Chapter Twenty-Nine
1 year later....
Lahat ng bagay nagbabago, napatunayan niya yun sa loob ng isang taon. Maging ang mga taong nakapaligid sa kanya'y nagbago na rin.
It's been so long since that incident happened. Malaki ang nagbago sa buhay niya. Hindi lang sa kanya kundi maging ang mga tao sa paligid niya.
Napangiti siya nang makita ang wedding invitation na nakapatong sa desk niya. Parang kailan lang, malaki ang galit sa kanya ng groom na ikakasal. Sinong mag-aakalang na siya pa ang tatayong best man sa kasal nito.
Inilagay niya ang wedding invitation sa kanyang bulsa bago binalingan ang anak na hawak-hawak ng kanyang ina. " He's so cute, iho. Naaalala kita kapag nakikita ko siya. Sayang nga lang at hindi ito nakikita ni yelena ". Malungkot na saad ng kanyang ina.
Nakaramdam man nang kalungkutan, hindi naman niya yun ipinahalata sa ina. Ayaw na niya itong mag-alala pa sa kanya. " I know, masaya siya, ma. She loves our son so much ". Maingat na kinuha niya rito ang kanyang anak at pinatulog habang sinasayaw. Nang makita niyang nakatulog na ito ay saka lang siya nagpaalam sa ina para dumalo sa kasal.
Habang nagmamaneho ay hindi niya naiwasang maisip ang mga nangyari sa nakalipas na isang taon. Sabi nga nila, you will not know the true meaning of the word pain , until you feel it.
Dahil ganon ang naramdaman niya kay yelena. Binago siya nang sakit na yun sa nakalipas na isang taon, pero sa kabilang banda pinatatatag naman siya nito.
Ngayon ang kasal ng kaibigan ni yelena na si rum na naging kaibigan na rin niya sa bandang huli. Narealize kasi niya na hindi matutuwa si yelena kung sakaling makikita nitong nag-aaway silang dalawa. Kaya naman kahit halos mapatay na siya ni rum noong unang nakipag ayos siya dito ay hindi pa rin siya sumuko. Kalauna'y nawala din ang galit nito at dinadamayan siya kapag may hinaharap na problema. Ni hindi nga nila napansin na masyado na pala silang naging malapit sa isa't-isa. To the point na ito na ang nagbabantay sa anak niya kapag may kailangan siyang tapusin sa opisina.
Hindi na yata matitibag ang bromance nilang dalawa. Alam naman niya na ito ang gusto ng asawa niya kaya ito rin ang ginagawa niya.
Nag-asawa na rin ang kapatid niyang si lance at apat na buwan nang buntis ang babaeng pinakasalan nito. Ang kapatid naman niyang babae na napaka intrimidita ay kasalukuyang nag-aaral ng business management sa amerika. Kung minsan ay dumadalaw siya dun para bisitahin ito kasama ang mga magulang nila. Siyempre, para maipasyal na rin ang anak niyang sobrang hilig atang maglakwatsa na si yael.
Kapag nasa labas kasi ito ay napaka energetic pero kapag nasa bahay naman ay sobrang tahimik. Wala nalang siyang ibang choice kundi ang ipasyal ito palagi kapag nababakante siya sa opisina.
Tungkol naman kay annica. Matagal na niya itong napatawad sa ginawa nitong paninira sa kanilang mag-asawa. Lalo pa't narinig niyang pumanaw na ang anak nitong si annise dahil sa sakit na diabetes. Nakaramdam siya ng awa dito dahil may anak rin naman siya kahit papano. Bukod dun ay hindi naman kasalanan ng bata ang kasalanan ng kanyang ina.
Ang huling balita niya sa dating nobya ay nagpapagamot ulit ito dahil sa bumalik na naman ang ceased nito sa ovary at posibleng dumami pa.
Ang mga magulang naman ni yelena ay nagbukas ng sariling foundation kung saan natutulungan ang mga taong may heart diseased na walang pambayad sa ospital para magpa-opera. Marahil ay dahil na rin sa nangyari kay yelena kaya ginagawa nila ang mga bagay katulad nito. Paraan ng pagsisisi at pag-alala sa kanya.
Matagumpay na natapos ang kasal ni rum at hinintay muna niyang matapos ang reception bago nagpasyang umalis sa naturang lugar.
Nagpasya siyang dumaan muna sa isang flower shop bago umuwi ng bahay. Nang makauwi ay agad niyang hinanap ang crib ng anak at chineck kung maayos ba itong nakakatulog bago lumabas ng naturang kwarto.
Pumunta siya sa master's bedroom at doon nakita ang hinahanap. Lumapit siya dito, dala ang isang bouquet ng flowers bago hinalikan ang noo nito at pinalitan ang mga lumang bulaklak na naka-display sa bedside table nito.
Pinagmasdan niya nang maigi ang payapa nitong mukha bago hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa ibabaw ng kama.
She was still beautiful kahit na natutulog ito. Wala pa ring nagbago sa itsura ng kanyang asawa.
" How long are you planning to sleep my love?. Ang tagal na kitang hinihintay ". Tanong niya dito. Pero as usual, tanging aparato lang ang naririnig niyang sumasagot sa mga tanong niya.
" Did you know that rum, has finally tie the knot this day?. Mas maganda siguro kung nandun ka. Eh di sana nakita mo ang itsura niya. Hindi na nakapaghintay kanina at sinundo na ang bride sa kalagitnaan ng lakad nito. Lahat tuloy kami natawa. Excited na siguro sa honeymoon ". Pagkukwento niya dito.
He miss her.. His bestfriend, his lover , and his wife. Tama, asawa na talaga niya ito dahil ginawa na niyang legal ang kasal nila. He can't see himself marrying another woman aside from her. His yelena.
" Kailan ka ba babalik?. Hanggang kailan ka ba matutulog love?. Please wake up. Masyado ng matagal ang pagtulog mo, baka hindi mo na makitang lumaki si yael ". Habang sinasabi ko ang mga katagang iyon ay nakayuko akong umiiyak habang hawak ko ang kamay niya.
I've been doing this for a year now. At wala pa ring pagbabago. Everything's change pero hindi ang kundisyon ng asawa niya. Seconds after her heart stop beating ay himalang tumibok muli ang puso nito. Agad itong inoperahan pero kahit naging successful ang operasyon nito ay hindi pa rin ito gumising.
Imbes na ipirmi ito sa ospital ay mas pinili niyang alagaan ang comatose na asawa sa bahay. Bagay na sinang-ayunan naman ng doktor nito dahil baka daw mas bumuti ang kalagayan nito kapag palagi siya nitong kasama.
" I'll be waiting, love. Until you come back to me. But please, don't make me wait for so long. I love you, yelena ". Bulong ko habang nakayuko at hawak pa rin ang kamay nito. Naramdaman ko ang biglang paggalaw ng kamay niya, bagay na agad nakapagpatigil ng mundo ko.
" a-andrew ".
TS( wife series 1 )
BINABASA MO ANG
The Substitute (Under Revision)
General FictionSynopsis All her life she was being compared to her twin sister Annica. Who's more beautiful, smart , sophisticated than she was. Well, she accepted it already that her twin will always be ahead of her in many things. Not until she met the handsome...