Chapter Thirty One

26.7K 428 12
                                    


Chapter Thirty One


Nanlalamig na siya sa sobrang kaba at hindi na magkamayaw ang mga kamay niya sa panginginig. Damn! This is so gay!!!. Piping sigaw ng utak niya, habang hinihintay na dumating ang bride niya. Tiis lang, andrew. Dadating din yun!!. Piping kumbinsi niya sa sarili.

" Relax, my friend. Baka mamaya maihi kana lang sa pantalon dahil sa sobrang nerbiyos mo diyan ". Rinig ko ang mahinang pagtawa ng kapatid kong si lance dahil sa sinabing yun ni rum. Nanggigigil na pinanlakihan niya ito ng mata. " Shut up!. Or else, isasabit kita sa kampana nitong simbahan pag hindi ka tumigil ". Mahinang banta ko dito.

Natawa lang ito sa sinabi ko.
" Parang kailan lang, pinagtatawanan mo pa'ko dahil sa takot kong hindi ako siputin ni aileen sa kasal. Tapos ngayon ikaw naman. Ibang klase talaga kumilos ang karma ". Ngiting aso na pang-aasar nito sa'kin, bago tuluyang bumunghalit ng tawa. Tss.. Ang lakas talagang mang-asar... Bakit nga ba uli ako nakipagbati dito?... I must be out of my mind.

" Hayaan mo na lang si kuya. Tutal naman, araw niya ngayon. Wag mo nang sirain. Baka mamaya masapak kapa niyan, mukhang pikon pa naman ". Panggagatong ni lance dito. Kung minsan ay tinatanong niya sa sarili kung kanino ba talaga ito kampi, sa kanya o sa bwesit niyang kaibigan.

" Pero pare, best wishes. Ingatan mong mabuti si yelena, dahil parang nakababatang kapatid ko na yan. Pagkatapos ng mga nangyari sa inyong dalawa. Both of you deserved to be happy ". Marahang tinapik nito ang balikat niya bago niyaya si lance na umupo muna pansamantala katabi ng mga asawa nito. Napangiti siya sa tinuran ng kaibigan.

Kahit kasi may pagka bully ito ay maaasahan naman sa oras ng pangangailangan. Kahit papano'y nawala ang kabang nararamdaman niya kani-kanina lang. Thanks to his lunatic friend. He's all better now.




Samantala, nanghihintay nalang ng hudyat si yelena para pumasok na sila sa simbahan ng ama niya na katabi niyang magmamartsa ngayon.

" you're so beautiful, anak. Patawarin mo sana kami sa lahat ng pagkukulang namin sayo ng mama mo. Always remember na kahit kailan, hindi nagbago ang pagmamahal namin sayo ng mama mo. I know you think na mas mahal namin si annica but that's not true. Pareho namin kayong mahal. Kaya lang naman kami ganon sa kapatid mo ay dahil may pagka rebelde ang kapatid mo. Samantalang, napakabait mo namang anak sa'min. Akala namin, ayos lang na unahin namin ang kapatid mo dahil iniisip namin na mauunawaan mo ang sitwasyon natin pero mukhang, ikaw pa ata ang napabayaan namin. I'm sorry, anak. Kung naramdaman mong nag-iisa ka lang. Kung naramdaman mong pinabayaan ka namin. Patawarin mo sana kami ng mommy mo. I'm so sorry, anak ".


Hinawakan niya ang kamay nang ama at ngumiti dito. " Wala na po yun, pa. I love you at napatawad ko na po kayo ni mama. Kaya patawarin niyo na ang mga sarili niyo dahil hindi niyo naman ginusto ang mga nangyari. Mas nagpapasalamat ako sa pagbuhay niyo sa'kin sa mundong 'to. Thank you papa and i love you ".

Bumukas na ang pintuan ng simbahan at nag-umpisa na ang tugtog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumukas na ang pintuan ng simbahan at nag-umpisa na ang tugtog. Hudyat na mag-uumpisa na ang kasal. Naluluhang tumingin siya sa mga tao sa paligid. Halata ang kasiyahan sa mga mukha nito. Hanggang sa nahagip ng kanyang mga mata ang isang pamilyar na bulto. Nalaglag ang kanyang mga luha ng makilala kung sino ito. She was smiling at her while mouthing the word " i'm sorry ". Nandito ang kakambal niya. Kahit nasa malayo ay malabong hindi niya parin ito makilala. Kahit nangangayayat ay maganda pa rin ito katulad ng dati. Ngumiti siya bilang pagsasabi na napatawad na niya ito. She was her sister after all. At alam niyang nagsisisi na rin ito sa nagawang kasalanan sa kanya.

-The Music Starts Playing

Not sure if you know this. But when we first met, i got so nervous i couldn't speak.
In that very moment i found the one and missing piece.

Isa lang ang na-realized niya sa lahat ng pinagdaanan niya. Everyone commits a mistake. Nobody's perfect, that's the truth.  Pero hindi sapat na dahilan yun para ulitin mo ang pagkakamaling ginawa mo. In the end, it's your choice to make. There's no one to blame but you. Pero kahit gaano kapa kasama sa mata ng ibang tao, may darating na tatanggap ng lahat ng kamalian mo. At siya ang masasabi mong, totoong nagmamahal sayo.

So as long as i live i love you, will have and hold you... You look so beautiful in white... And from now til my very last breath ,this day i'll cherish...
You look so beautiful in white... Tonight....

(Beautiful in white by westlife )

Rinig kong kanta ng wedding singer habang ang mga mata ko'y nakatutok sa lalaking paglalaanan ko ng buong buhay ko sa mga taon ko dito sa mundo. 
He smiled at me while patiently waiting for me at the altar.

Hindi pa ito ang katapusan. Alam ko yun. Dahil ngayon pa lang kami mag-uumpisa, at alam kong marami pa kaming pagsubok na dadaanan. Ang importante ay buo kami at mahal ang isa't-isa. Bubuo kami ng mga bagong alaala. At sa pagkakataong ito hindi na namin sasayangin ang biyayang binigay ng diyos sa amin. Bagkus, magiging saksi ang langit. Sa bagong yugto nang pagmamahalan namin.

 Sa bagong yugto nang pagmamahalan namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( Yelena and Andrew after the weeding ).....






TS( wife series 1 )

The Substitute (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon