ay malaki ng pagkatao niya ang tumututol rito.
Hindi man niya alam at maipaliwanag pero sigurado siyang ayaw niyang mawala si yelena sa buhay niya. He might be a selfish jerk, pero hindi niy kayang ibigay ang babae sa iba.
" I-i can't ". Mahinang sagot ko na ikinalingon naman niya. " and why not?. Hindi ba mahal mo pa rin si annica? So, what's the point of having yelena by your side? Ano yun? Gusto mo silang pagsabayin? ". Tila napipikong sabi nito.
" bro, kapatid kita. Pero para ko na ring kapatid si yelena. Ayaw kong saktan mo siya. Lalo pa't babae pa naman siya. Women are more vulnerable than men, pagdating sa pagmamahal. Binubuhos kasi nila ang one hundred percent ng buhay nila sa lalakeng mamahalin nila. Samantalang tayo?. Palagi tayong nag rereserved sa sarili natin kaya naman may mga tendencies na magtaksil tayo kasi nga, hindi pa natin binibigay ng buong- buo ang puso natin sa kanila. Kaya nga drew, wag mo nang pahirapan pa si yelena. Kung hindi mo siya mahal, set her free. Deserved din naman niyang maging masaya. Yun nga lang, hindi ka kasama ".
Kahit medyo nasaktan siya sa mga sinabi nito ay may punto rin naman ito. Yelena doesn't deserved to be the second best. She deserved to be treated like a queen.
Magdamag siyang walang tulog, sa kadahilanang hindi umuwi ang kanyang asawa. Hinintay niya pa rin ito kahit na nag text na ang bayaw niya na hindi na daw maihahatid sa bahay nila si andrew dahil sa sobrang kalasingan.
Nasasaktan siya sa inaasal nito pero wala naman siyang magawa. Kung bakit ba kasi niya tinanong ang bagay na yon, eh di sana'y nandito ang asawa niya ngayon ay masaya silang magkasama.
Nagpasya siyang mamasyal dahil mababaliw na siya sa bahay sa kakaisip sa asawa. Habang naglalakad-lakad marami siyang nakikitang magkasintahan na nagyayakapan o di naman kaya'y naghahalikan. Malungkot na lamang siyanh napangiti sa mga ito.
Kung sana ay naging normal lang din ang pagsasama nila ng kanyang asawa at wala siyang kahati dito ay lubusan sana siyang magiging masaya.
Kapag kasama kasi niya si andrew ay marami siyang kinatatakutan. Marami siyang tanong na hindi nito masagot-sagot. Marahil nga ay hindi naman talaga siya mahal ng kanyang asawa kaya sobrang hirap dito ang sagutin siya.
Nasa kalagitnaan na siya ng park ng bigla siyang makaramdam ng hilo. Isip niya'y baka dahil sa puyat dahil magdamag siyang walang tulog sa pag-aalala sa asawa. Pinagpatuloy lang niya ang paglalakad at naghanap ng mauupoan para kahit papano'y makapagpahinga siya, ngunit hindi pa man din niya naihahakbang ulit ang kanyang paa ay nahihilo na naman siya.
" Miss, are you okay? ". Tanong ng isang baritong boses sa kanyang likuran.
Akmang lilingunin sana niya ito ng hindi na nakayanan ng katawan at bumigay na siya ng tuluyan. Tuluyan na ngang nagdilim ang kanyang paningin pero bago siya nawalan ng malay ay narinig niya ang boses nitong nag-aalala sa kanya.
TS( wife series 1 )
BINABASA MO ANG
The Substitute (Under Revision)
Aktuelle LiteraturSynopsis All her life she was being compared to her twin sister Annica. Who's more beautiful, smart , sophisticated than she was. Well, she accepted it already that her twin will always be ahead of her in many things. Not until she met the handsome...