Chapter Fifteen

21.9K 511 6
                                    


Chapter Fifteen



Abala siya sa pagbabasa ng biglang pumasok ang kapatid niyang si lance. Nakangisi itong nakatingin sa kanya na tila ba may nais sabihin.


" Hey bro, what's keeping you busy lately, na kahit reunion nating magbabarkada ay hindi mo sinipot? ". Mapang-asar na sabi nito. Napangiti naman ako ng maalala  kung bakit hindi ako nakasipot sa sinasabi nitong reunion .


It's because of his wife, yelena. It's just that, he couldn't resist her. Kahit nga ang matinding kontrol niya sa sarili ay hindi na niya napipigilan kapag nakikita niya ito. Para bang isa itong metal at isa naman siyang magnet na hindi makahiwalay rito. After their vacation in cebu, everything's change na hindi niya maipaliwanag. Noong nandon kasi sila ay mas lalo niyang nakilala ang asawa, and he can say na malaki nga ang pinagbago ng relasyon nila simula nun.



Nakapagpasya na kasi siyang kalimutan nalang ang nakaraan, at bigyan ng pagkakataon ang  pagsasama nilang dalawa. Hindi na rin niya ikinukumpara ang asawa sa dating nobya katulad noon. Maraming nagbago kasama na doon ang pagtakbo ng puso niya, dahil kung dati ay halos isumpa niya ito at ayaw makita. Ngayon ay kahit isang oras lang itong mapalayo sa kanya ay hindi na siya mapalagay.




Maaga na siyang umuuwi para lamang masamahan niya itong maghapunan, kapag may meeting naman siya ay ito parin ang laging sumasagi sa isip niya. Kaya naman ang ending ay umuuwi siya ng tanghaling tapat para lamang makita at makasama ito. Walang araw na hindi niya ito binibigyan ng mga regalo. Mula sa bulaklak , jewelries , chocolate's hanggang sa perfume at damit ay walang mintis siyang nagreregalo dito. Pakiramdam niya kasi kailangan niyang bumawi sa mga nasayang na oras nilang mag-asawa dahil mas pinairal niya ang pride dati, kaysa ang pakinggan ito. Pakiramdam niya ay ginayuma siya nito .



Ang totoong dahilan kung bakit hindi siya nakarating sa reunion nilang magkakaibigan ay dahil sa buong gabi niyang inangkin ang asawa na halos ay hindi na ito makalakad sa pagiging agreaibo niya. He was like a predator eating his prey dahil sa matinding pagnanasa na nararamdaman niya para rito. Yes, he had a fair share with women before , kahit noong sila pa ni annica pero iba ang nararamdaman niya ngayon. Para bang laging hinahanap ng katawan niya ang katawan nito.




" A penny for thoughts brother? ". Tila doon lang siya natauhan, nang magsalita ang kanyang kapatid . " W-what did you just say? ". Napabuntong-hininga naman ito bago muling bumaling sa kanya. " You're spacing out again. Tell me, what's bothering you this past few weeks bro. Napapansin ko kasing wala ka sa sarili mo nitong mga nakaraang araw. Malay mo naman makatulong ako. I'm your brother after all ". Marahil ay makatulong nga ito sa problema niya. Kaya naman walang pagdadalawang-isip na kwinento niya dito ang dahilan kung bakit nagbabago siya nitong mga nakaraang araw.


" Hindi kaya, inlove kana sa kanya? At hindi mo lang napapansin dahil nasa denial stage kapa rin hanggang ngayon? ". Pagkaraa'y sabi nito ng sinabi niya dito ang problema niya. '' I don't know either, it's just that naguguluhan pa rin ako ". Nalilitong sabi ko sa kanya. " O baka naman nababaling lang ang atensyon mo sa kanya dahil kamukha siya ni Annica at wala siya dito kaya ganyan ang nararamdaman mo? ". Inisip niyang mabuti kung iyon nga ba talaga ang dahilan kaya siya nagbabago o dahil tama talaga ang unang sinabi nito? Na mahal na nga talaga niya ang asawa at indenial lang siya?.




But there is something that is holding him back para mahalin ito. At alam niya kung sino yun pero ipinagsawalang bahala nalang muna niya ang kaisipang iyon.


Ngayon pa lang sila nagsisimula ni yelena at ayaw niyang sirain ang kung ano mang meron sila ngayon.


Nalilito man siya ay isa lang ang sigurado. Ayaw niyang mawala ang babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon.


Pagkatapos magpaalam ng kanyang kapatid ay agad niyang tinapos ang natitirang oras sa pag pirma ng mga papeles na nakatambak sa lamesa niya at  binisita niya rin ang mga pabrika upang kahit papano ay ma-divert ang kanyang atensyon sa ibang bagay at makapag-isip siya ng tama.



Gabi na nang nakauwi siya sa bahay nilang mag-asawa. Nakabukas pa ang mga ilaw sa bahay kaya alam niyang gising pa ito. Agad siyang pumasok at nakita ang babaeng mukhang pagod at halatang kanina pa siya hinihintay. Nakayuko ito nang bahagya pahiga sa sofa na tila ba nahihirapan ito sa naturang posisyon kaya naman inayos niya ang pagkakahiga nito at pinagmasdang maigi ang babae.



Alam niyang hinihintay siya nito. Hinihintay nitong sabihin niya na pareho sila ng nararamdaman pero natatakot siya. Natatakot siyang baka tama ang kapatid niya. Na baka nga nakikita lamang niya ang kakambal nito dito at nababaling lamang ang atensyon niya dahil wala ang babaeng minsan ay naging parte ng buhay niya. Pero kahit ganon, may isang parte ng isip niya ang nagsasabing, tama ang desisyon niya. At hindi niya kakayanin kapag ito sa kanya.





TS( wife series 1)

The Substitute (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon