Chapter Eight
Tahimik lamang siyang kumakain sa isang tabi habang masaya namang nag-uusap ang magkakapatid. Paminsan-minsan ay sinusulyapan siya ni Andrew. Bagay na ikina-aasiwa niya.
Tuwing nasa bahay kasi siya ay never pa itong sumabay sa kanyang kumain. Bigla namang napatingin sa kanya si Megan na ikinakaba ng dibdib niya dahil kahit sabihing mas gusto siya nito kaysa kay Annica ay hindi pa rin magbabago na niloko nila ang pamilya nito lalong-lalo na si Andrew.
" So?, kumusta naman ang buhay may asawa, yelena?. Hindi ka man lang ba pinahihirapan ng kapatid ko? ". As usual may pagka mataray pa rin ito pagdating sa pakikipag-usap ng ibang tao .
Megan was born to be a Queen. Lahat ng gusto nito ay nakukuha nito kaya naman hindi nakapagtatakang ganito ito kung umasta. Hindi rin niya maintindihan kung bakit ayaw nito sa kapatid niya, hindi rin naman nito ipinapaliwanag basta ayaw lang nito. Tss, typical na spoiled brat. " Hindi naman. Sobrang bait nga niya sa'kin eh, hindi niya ako pinababayaan ". Pagsisinungaling ko rito habang ang mga mata nito'y sinusuri pa rin kung nagsasabi ba'ko ng totoo.
Namamawis na'ko sa paraan ng pagtingin nila sa'kin.
Kumalma lang ako nang may maramdaman akong kamay sa hita ko. Bahagyang pinisil ni Andrew ang hita ko para pakalmahin ako. Bigla naman akong napainom ng tubig sa tensyon sa paligid." So, iha kailan mo kami mabibigyan ng apo? ". Bigla namang tanong ng ina ni Andrew, dahilan para mabulunan ako at mapaubo dahil sa sinabi nito. Naramdaman ko naman ang bahagyang paghimas ng kamay ni Andrew sa likod ko. " Ma, wag niyo nga 'hong biglain ang asawa ko. Baka mamaya ay ma-pressure siya at bigla nalang akong layasan. Mas lalo akong di magkakaroon ng anak niyan eh ". Reklamo ni Andrew sa ina nito. Napatawa naman ang ama nito
" Wag mo nang pilitin ang mga bata amelia. Tama si Andrew, mas magandang wag mo munang kulitin ang maganda mong manugang tutal mga bata pa naman sila. Ine-enjoy pa nila ang pagiging mag-asawa ". Nakangiting baling sa kanya ng ama ni Andrew. " Tama, ka papa pero kuya. Don't make it too long ha, baka mamaya may asawa na ako wala parin kayong anak. Gusto ko ring makita muna ang mga pamangkin ko bago ako mag-asawa noh? ". Litanya pa nito." Don't worry sis, i'm working on it already ". Pilyong saad ng kanyang asawa. Na ikinapula nag buong mukha niya.
Tinitingnan niya mula sa ibaba ang asawa na kasalukuyang nakikipag-usap sa mga magulang nito. " Don't looked at him like that yelena mamaya mahalata ng kapatid ko na may pagtingin ka talaga sa kanya ". Rinig kong sabi ni Megan. Binawi ko nalang ang tingin at humarap dito, " Kahit naman mahalata niya ay hindi pa rin naman niya masusuklian ang pagmamahal ko. Am i selfish megan? Kung hihilingin ko na sana ako nalang ang mahalin niya at hindi ang kapatid ko?. You see mula highschool hanggang college wala akong ibang dinidate dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Alam kong hindi ko dapat yun isisi sa kanya dahil ako ang nag desisyong maging mag-isa. Wala siyang kinalaman kung nagpakatanga man ako, kasalanan ko rin naman dahil pinili kong maging ganito. Pero sa tingin mo? Madamot ba talaga ako? Dahil hindi ko magawang maamin sa kanya na alam ko na kung nasan ang kapatid ko dahil sa takot ko na baka iwan niya ako at piliin niya parin si Annica kahit pinagtaksilan na siya nito? Mali ba'ko megan? ". Nasasaktang sabi ko dito, habang si megan naman ay nakatitig lamang sa'kin at tahimik na nakikinig. " Mali ka , yelena. Pero minsan kasi mas maganda ding maging selfish ka kahit papano. Hindi ko sinasabing magsinungaling ka sa kanya habang buhay pero kung hindi ka rin naman matatahimik at wala kang peace of mind kahit kelan hindi ka liligaya. Ang maipapayo ko lang sayo hangga't maari, habang magkasama pa kayo ni kuya ay iparamdam mo sa kanya ang pagmamahal mo. Ibigay mo ang lahat maging ang kaluluwa mo, pero tandaan mo atleast ipinakita mo sa kanya na ginawa mo na ang lahat pero kung hindi pa rin yun sapat, palayain mo nalang siya yelena at palayain mo nalang din ang sarili mo para ng sa ganon hindi kana lalong masaktan pa. Kapag natapos na ang lahat ay saka mo sabihin sa kanya ang kinaroroonan ng kapatid mo. Kapag pinili pa rin siya ni kuya at binalikan, yun na ang tamang oras na dapat kalimutan mo na siya at lumayo kana para hindi kana mas masaktan pa". Hinawakan niya ang kamay ko at malungkot na tumingin sa'kin.
"Para sa'kin at para sa'min. Sapat na ang ginawa mo para hindi masaktan si kuya. Napatunayan mo na sa'min ang pagmamahal mo sa kuya ko simula nung pumayag ka sa pakiusap ng pamilya namin na palitan ang kapatid mo. Kung hindi ka man niya magawang mahalin, wag kang mag-alala. Hindi ikaw ang magsisisi kundi siya kapag hindi niya nakita kung siya ka-swerte na may nagmamahal sa kanyang katulad mo. Don't be sad yelena, i'm always here for you ". Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Tama siya, it's better to be hurt than never be loved at all.
TS(wife series 1)
BINABASA MO ANG
The Substitute (Under Revision)
General FictionSynopsis All her life she was being compared to her twin sister Annica. Who's more beautiful, smart , sophisticated than she was. Well, she accepted it already that her twin will always be ahead of her in many things. Not until she met the handsome...